Chapter 5

11 1 1
                                    

Asia: paki kolekta naman mga kaibigan mo, gabi na nagkakalat pa rin HAHAHA

Not long after kasi ng pag-uusap namin ni Kaydon, bumaha ang notifocations ko dahil sa pagl-like nina Hunter at Aiden sa mga posts ko. Kahit 'yung mga throwback photos ko ay nahanap nila. Dapat pala ginawa ko munang private 'yung mga luma kong posts bago ko sila in-accept.

Killian: lumalabas nga sa newsfeed ko mga nil-like nila eh hahaha

Asia: aba at talagang tinawanan mo lang?

Killian: ang funny naman talaga ng mga posts mo dati hahaha

Asia: di ko ramdam na funny siya, ang plastik ng tawa mo eh

Killian: what about my laugh?

Asia: small letters eh, ang plastik. dapat HAHAHAHA

Killian: same lang din naman yan hahaha

Asia: hindi kaya. kapag funny talaga dapat "HAHAHA" tapos kapag di ka talaga masaya or ur being sarcastic "hahaha" yung ginagamit.

Killian: hindi ko naman alam na may ganyang rule hahaha

Asia: ayan ka na naman sa tawa mong nakakainis. pano kung di ka talaga masaya? anong sasabihin mo?

Killian: edi hindi ako magssend ng haha?

Asia: engggk wrong answer! hahaha ang issend mo pag di ka talaga masya

Killian: okay maam noted HAHAHAH

Nag-usap pa kami nang onti bago namin napagpasyahan matulog na. Kinabukasan, sa kanilang magkakaibigan na naman ako sumama na kumain ng lunch.

"Ib-block ko talaga kayo 'pag di niyo tinigil paghahalukay sa mga old posts ko," pagbabanta ko kina Aiden, Hunter, at Kayden, habang itunututok ang tinidor sa kanila isa-isa.

Tinawanan lang nila ako. "Uso kasing mag-private ng mga lumang pictures," ani Hunter.

"Na-private ko na lahat ng pwedeng ma-private kagabi. Pero mas masayang mang-block ng tao kaysa mag-private ng posts." Sinamaan ko sila ng tingin. "Huwag niyo akong subukan."

"Takot na lang namin sa 'yo," natatawang sabi ni Aiden. "Saka na-screenshot naman na namin 'yong mga nakita namin kagabi." Pabiro ko silang inirapan saka ko ipinagatuloy ang pagkain ko.

"Nga pala, Asia, pwede bang magpasama sa mall mamaya?" Napatingin naman ako kay Kaydon nang sabihin niya 'yon. "May bibilhin kasi ako, and I need a girl's opininion."

"Okay lang naman. Pero is it okay with you na mag-thirdwheel ka sa 'min ni Killian?" tanong ko pabalik sa kaniya saka ako tumingin kay Killian.

He chuckled. "The moment na iniya kita, tanggap ko nang magiging thirdwheel ako sa inyo."

"Actually, I have some errands to run mamaya, so hindi ako makakasama sa inyo." Tiningnan ako ni Killian. "Pero don't worry, hatid ko na lang kayo sa mall bago ako umalis," he said smiling at me.

After class ay sinundo ako ni Killian sa room namin, as usual, habang si Kaydon naman ay sa parking na namin ni-meet.

"Ano ba 'yong bibilhin mo, Kaydon, at may biglaang pagyaya ka sa mall?" tanong ni Killian nang makapasok na kami sa sasakyan niya.

"I'm just buying a gift for a special girl, kaya gusto kong isama si Asia para may opinion ng babae," ani Kaydon.

"Are you sure hindi ka makakasama?" tanong ko kay Killian.

"Yeah, sorry. May inutos kasi sa 'kin si Dad and it's urgent so kailangan kong gawin agad," he said while quickly looking at me and giving me an apologetic smile.

Crossing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon