Chapter 29

902 40 4
                                    

Lanelle's POV

Narito ako ngayon sa mansion, wala akong gagawin at ganun din 'yung pitong lalaki. Wala daw naman kasi silang practice or what e, kaya ito, nandito sila kasama ko sa may sala. Lahat kami ay may kaniya-kaniyang ginagawa. Hindi ko na namalayan ang oras dahil busy ako sa pag wa-wattpad.

Si Ralph, Blaze at Vincent ay naroon sa may mahabang sofa. Naka-earphones sila, siguro ay nakikinig sa music or nanonood ng kung ano sa phone nila, baka nanonood ng cartoons. Charot. Habang sina Radney, Harvey at Asher ay nasa sahig na may carpet. Naglalaro kasi sila ng kung ano sa phone nila at mukha magkakasama sila doon sa laro. Kami naman ni Topher ay naroon sa magkabilang single sofa. Busy siya sa phone niya at hindi ko alam kung may ka-text ba siyang iba kasi panay ang pag-tipa niya sa kaniyang phone. Hindi nga ata siya natingin sa akin e.

Kahapon, natapos namin 'yung movie. Ewan ko ba at hindi naapektuhan si Topher doon sa movie. Sobrang nakakaiyak kaya. 'Yung ang saya-saya nilang dalawa sa piling ng isa't isa tapos biglang, hays. Baka kaya hindi siya naapektuhan ay gawa ng lalaki siya, e bakit naman yung ibang lalaki? Naiiyak din sila sa mga ganoong klaseng movie? E siguro iba si Topher. Lahat naman may pagkakaiba e.

Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko nang magsalita si Blaze.

"Gutom na akooo!" Sabi niya sabay hawak sa kaniyang tiyan at sabay baba sa phone niya.

"Oh, edi kumain ka kung nagugutom ka, tsk." Sagot sa kaniya ni Harvey habang nakatutok parin sa kaniyang phone.

"Nagugutom nga ako tapos hindi ko alam kung ano ang gusto kong kainin!" Sagot ni Blaze na mukhang hindi na maintindihan ang sarili. Hindi ko alam kung naiiyak siya o ano e. Pero seryoso, nakakaiyak talaga 'yang ganyang feeling. Gustong-gusto mong lumamon pero hindi mo alam kung ano ang gusto mong lamunin. Nakakafrustrate kaya!

"Mag-ihaw kaya tayo diyan sa likod?" Tanong ni Radney eto nakatutok pa rin siya sa phone niya.

"Great idea!" Sabi naman ni Blaze na parang naliwanagan na. "Teka, I will ask our maids muna kung may pang-ihaw tayo na karne or fish." Sabi niya at tatayo na sana pero nagsalita ako.

"Ako na ang magtatanong kila manang." I said kaya umupo na ulit si Blaze. Inilagay ko ang akong phone sa bulsa ng aking pants na suot. Hindi ako nag short ngayon, dahil narito ang pitong ito. Hindi ako sanay mag suot ng shorts kapag maraming lalaki sa paligid.

"Thank you, Lanelle!" Sabi ni Blaze, nang maglakad na ako, bahagya lang naman akong ngumiti sa kaniya. Bago ako pagpihit ng tingin ay napatingin ako kay Topher na busy pa rin talaga sa pag ta-type sa kaniyang phone. Medyo kumunot ang noo ko pero hinayaan ko na lang.

Nang makapunta akong kusina ay naabutan ko ang isang maid, si Zette. Siguro nasa edad 28 na siya, matangkad, maputi, may itsura at mabait. I wonder kung saan nila nakuha ang ganito kagandang babae para maging maid lang. Pero narinig ko noong isang araw sa ibang maid, may pamilya raw ito na binubuhay, siya ang bread-winner sa kanila. Siya din ang nagpapa-aral sa mga kapatid niya. Tumigil siya sa pag-aaral para maghanap ng trabaho dito sa Manila. Hanga ako sa kaniya dahil sa sakripisyo niya para sa kaniyang pamilya, sino nga naman ba ang hindi magsasakripisyo para sa pamilya, hindi ba?

"Uhm, Zette, may pang-ihaw ba diyan? I mean mga karne or isda?" Tanong ko. Nagpupunas siya ng lamesa sa may kusina nang maahutan ko siya. Tumigil siya sa pagpupunas nang makita ako.

"Uh, opo meron pa po diyan sa isang ref." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Okay, salamat!" Sabi ko at ngumiti din sa kaniya.

"Ilalabas ko na po ba? Saan po ba kayo mag-iihaw para maipakuha ko po ang ihawan?" Tanong niya.

"Ah hindi na, kami na lang ang maglalabas, alam naming marami na kayong ginagawa dito sa mansion. Uh diyan lang kami sa may likod mag iihaw. Ipag-iihaw ko din kayo." Sabi ko at ngumiti ulit. Nakita ko medyo nahiya siya sa sinabi kong ipag-iihaw ko din sila.

Stuck In Their League (Grey Society Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon