PART 3

52 23 4
                                    

Shet! May jowa siya, sino itong babae na ito na sobra kung makayakap sa kanya? So ito nanaman ako nag i-imagine na jowa ko siya, 'di pa nga kami mag ka kilala pero bat ganito nararamdaman ko. Dahil sa Profile picture niya agad-agad ko siyang chinat ewan ko tangingina pero wala namang kami, di naman kami close pero nag seselos ako HAHAHA.

"Good morning po, si Ysel Magalpo ito may order po kayong pizza sa akin just to remind you."

Hahaha tawang tawa ako sa chinat ko, syempre para mapansin niya ko ng hindi ko sinasabi yung magic word na "Hi."  Medyo matagal siya mag reply ha, pero siguro nag babasketball siya or what. So nag review muna ako ng konti.

Suddenly tumunog Cellphone ko and it's look like someone message me. Pag ka open ko nagulat ako kasi nag reply na siya, like what the fuck hahahah.

"Pizza? Hindi po kami umorder baka wrong send ka po"

Napaka galang naman ng future jowa ko hahaha. I decided to do something para mag kakilala kami, but then iniisip ko ano ba irereply ko?

"Ayyy, opo wrong send po ata." Na praning ako kaya ganyan nasabi ko.

"Ysel Magalpo? Hindi ba ikaw yung kanina sa apartment at yung natulungan ko sa canteen?"

Shitt! natadaan niya ko. Oh my gosh kilala na ko ng jowa ko hahahah.

"Pano mo pala nalaman acc ko?"

'Di ko alam ano isasagot ko sakanya, mahahalata niyang stalker ako or what.

"I just want to thanks sana, and sorry na din." Pa humble ate Ysel niyo syempre. Then he replied.

"Ahh... Welcome... But why do want to say sorry?"

Na nginginig na kamay ko kasi parang ang landi landi ko naman masyado. Gusto ko sana mag sorry kaso bigla siyang nag send at sinabing...

"Sorry asa training ako pwede meet nalang tayo mahirap din mag type eh sa canteen nalang ulit, bye."

Pusaaaaaaa! Biglang tumibok ang puso ko ng kakaiba, 'di ko alam pakiradam, imagine ang pogi niya tapos gusto niya sakin makipag meet! Ang ganda mo Ysel!

Dahil sa sinabi niya na 'yon ginanahan ako mag review lahat nalang ata ng word na nakikita ko sa nirereview ko ay Merl... Merl... Merl...

Pero ayoko muna mag expect for something. Kaya that time iniisip ko na kung ano isusuot ko.

---------

So ito na nga ang pinakahihintay kong araw, pero bago 'yon kaylangan ko munang pumasok para mag take ng quiz kay Ma'am Hozon. Ang sakit sa ulo ng quiz ni ma'am madali lang daw sabi niya kung nag review eh kahit naman ata baliktarin ko yung libro ng Philippine Constitution wala don yung sagot. Ka stress!

*Break Time*

Sa sobrang stress ko sa pa quiz ni ma'am Hozon medyo haggard na ang itsura ko na haharap kay Merl so medyo nag-ayos ako ng konti para di naman nakaka turn off sa future jowa ko hahaha.

Nasa canteen na ako at ichinat ko na siya,

"Merl, andito na pala ako sa canteen wait nalang kita."

Sineen niya lang ako aba bastos to ha! Pero ok lang sino ba naman ako diba?

Biglang nag tayuan nanaman mga tao ang weird noh! 'Di ko din alam bat napapatayo silang lahat, dumating na nga si Merl at papunta siya sa inuupuan ko. Syet! I'm so feeling blessed!

"Oyy, sorry medyo natagalan ako, may ginawa kasi ako saglit sa Hospital."

Natulala nanama ako dahil kahit ilang oras na ko nag hihintay sa kanya di ko manlang nagawang magalit.

"Ysel...Ysel...Ysel ok ka lang?"

Ayyy pwede bang ikama mo nalang ako? Bat' ko ba iniimagine ganyang bagay shet!

" Ahh, oo ok lang ako."

Di ko alam ano sasabihin ko.

"Kumain ka na ba?"

Medyo pa fall itong si Merl hahah.
Then nag patuloy lang conversation namit about our personal info, like Age, San pinanganak, San nakatira. Ganon lang kasi first meet palang naman namin.

"Gusto ko sana i-take itong opportunity para mag sabi ng sorry" Sabi ko kay Merl.

"Sorry for what?"

"Dahil don sa nasigawan ko kayo say apartment."

"It's ok naiintindihan naman kita."

Napakabait talaga ni Merl, habang naguusap kami hindi ko alam bat' nakatingin lahat ng tao!

Inggit kayo ha?!

That time biglang napad-pad sa canteen si Miss Hozon 'di ko alam pero kinakabahan ako papalapit na siya samin at parang nagagalit siyang naglalakad!

"Good morning po Miss Hozon."

"Ano ang good sa morning? Merl go to my office now!"

Ha? Bakit kaya galit si Ma'am Hozon kay Merl, lahat ng tao nakatingin samin so medyo nahihiya na ko.

Tumayo si Merl at sinundan si Miss Hozon pa puntang office niya. Sinundan ko si Merl papuntang office ni Ms. Hozon, patago-tago ako that time para 'di niya mahalata.

Alam kong malaking problema 'yon kasi habang naglalakad si Merl eh medyo malungkot.

Pag pasok ni Merl sa office ni ma'am Hozon, nagulat nalang ako sa narinig ko.

"HINDI BA SABI KO SA'YO AYOKONG NAKIKITA KANG MAY KAUSAP NA BABAE?!"

-------

Love by Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon