Lauren

740 6 0
                                    

Lumipas ang mga taon at nagpatuloy akong mabuhay mag-isa. Isa na akong successful na Doctor ngayon. Hindi ito ang pangarap ko noon pero simula nung mawala sa 'kin si Lauren itinatak ko sa isip ko na kailangan kong maging isang Doctor para kahit papaano sa pamamagitan nito ay madugtungan ko ang buhay ng isang tao. Walang araw na hindi sumasagi sa isip ko si Lauren. Ano kaya ang buhay niya kasama ang anak niya kung pinili niyang mabuhay?

"Good evening Doc," bati ng mga nurse.

Tinanguan ko lamang sila at nginitian. Medyo pagod ako ngayon kaya wala akong gana na makipagpalitan ng salita sa kanila. Gusto ko munang magpahinga kahit saglit lang. Sobrang nakakapagod din kasi ang araw na 'to at ang daming nangyari.

"Doc, gusto niyo ho bang ikuha ko kayo ng kape? Pampawala ho ng antok," sabi ni Shane.

"Ayos lang ba sa 'yo?"

"Oo naman. Ikukuha ko lang ho kayo saglit."

Agad namang nawala sa paningin ko si Shane. Umupo na ako sa upuan ko at ipinatong ang ulo ko sa table. Iidlip muna ako habang wala pa si Shane. Pahinga lang ako saglit.

Habang ipinipikit ko ang mga mata ko si Lauren pa rin ang nasa isip ko. Siya pa rin ang gusto kong mahalin hanggang sa kabilang buhay.

Nagising ako dahil sa ingay ng isang bata. Iminulat ko ang mga mata ko at iniisip kung may bata bang nakapasok sa opisina ko. Bawal pumasok ang bata sa opisina ko kaya sino 'tong batang 'to? Iginala ko ang mata ko sa paligid pero mas lalo ang nagtaka dahil hindi naman ito ang opisina ko. Nasaan ba ako?

"Gising na ba ang daddy mo?" Pamilyar ang boses na 'yon. Ilang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang boses niya.

"Gising na po," sabi ng batang nakagising sa 'kin dahil sa ingay niya kanina.

Lumingon 'yung bata sa 'kin pero blurd 'yung mukha niya. "Ayaw mo naman po sigurong magalit si mommy sa 'yo 'di ba? Bumangon ka na po diyan!" Sabay hatak niya sa kamay ko.

Dinala niya ako sa kusina nila at pinaupo sa upuan. Naghain naman ng pagkain sa lamesa ang isang babae katulad nung bata hindi ko rin maaninag ng maayos ang mukha ng babaeng 'to pero 'yung boses kilalang-kilala ko.

"Kumain ka na," ani ng babae.

Hindi ako pwedeng magkamali pagmamay-ari ni Lauren ang boses na 'yon o kaboses niya lang? Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang siyang maghain ng pagkain sa plato ko. Hindi pa man ako nakakasubo ay bigla niyang kinuha ang plato at ang kutsara ko. Nagtataka ko lang siyang tinignan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lumabas siya. Problema no'n?

Para bang may bumulong sa 'kin na sundan ko ang babaeng 'yon kaya sinundan ko siya. Nakatalikod siya ngayon at hindi ko alam kung alam niya bang nandito ako sa likod niya.

"Mahal na mahal ko ang tatay ng anak ko," biglang sabi niya. "Siya ang kaisa-isang lalaki na pinagkakatiwalaan ko sa buong buhay ko pero hindi ako makapaniwala na susuwayin niya ang huling habilin ko." Napabuntong hininga siya.

"Ano ba ang huling habilin mo?"

"Magmahal siya ulit."

"Huh?"

Humarap siya sa 'kin at nagulat ako dahil unti-unting luminaw ang mukha niya. Totoo ba 'to? Nandito si Lauren? Kasama ko siya?

"Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin 'yung lalaking minahal ko ng palihim. Mali ba ang bawal na pagmamahal?"

"Mali para sa mata ng Diyos at ng ibang tao pero para sa 'kin ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko. Lumipas man ang maraming taon pero hindi ko magawang alisin ka sa puso ko. Sobrang laki ng naging parte mo sa buhay ko at hindi kita kayang palitan."

"Kaya mo pero pinipigilan mo."

"Maniwala ka Lauren pinilit kong palitan ka pero hindi ko talaga kaya. Ikaw lang ang kaya kong mahalin hanggang sa kabilang buhay."

"Masaya na kami kaya sana bitawan mo na kami at magmahal ka na ng iba. H'wag mong hayaan ang sarili mo na makulong sa nakaraan natin. Hindi naging madali ang lahat pero nagpapasalamat ako dahil pinaramdam mo sa 'kin ang pagmamahal mo. Palayain mo na ang sarili mo mula sa nakaraan natin."

"Hindi pa ako ready na palitan ka."

"Pakiusap, mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay sa 'kin."

Nagising ako ng may luha sa mata. Hindi mo alam kung gaano katagal kong hinintay na dumalaw ka sa panaginip ko. Natutuwa ako na masaya ka sa desisyong pinili mo. Mahal kita Lauren!

Hinahanap ko siya agad. Nasaan ka ba? Ilang minuto lang ay nakita ko rin siya. Agad ko siyang niyakap kahit nakatalikod siya sa 'kin.

"Ayos ka lang?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko na nakapalupot sa kan'ya.

Tama siya kailangan ko ng palayain ang sarili ko mula sa mapait naming nakaraan. Kaya kong magmahal pero pinipigilan ko ang sarili ko. Halos limang taon na ring nagdudusa ang babaeng 'to dahil nakakulong pa ako no'n sa nakaraan naming dalawa ni Lauren. Hindi ko man lang napansin na siya lang ang tanging babaeng nanatili sa 'kin. Siya lang ang babaeng minahal ako kahit puro sakit ang dala ko.

"Mahal kita, Shane!"

"Natutunan mo na ba akong mahalin?"

"May nakapagsabi sa 'kin na mahalin kita higit pa sa kaya kong ibigay sa kan'ya. Natututunan na kitang mahalin. Salamat sa paghihintay."

Ilang taon pa ang lumipas at nagkaroon nga kami ng isang batang lalaki na anak. Hindi ko naisip na sobrang mamahalin ko si Shane. Akala ko hindi natuturuan ang puso na magmahal pero natuturuan pala kailangan mo lang ng isang taong consistent sa 'yo simula una hanggang huli.

Sex AddictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon