Chapter 60

460 27 2
                                    

Thank you for joining me with the roller coaster love story of my Topher and Lanelle! Thank you for letting me share with you all of my thoughts. Thank you for joining me in this ride!

Lanelle's POV

Ngumiti ako ng sobrang lapad sa harapan ng salamin ko na narito sa loob ng aking kwarto. Nag pose pa ako ng kaunti kasama ang katawan ko kaya naman lalo akong napangiti dahil sa itsura ko ngayon. Nakasuot ako ng wrap dress na kulay puti at may design na kulay green na mga dahon dahon. Pinartneran ko ito ng kulay beige na peeptoe pump. May bitbit din akong baguette bag na kulay beige din.

Nagsuot ako ng medyo peach na makeup at hinighlights ko lang ang mga dapat kong ihighlights sa aking mukha. Ang buhok ko naman ay pinagupitan ko na ng hanggang ilalim ng balikat. Wala na akong nilikot masyado sa buhok ko, pinatuyo ko na lang siya gamit ang aking blower at hinati ito sa may bandang right side ng ulo ko. Nakasuot din ako ng daggling earings na pearl at may suot akong relo na kulay rose gold.

Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti at kabahan ng kaunti dahil sa magaganap ngayong araw.

Ilang araw ang nakalipas mula ngayong araw nang makakita ako sa internet ng isang parang banner or promotion whatever sa internet ng isang concert. Guess what, concert iyon ng The Grey sa Mall of Asia!

Nung sandaling nabasa ko iyon, naroroon ako sa unit ni Topher at si Topher naman ay nagluluto ng dinner naming dalawa. Kaagad ko siyang tinanong kung legit ba yung concert na iyon at tumango siya sa akin. Kaya naman nagdiwang talaga ako ng bongga dahil pupunta ako!

Grabe yung saya ko ngayon, hindi ko na alam kung paano tumigil mula sa pag-ngiti. Ganoon pa man, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil ngayon lang ulit ako makakapunta sa concert ng The Grey after so many years. Sabi rin ni Topher, ngayon lang din daw sila ulit nakapagconcert dahil lahat sila ay busy sa kanilang mga personal life. Wala man silang concert kada year, palagi naman silang nag-rerelease ng mga bagong kanta at albums na talaga namang nag ssold out agad.

Maliban sa kasiyahang nararamdaman ko at sa kaba dahil ngayon lang ako makaka-attend ulit ng concert, kinakabahan din ako para sa performance nila. Mga sanay na sila sa pag-peperform pero kasi, ngayon lang ulit sila nakapag concert ulit kaya naman kinakabahan ako kung magiging maayos ba o ano.

Grabe, pakiramdam ko tuloy fan na fan na nila ako. My goodness! Baka mamaya maging president na ako ng isa nilang fansclub! Chos lang! Ang dami dami ko na ngang ginagawa sa buhay ko tapos mag ppresident pa ako sa isa nilang fansclub? Susuportahan ko na lang sila with all my heart.

Nag pose pa ako ng isang beses sa harapan ng salamin ko bago umupo sa may kama ko.

Ilang buwan na din ang nakalipas simula noong nakilala ko sa personal ang mga magulang ni Topher. Yung kaba ko noong araw na iyon parang nandito pa rin pero hindi na ganoon kalala katulad nung unang beses. Matapos kong makilala ang parents ni Topher, nasundan pa iyon ng isang beses. Inimbitahan ako ng mga magulang niya na mag dinner sa kanilang mansion. Naging maayos ang dinner naming iyon kasama ang mga magulang niya. Ang daming kwento ni Tita Claudia habang nasa hapag kami at kung minsan ay nasasaway na nga siya ni Tito Anthony dahil sa sunod sunod na kwento niya kaya naman nagtatawa na lang kami ni Topher sa kanila. Napuno ng tawanan ang pagsasalo-salo naming iyon.

Noong nalaman kong may concert yung pito, kaagad kong tinawagan si Sophia at sinabi niyang nakita din daw niya iyon kaya naman nagkasundo kaming pupunta ulit. Ngayon lang ulit makakapunta sa concert ng The Grey si Sophia dahil simula nga noong nawala ako ay dumalang ang concert nung pito at ayaw namang pumunta ni Sophia dahil hindi naman niya ako kasama.

Mga ilang araw matapos kong masabi iyon kay Sophia nalaman ko na lang na buong pamilya ko ay pupunta maging si Zion! My goodness! Nabigla talaga ako doon dahil hindi ko inaasahan na pupunta din silang lahat. Maging si Lance at Julian ay pupunta dahil saktong uuwi daw sila at mag sstay sa Pilipinas ng isang taon. Susubukan daw kasi nilang mamuhay dito sa Pilipinas kahit isang taon lang.

Stuck In Their League (Grey Society Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon