PART 4

40 19 0
                                    

Medyo nagulat ako sa sinabing iyon ni ma'am Hozon ayokong marinig yung mga susunod na paguusap nila kaya umalis nalang ako na kinakabahan at parang nanginginig tuhod ko dahil lagot ako nito panigurado kay ma'am Hozon.

Suddenly nakita ko ang matalik kong kaibigan nung High School pa lang kami, kilala pa kaya ako nito?

Ano na pala name niya? HAHAH

"Reina... Reina..."

Tumingin siya sa akin ang ganda pa din niya walang pinagbago.

"Ahmmm... wait parang kilala kita... Ysel? ikaw na ba yan Ysel?"

Sabay yakap niya sakin ag tagal na din kasi naming di nagkita at dito na pala siya nag aaral.

"Saang faculty ka pala?" Tanong ko sakanya.

"Faculty of Environmental science, Ysel. Ikaw ba."

"Faculty of Political Science."

Nag punta kami sa football field para mag usap ha, hindi para maghanap ng hoy boy!

Sa sobrang tagal naming hindi nagkita nai-kwento na ata namin lahat ng nangyayari sa buhay namin.

Pero bakit hindi ko mai-kwento sa kanya na may gusto ko kay Merl pero siguro kahit i-kwento ko sakanya 'di din naman niya kilala.

Naghiwalay na kami ni Reina dahil may klase pa siya pero ako pauwi na sana ng nakita ko si Merl. Sasabayan ko sana siya sa paglalakad niyang dumting yung kaibigan niya. Pag talikod ko at papalayo na sana ng biglang tumawag si Merl.

"Ysel..."

Wala akong nagawa kaya lumapit ako sakanya.

"Ysel kaibigan ko pala si Romeo Herdez"

Ang gwapo din ng kaibigan niya na 'ito medyo pabebe ako this time.

"Nice to meet you Ysel."

"Nice to meet you din Romeo."

At that time tinanong ako ni Romeo kung saang faculty daw ako at ito ang nakakagulat dahil pare-parehas lang pala kaming tatlo ng kinukuha ng course.

"Pare-parehas lang pala tayong tatlo ng course pero anong building ka ba Ysel?" Tanong sa akin ni Romeo

"Building 8, Block C."

"Ahhh. Building 12 kami Block A."
"Btw. Jowa mo ba si Merl?"

Aba gago tong kaibigan ni Merl hahaha medyo namula ata pisngi ko non kasi nahihiya ako.

Patuloy lang kami sa paglalakad ng huminto ang kotse at bumusina ito malapit kung saan kami naglalakad.

"Merl!"

Ito na nga po siya si Ma'am Hozon again tinawag niya si Merl at pinasakay sa kotse at umalis.

Naiwan kami ni Romeo kaya no choice ako kung hindi sumabay sa kanya sa paglalakad.

Bago ako makarating sa apartment ko ay biglang sinabi ni Romeo na...

"Ysel, pwede ba tayo maging mag kaibigan?"

Parang iba yung kutob ko sa tanong niya na iyon hahaha, pero by the way para hindi naman muka akong snober umoo nalang ako sakanya.

That day nakakachat ko na si Romeo at mas madalas ko pa siyang nakakausap kesa kay Merl about certain things.

Since kaibigan ni Romeo si Merl gusto ko sanang maliwanagan pa sa mga bagay-bagay kaya makikipag meet ako kay Romeo.

"Romeo, meet tayo ngayon sa Green Park, may itatanong lang ako."

Then ayon na nga nandito na kami sa green park bagay na bagay ito para mag senti o mag review.

So tinanong ko na agad si Romeo inumpisahan ko ito sa mga info about kay Merl pero ang bilis ata makahalata ni Romeo.

"Puro si Merl topic natin, may gusto ka ba sa kaibigan ko Ysel?"

Kinabahan ako sa tanong niya na yon hala ano isasagot ko, that time hindi ko alam gagawin ko kaya sinabi ko kay Romeo na...

"Romeo, Mother ba ni Merl si Ma'am Hozon?"

At parang nag iba ang mood ng hangin parang nag iba lahat ng tinanong ko yon kay Romeo.

Then Romeo answered saying that...

"Wag mo itong sasabihin kay Merl na sinabi ko sa'yo ha, ayaw na ayaw niyang nalalaman ito ng iba. Promise mo ha?!"

"Oo Romeo I just want to enlighten my mind lang about kay Merl at Ma'am Hozon" sabi ko kay Romeo.

"Sige  sa'yo ko palang ito sasabihin dahil parang may gusto  sa'yo si Merl at parang makakapagtiwalaan ka, well...Merl and ma'am Hozon are in a Relationship..."

What the Paking tape! Hindi ko yon ineexpect pero bakit? Ang dami kong bakit that time? Una bakit nasabi ni Romeo na parang may gusto sa akin si Merl eh kakakilala pa lang namin? Pangalawa bakit tumatayo lahat ng tao pag nakikita si Merl? Pangatlo bakit pinatulan ni Merl si Ma'am Hozon eh alam naman nitong bawal yon?! Bakit? Bakit? Bakit?!

---------

Love by Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon