Unti unti niyang ibinukas ang kanyang mga mata. Nararamdaman niya ang pananakit ng kanyang ulo at pananakit ng kaniyang katawan.Nagising siya sa isang pamilyar pa rin na lugar.
Maya maya pa ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Naalala niya ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay dahilan para bigla niyang maramdaman ang takot.
Biglang pumasok sa isip niya ang mga tanong na..
Anong mangyayari sa akin dito?
Bakit ako nandito?
Anong kailangan nila sakin?
Habol din ba nila ang isang mahalagang bagay na hawak ko?
Dito na ba ako mamamatay?
Napahilamos siya sa kanyang mukha at dahan-dahang bumangon. Isinandal niya sa pader ang kanyang katawan at tumitig sa kawalan.
"Di bale, kung nanatili din naman ako doon mamamatay din naman ako." sambit neto.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng kinalalagyan niyang kwarto kaya napatingin siya dito. Nung una ay kunot noo pa itong nakatingin sa lalaking pumasok.
Nguni't nang makilala niya ito ay halos nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Kilala kita!" Sabi niya sa lalaking yon at agad na sinubukang lapitan ito nguni't hindi niya nagawa dahil bitin ang kadenang naka gapos sa paanan niya.
"Bakit ka andito? Kilala mo ba sila?" gulong gulong tanong nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
"Si Kit andito ba siya? Asaan siya?" Nagmamakaawang tanong nito.
Nanatiling tikom ang bibig ng lalaking nasa harap niya at walang sinagot kahit isa sa tanong niya. Nakatitig lang ito sa kanya nguni't bakas sa mukha nito ang lungkot.
Biglang kumirot ang puso niya nang biglang may pumasok na ideya sa utak niya.
"Wag mong sabihing si Kit ang nagdala sakin dito Doc?" Nangigilid ang mga luha niya nang tinanong niya ito.
Nagbuntong hininga lang ang lalaki at sa wakas ay nagsalita. "Kate, wag mo munang pwersahin ang katawan mo. Mahina ka pa dahil sa mga bugbog na pinagdaanan mo at dahil din sa malnourished ka."
Ang lalaki sa harap ni Kate ay isang doctor, ito ang dinadala sa kaniya ni Kit kada binubugbog siya upang icheck ang kalagayan ng dalaga at gamutin ito.
Napatingin silang dalawa nang muling bumukas ang pinto. Sa puntong iyon ay mga hindi kilalang lalaki ang pumasok. Maaaring ilan ito sa mga alepores nung lalaking may sira sa utak.
Ang isa sa mga lalaki ay tinanggal ang kadena ni Kate sa paa. Samantalang isa sa mga ito ang nagsalita.
"Sundan niyo ko." Sabi nito.
Dalawa sa mga ito ang humawak sa magkabilang braso ni Kate at kinaladkad siya palabas. Hindi naman siya nanlaban pa dahil para sa kaniya, kahit patayin man siya ngayon ay wala na siyang pakialam.
Sa puntong ito ay puno siya ng katanungan sa isip niya nguni't isa lang ang sigurado siya..may kinalaman si Kit dito.
Maya maya pa ay binitawan na siya ng mga ito nang maipasok na siya sa sa kwarto kung saan andon ang hapag-kainan. Meron ditong isang mahabang lamesa kung saan napakaraming nakahain na putahe at may labing dalawang upuan.
At sa isang dulo neto ay nakaupo ang lalaking iyon.Bigla niyang naramdaman ulit ang takot. Hindi niya maintindihan kung bakit kapag nakaharap na siya sa lalaking ito ay biglang nawawala ang lakas ng loob niyang mamatay.
Madilim ang silid dahil iilang mga nakasinding kandila lang ang nagsisilbing ilaw nito at ramdam na ramdam niya din ang mabigat na awrang pumapaligid sa lalaking iyon.
Tumingin sa kanya ang lalaki at nginitian siya nito. Isang nakakatakot na ngiti na pinarisan pa ng isang matalim na tingin.
"Sit." Kalmadong sabi ng kanyang malalim at malamig na boses.
Nararamdaman niyang nanginginig at nanlalamig ang kanyang mga kamay. Ngayon na lang ulit siya nakaramdam ng takot. Akala niya noon ay wala na siyang kinatatakutan.
Nanatiling nakatayo si Kate at tinignan lang niya ang lalaki. Kahit natatakot siya ay ayaw niyang ipakita ito sa lalaki.
Maya maya pa ay umalingawngaw ang isang malakas at nakakatakot na tawa nito.
"SIT!" at isang malakas na kalampag sa lamesa ang narinig niya dahil hinampas ito ng lalaking iyon gamit ang mga kamay nito. Nagngingitngit sa galit ang mga panga nito at namumula ang mga matang nakatingin sa kanya.
Di namalayan ni Kate na napaupo na pala siya dahil sa takot. Pagka-upo niya ay hindi niya pa rin inaalis ang titig sa lalaki dahil sa takot niyang pag nalingat lang siya ay patayin na siya nito.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng lalaki at ngumiti ulit ito.
"Isa siyang baliw.." sabi niya sa utak niya.
"Good girl." tuwang tuwang sabi nito na parang isang aso ang kausap niya.
Gusto niyang magsalita nguni't parang umatras ang dila niya sa takot.
Pinagmasdan niya lang ang lalaki na nagsisimula ng kumain. Halos pigilin ni Kate ang kaniyang paghinga para lang hindi makagawa ng ingay. Abala na kasi itong kumakain at ayaw niyang mabaling ulit ang atensyon nito sa kanya.
"Bakit hindi ka kumakain?" pagbasag ng lalaki sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.
"A—ayo-ayokong kumain." Nagmamatapang na sagot ni Kate.
Huminto ang lalaki sa pagkain at binigyan si Kate ng isang blangkong tingin atsaka niya ito nginisian.
Tumayo ito sa kinauupuan nito at dahan dahang naglalakad papalapit kay Kate habang nakatingin pa din ito sa kanya.
"Are you scared?" Mas lumawak ang ngisi nito.
Habang lumalapit ang lalaki sa kanya ay hindi mapigilan ni Kate ang takot na nararamdaman niya dahilan ng matinding pangangatog ng mga tuhod niya. Tumutulo na din ang mga malalamig na pawis niya dahil sa takot.
Maya-maya pa ay nagulat si Kate ng sungaban siya ng lalaki at hinawakan sa kanyang braso at parang laruan na inihagis sa pader.
Namilipit si Kate sa sakit at di napigilang mapasigaw. Bumagsak ang kanyang payat na katawan sa sahig.
"Aaaaaah" isang pagungol ang pinakawalan ng lalaki mula sa kanyang mga bibig Atsaka tumawa ito ng malakas.
"Ang sarap pakinggan ng pagsigaw mo dahil sa sakit"
Maya-maya pa ay biglang may kumaripas ng takbo papalapit sa lalaki at kinwelyuhan ito.
"Here comes your knight in shining armour!" Tumatawang sabi ng lalaki na diretsong nakatingin sa lalaking nakahawak sa kwelyo niya..
"K-kit?" Nanghihinang sambit ni Kate sa pangalan ng lalaking ito.
Tumingin si Kit sa kanya habang hawak-hawak pa din nito ang kwelyo ng baliw na lalaki.
"Kate, i'm sorry..." malungkot na sabi nito sa kanya. At ibinaling ang tingin sa lalaking hawak niya sa kwelyo. Nakangisi lang ang lalaking ito sa kanya.
"Ikaw na ang nagbuko sa sarili mo.." sabi nito kay Kit atsaka tumawa ng malakas na para bang nang-aasar. Sinamaan lang ito ng tingin ni Kit at binitawan na ang kwelyo nito para tumakbo sa nakahandusay na si Kate.
Binuhat niya si Kate at inilabas sa silid na iyon.Habang buhat buhat siya ni Kit ay pinagmasdan lang ni Kate ang nag-aalalang mukha nito.
Kit, anong kinalaman mo dito?
BINABASA MO ANG
Love and Madness
Romancewhat if a man with a broken mind and heart fall in love with you?