Ibinagsak nila sa harap niya ang isang babae na nakabalot ang ulo sa sako at nakagapos ang mga kamay at paa.Ngumiti ito ng parang demonyo. "Finally, dumating na ang package ko." Sabik netong sabi atsaka nilapitan ang babae at umupo sa harap neto.
Pinagmasdan niya ito. Nasugat na ang mga kamay at paa neto sa higpit ng pagkakagapos at may mga peklat at sugat din sya sa braso at binti. Payat at maputla ang katawan ng nasabing babae.
Mas lalo siyang natuwa sa nakikita ng kanyang dalawang mata.
Dahan dahan nitong tinanggal ang sako na nakabalot sa ulo ng babae.
Tumambad sa kanila ang maputla at magandang mukha nito. May mga pasa ito sa mukha at ang basag nitong labi. Naghihinang nakatingin ang babae sa kanya.
"A—anong ka—kai-langan nyo s-sakin?" nanghihinang tanong nito.
Nginitian lang niya ang babae na parang demonyo. "Hindi ko alam bakit sabi niya isa kang mahalagang tao." sabi nya atsaka dahan dahang pinunasan ang dugo na nasa pumutok na labi ng babae.
Tinikman niya ito. "Ang tamis ng dugo mo..." sabi neto na tila baliw na natutuwa sa lasa ng dugo ng babae. Maya't maya pa ay biglang naging blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha at saka binigyan ang babae ng isang nakakatakot na tingin.
"Pero pag nawalan ka na ng halaga, di ako magaatubiling patayin ka." dugtong neto.
———-*
Nagising ang babae ng maramdaman nito ang sakit ng kanyang katawan.
Pinilit niyang bumangon at pinagmasdan ang paligid. Nakakulong siya sa isang kwarto na tanging kama lang ang laman. Napansin nya din na nakakadena ang isa sa kanyang mga paa at nakakabit ito sa kama.
Siguro ito na talaga kapalaran ko..
Sabi niya sa isip niya at napangiti na lang. Wala na siyang dahilan para maging malungkot, dahil para sa kaniya buong buhay niya ay puno na ng kalungkutan at sanay na siya don.
Tawagin niyo na lang siya sa pangalang "Kate". Ayan ang ibinigay na bansag sa kaniya ng isa sa importanteng tao sa buhay niya.
Si Kit,
Napapa-isip siya kung nasaan ba si Kit? At paano siya napunta sa lugar na ito.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Kate dahil biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan niya.
Tumingin siya doon at nag-aabang kung sino ang papasok sa pintong iyon.
Maya maya pa ay iniluwa ng pinto na 'yon ang isang matangkad,matipuno at gwapong lalaki. Kung pagmamasdan mo ito ay tila may iba sa kanyang pagkatao.
Huminto ito sa harap niya at ngumiti.. isang nakakatakot na ngiti.
"Welcome Home!" pagbati neto sa kanya habang nakangiti pa din.
Tumayo si Kate. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng mga katawan niya pero wala na siyang pake. Sanay na siya sa mga sakit na iyon.
Tinignan din ni Kate sa mata ang lalaki. "Kung papatayin mo ko, patayin mo na ko. Wala na akong pakielam." matapang na sagot neto.
Tumawa ng malakas ang lalaki.
May nakakatawa ba sa sinabi ko? Tanong niya sa isip niya.
Huminto sa pagtawa ang lalaki at nagbago ang ekspresyon ng mukha neto. Binigyan niya ulit ng isang ngiti ang babae. Parang isang ngiti ng demonyo...
"Wag kang excited. Dadating tayo dyan." Sagot neto at humakbang ng isang baitang ang lalaki palapit sa babae. Humakbang paatras si Kate nguni't wala na siyang aatrasan dahil pader na pala ang nasa likuran niya.
"Gigilitan kita sa leeg" at humakbang pa ulit ito.
"Atsaka ko dudukutin ang maganda at bilugan mong mata." humakbang pa ulit to.
"Atsaka ko puputulin ang dila mo." humakbang pa ulit to.
"Atsaka ko dudukutin ang puso mo." At humakbang pa ulit to. Dumukot siya ng kutsilyo sa bulsa niya. Isang hakbang na lang ang layo niya sa babae.
Ngumiti ulit ito sa nangangatog na si Kate. Atsaka humakbang at iwinasiwas ang kutsilyo papunta kay Kate.
Napapikit ang dalaga at naghihintay ng pagtama ng kutsilyo sa kanya.
Pero wala....
Wala siyang naramdaman. Sa halip ay isang buntong hininga ang narinig niya sa kanyang kanang tenga..
Idinilat niya ang kanyang mata at doon niya nakitang ang lapit na ng lalaki sa kanya na halos parang yakap yakap na neto siya. Ang mga bibig nito ay nasa kaniyang tenga..
"Sisiguraduhin kong buto't balat na lang ang ililibing sayo. Kaya wag mo kong subukan" tas tumawa ito atsaka lumayo na at tumalikod na.
Naglakad na palabas ang lalaki at ang mga alagad naman neto ay inilock na ulit ang pinto.
Naiwan siyang nakatayo pa din at gulat sa mga nangyari at sa narinig niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi siya takot mamatay pero nung mga oras na yon naramdaman niya ang takot.
Bumagsak siya dahil sa panlalambot ng tuhod. Tumingin siya sa pader na nasa likod niya kanina at doon niya nakita na nakabaon ang kutsilyong akala niya ay tatapos ng buhay niya kanina.
Pader na bato ito. Paano niya naibaon ang kutsilyo dito? tanong niya sa isip niya.
Ang lalaking iyon..
Isa siyang..
"baliw.." mahina niyang sambit atsaka nawalan ng malay.
to be continued...
Author: Sana nagustuhan niyo at suportahan niyo ang story na to! Thank you :)
Thank you azrepanlovelove for the book cover :)

BINABASA MO ANG
Love and Madness
Romancewhat if a man with a broken mind and heart fall in love with you?