10

350 13 5
                                    

Lee Donghyuck; Year 2006

Nakasilip ako palihim sa kwarto nila papa dahil naririnig ko silang nagsisigawan. Bakit nag sisigawan si mama at papa?

"Napapagod na ako mag alaga sakanya!" sigaw ni mama kay papa at umupo eto sa kama.
"Napapagod na akong mag alaga sakanya knowing he's not my own son!" reklamo ni mama habang umiiyak sya. Ha? Ano meron? Bakit napapagod na sakin si mama?

Tumulo ang luha ko sa mga narinig ko mula kay mama.

Tinabihan sya ni papa at kinausap eto. "Aba Marie, anak natin sya. 'Anak natin' " giit ni papa . "Kailangan mo syang mahalin ng parang anak kadugo nating anak." hinawakan ni papa ang kamay ni mama pero tinanggal nya lang eto at tumayo.

"Ibalik na lang natin sya sa bahay ampunan" b-bahay.. ampunan? Ano yun?

Tumayo si papa at sinuntok ang pader na ikinagulat ko "NGAYON MO PA TALAGA NAISIPAN IBALIK SI DONGHYUCK KUNG KELAN MATAGAL NA SYA SAATIN? ARE YOU OUT OF YOUR MIND MARIE? HINDI BAGAY SI DONGHYUCK. ANAK NATIN SIYA!" Galit na galit na sabi nya. "NI MINSAN HINDI MO SIYA MINAHAL?" Lumuluhang sabi ni papa at umupo eto sa sahig humahughol. Wala akong alam sa nangyayari. Tiningan ko ang hawak kong stuff toy na si Ben at niyakap eto.

Hindi ko na rin napansin na may tumutulo na rin palang luha mula sa mga mata ko. Anong nangyayari?

"Gusto ko lang naman ng anak Marie, pagbigyan mo na ako. Ni isang beses hindi kita sinisi bakit hindi ka magkaanak pero eto gagawin mo sakin?" Malungkot na sabi ni papa

Lumapit si mama kay papa at niyakap eto. "I'm sorry. Ang selfish ko. I'm sorry" paghingi ng tawad ni mama. Magsasalita pa sana si mama ng makita nya akong nakatayo sa harap ng pintuan nila.

"Donghyuck..."

"Mama? Ampon po ba ako?"

the melancholy of loving you | lee donghyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon