Pregnancy

1K 9 0
                                    

NANG malaman ko na si papa pala ang gumahasa kay Lauren at siya rin ang dahilan kung bakit nagdudusa ngayon ang kapatid ko ay halos isumpa ko siya nung minsang dinalaw ko ang puntod niya. Totoo na isa siya sa lalaking hinahangaan ko at hindi ako makapaniwala na nagawa niya ang bagay na 'yon sa sarili niyang anak. Madalas niya pa akong pinagsasabihan na h'wag na h'wag manggagahasa ng babae pero siya pala 'tong gumagawa ng bagay na ayaw niyang ipagawa sa 'kin. Paano niya nakakayanang matulog sa gabi habang nagdudusa ang anak niyang babae? Wala siyang kwentang ama!

Nanonood ako ngayon ng CCTV footage galing sa kwarto ni Lauren. Hindi niya alam na naglagay ako ng bagay na 'yon sa kwarto niya. Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba siya at hindi niya sinasaktan ang sarili niya. Alam kong nakakaranas ng depression ang kapatid ko lalo na ngayon at ayokong maramdaman niyang nag-iisa lang siya. Hindi ko kakayanin kung pati si Lauren ay mawala sa 'kin.

"Doc, kailan ho ang schedule ni Lauren?" tanong ko sa kabilang linya. Gagawin ko ang lahat para lang gumaling si Lauren at malagpasan niya ang pinagdadaanan niya ngayon.

"Maaari na kayong pumunta sa clinic ko bukas ng umaga. At h'wag mong kalimutang i-check lagi ang kapatid mo dahil baka may gawin din siyang masama sa sarili niya," bilin ng doctor.

"Opo, binabantayan ko siya palagi."

"Ikamusta mo na lang ako sa kan'ya ah?"

"Sisiguraduhin kong makakarating sa kan'ya ang pangangamusta mo doc. Salamat sa tulong!"

Pinatay ko na rin agad ang tawag at binaling ulit ang aking atensyon sa screen. Nanonood na naman si Lauren ng mga rated x na palabas. Ibang-iba na siya ngayon halos hindi ko na makilala ang Lauren na kasama ko ngayon.

Wala ni sinuman ang nakakaalam na si Lauren ang pumatay kay papa bukod sa 'kin. Hanggang ngayon buhay pa rin ang kaso ni papa dahil imposible raw na suicide ang nangyari. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan kami mamumuhay ni Lauren ng ganito. Bukod sa nakapatay siya ay kailangan ko siyang itago at alagaan hanggang sa maging maayos na siya pero paano kung lumabas ang katotohanan na siya ang pumatay kay papa? Paniguradong kukunin siya sa 'kin at makukulong kapag tumuntong siya sa edad na 18. Gulong-gulo ang utak ko ngayon.

Kumuha ako ng pagkain sa kusina at kumatok sa pintuan niya. "Lauren, kain ka na muna. May dalang pagkain si kuya rito. Gusto mo bang sabayan kitang kumain?" sambit ko.

Hindi ko na kayang maghintay dito kaya kinuha ko ang susi ng kwarto niya na nakalagay sa drawer nila papa at agad kong binuksan ang pintuan. At do'n ko nakita ang nakakaawa kong kapatid nasa gilid ng kan'yang kama at nakayakap sa kan'yang tuhod. Nakatulala rin siya na para bang nililipad ang isipan niya.

Nilapitan ko siya at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Hindi pa man dumidikit ang balat ko sa kan'ya ay agad siyang nabalisa at lumayo sa 'kin. Sobra-sobra ang trauma na iniwan ni papa sa kapatid ko.

"A-Ayoko na!" biglang sigaw ni Lauren.

"Magiging maayos din ang lahat. Gagawin lahat ni kuya para gumaling ka ah? H'wag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ni kuya. Please? Kayanin mo Lauren. Dadalhin na kita sa hospital bukas."

"B-Bakit nangyayari sa 'kin 'to kuya? Naging masama ba akong anak kay papa? Sinusunod ko naman lahat ng gusto niya pero bakit niya nagawa 'to sa 'kin? Anak niya ako! Anak niya!"

"Hindi ka naging masamang anak. Miski ako hindi ko lubos maisip na nagawa sa 'yo ni papa 'yon. Akala ko noon ligtas ka kay papa dahil close na close kayong dalawa pero hindi ko man lang napansin na may iba pa pala siyang ginagawa sa 'yo. Hindi man lang kita naprotektahan."

Sex AddictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon