40. Choose

136 12 0
                                    

Ᏸ: 10 chapters left :)

[LONG CHAPTER]

Lily's POV

Umiiyak akong mag isa sa hotel room ko habang inaalagaan ang sariling kamay. Ang ilan sa mga bubog kanina ay nakuha ng kaliwang kamay ko, some went deep, some deeper but not too deep as to leave a scar.. hopefully.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likuran ng kanang kamay ko na parang bata. Naiiyak dahil sa pinaghalong sakit na natamo ko sa kamay ko, at sa mga sinabi sakin ni Jason kanina. Parehong nanginginig parin ang mga kamay.

Napapangiwi ako sa sakit dahil sa pagtatanggal ng mga bubog gamit ang tweezers, masakit pero tumutulo parin ang mga luha ko dahil naiiyak ako tuwing naaalala ko parin yung galit sakin ni Jason kanina.

"Ah," singhal ko sa sakit habang tinatanggal parin ang mga bubog.

I was busy still using tweezers when I heard the doorbell.

Napapikit ako dahil may hinala na ako kung sino 'to, "go away, Jason." Masyado na akong nanghihina para sigawan pa siya.

Narinig ko naman ang katok niya, inaasahan ko nga na malakas iyon bilang pagdadabog sa galit pero nagulat ako na mahina lang 'yon at mabagal pa.

Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy sa ginagawa.

"Please let me in.." malambot niyang sabi mula sa labas.

"Ayokong makita ka!"

Hindi na siya umimik pagkatapos niyon. Nagpatuloy nalang ako sa paghahanap pa ng mga bubog na nasa kamay, I even flashed a light to see it more.

Matagal na dumaan sakin ang katahimikan. Gusto kong ifocus ang atensyon ko sa ginagawa pero hindi ako mapakali sa naiisip.

Napapikit ako at umungol tsaka na tumayo mula sa sofa para puntahan ang pintuan.

Gamit ang kanang kamay ay binuksan ko iyon nang konti, ang sugatang kamay ay nakatago sa pintuan.

Nakita ko si Jason na naroon parin, nakatayo at nakayuko kanina pero nag angat ng tingin sakin nang pinagbuksan ko ng pinto. Nag ayos siya ng tayo.

Matagal ko siyang tiningnan bago magsalita, "hindi ba sinabi ko sayong ayaw kitang makita?" Hindi siya umimik, "umalis ka na."

Sa halip na sumagot ay mas lalo niyang tinulak ang pinto.

Hinigpitan ko ng hawak ang pinto sa kanang kamay ko at maging ang kaliwang braso ko ay ipinangharang ko narin, "anong ginagawa mo?" Hindi siya sumagot, "Jason!"

"Please.." biglang pagmamakaawa niya, animo nanghihina narin.

Mas lalo lang nanginig ang mga kamay ko sa nararamdaman. Nag iwas nalang ako ng tingin at unti-unting umatras para hayaan siyang makapasok.

Tumalikod ako kaagad at naglakad palayo para matago sakanya ang kamay ko. Pero halos mapamura ako nang mapansin ang mga bubog na natanggal ko sa kamay na nasa center table ko lang, may mga wetwipes pa nga na pula dahil sa dugo.

Nagulat ako nang biglang kinuha ni Jason ang kaliwang braso ko para tingnan iyon, hinayaan ko nalang tutal huli naman na ako.

Gumalaw ang mga kilay niya at umigting ang bagang nang makita ang sitwasyon ko.

Dahan-dahan niya akong hinila papaupo sa sofa, naupo rin ito at inagaw ang tweezers ko, "may natira pa?" Pagtukoy niya sa bubog.

Umiling ako.

Bumuntong-hininga siya at inilapag sa table ang tweezers tsaka naman kinuha ang wipes para punasan ang mga sugat ko, pagkatapos ay kinuha ang bulak para lagyan ng Betadine.

Seven Deadly Sins: Jason RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon