Chapter 1 (1st day of 30 days)

82 9 1
                                    


Star's POV

Unang araw palang simula ng nangyare ang lahat ng trahedya sa buhay ko. Unang araw kong saan ako simula mag habol ng oras at araw.

"Hoy ikaw!" umalingawngaw sa pasilyo ang boses ko kaya lahat ng tao dito napatingin sakin.

Nag peace sign naman ako sa ibang tao habang palapit sa lalaking nakataas ang kilay na naka tingin sakin.

"Hi Van," bati ko sakanya.

"Sino ka? Tsaka hindi Van pangalan ko kondi Vanrix," masungit niyang sabi.

"Hindi mo na ba ako kilala?" Turo ko sa sarili ko.

"Importante ka ba para alalahanin ko pa?"

Ouch! Sakit mo naman manalita inutel!

Pero oo nga pala, kailangan kong ibahin pangalan ko. Pero okay lang kasi puso naman talaga ang makakaalala.

"Sabi ko nga hindi, ang sungit!" pabulong kong wika.

"Ha?" masungit parin niyang sabi.

"Wala po kamahalan," pilosopo kong sabi.

"Kung wala kang magawa tumalon ka una ulo at huwag mo akong guguluhin." Tumalikod na siya sakin at humakbang na papasok sa elavator.

Dali-dali ko namang hinawakan kamay niya.

Nagulat naman siya sa ginawa ko at tumingin ng nakakapatay na tingin.

"Bakit?!" medyo may galit niyang wika.

"Pwede ba mag apply? Bilang secretary mo?" nagpapaawang sabi ko.

"May secretary na ako at hindi ko kailangan ang gaya mo."

Napatingin naman ang ibang tao dito pero wala silang magagawa kasi boss nila ang demonyong 'to.

"Pero..."

"Pero ano?"

"Wala." Nagbaba ako ng tingin kasi maya-maya tutulo na ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mata ko.

"Wala naman pala edi umalis kana!" sigaw niya kaya halos lahat ng tao naaawa ng tumitingin sakin.

Pero okay lang kasi dati palang nakakaawa na talaga ako. Walang pamilya, nagsisikap na mapakain ang sarili. Napapaisip pa nga ako kung bakit pa ako nabuhay? Bakit pa ako binuhay ng mga magulang ko kung iiwan lang naman nila ako.

At yung pamilya pang inampon ako, ginawa lang nila akong alipin. Yeahh, alipin.

Pero nag iba ng makilala ko si Vanrix. Siya yung lalaking unang minahal ako at pinaramdam sakin na mahalaga ako.

Pero ito siya ngayon. Isang gwapong anghel na may konting pagka demonyo.

"Ano tinitingin-tingin niyo?! Alis!" Sabi niya sa mga empleyado niya.

"At ikaw! Umalis kana!" giit niya sakin.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon at lumakad na siya paalis. Habang ako naiwang tunganga at tumutulo na ang luha.

Ang sakit na niyang manalita. Parang hindi na siya yung Van na nakilala ko. Nag iba na siya. Para na siyang demonyo na nakawala sa kulungan ngayon.

Mga ilang minuto akong nakatayo at dinadaan ng mga taong nag tratrabaho sa companyang ito.

"Miss okay ka lang?" boses ng lalaking nakabalik sa aking katinuan.

Tumaas ako ng tingin at bumungad sakin ang lalaking parang anghel na kakababa lang galing sa langit.

Nakangiti siya pero napawi din ng makita niyang umiiyak ako.

Hinawakan niya mukha ko at iniharap sakanya.

"Are you okay?" he asked.

"Okay lang naman ako," pagsisinungaling ko.

Hindi naman siya naniwala sa sinabi ko kaya nagulat na lang ako ng yakapin niya ako.

"Alam kung malungkot ka at ganito ang ginagawa kapag may taong malungkot," malumanay niyang wika.

"Pero okay lang naman talaga ako," giit ko na nag babadya na namang tutulo ang luha.

Bumitaw na siya sa pagkakayap niya sakin at bigla-bigla na lang pinitik ilong ko.

"Sinungaling! Halata namang may problema ka."

Napahawak naman agad ako sa ilong ko.

Inutel ang sakit ng ginawa niya.

"Ang sakit depungal ka!" galit kong sabi sakanya at medyo napalakas ko pang sabi.

"Ayan! Yan! Dapat ganyan ka hindi yung malungkot at parang basang sisiw," nakangiting sabi niya sakin.

Inirapan ko lang siya kasi medyo nakaramdama ako ng hiya sa ginawa ko.

"Oh bakit?"

"Wala." 

Pero napaka feeling close niya talaga. Kala mo naman close kung kaibigan para yakapin at pitikin ilong ko.

"Ano palang ginagawa mo dito na umiiyak?" feeling close niyang tanong sakin.

"Bakit ko naman sasabihin? Close ba tayo?" pagmamaldita kong sabi.

"Kerk," sabi niya at inihalad kamay niya.

"Star," sabi ko naman at hindi inabot kamay niya. Bastos na kung bastos pero nakailan na siya sakin.

Konti na lang baka iisipin ko ng may gusto siya sakin.

Kasi isipin mo 'yun. Niyakap niya ako, pinitik ilong at ngayon gusto niyang hawakan kamay ko. Mga galawan nga naman.

Ay oo nga pala. Bakit Star sinabi kong pangalan ko. Bakit pa kasi tinanong pangalan e ang lutang ko pa naman ngayon, ayan tuloy Star nasabi ko.

"Ayaw mong makipag shakehands?" nakapout niyang sabi.

Aba'y nag papacute pa talaga siya ah.

"Hindi," masungit kong sabi. Syempre hindi ako magpapadala sa mga galawan niyang baduy.

"Sir tinatawag kana po ni Sir Vanrix," sabi naman ng isang babae. Kung titignan mo siya para siyang secretary.

"Ahh ganun ba. Pakisabi na paparating na ako," sabi niya naman sa babae kaya umalis na ito.

"Ano? Mauna na ako ah," paalam niya sakin at tatalikod na sana ng nag salita ako.

"Ano ka dito? Bakit tinatawag ka niyang Sir?" tanong ko agad sakanya.

"Coo kasi ako dito. Ako yung nag rereport sa Ceo kung ano na nangyayare. Tsaka ako din nag mamanage sa cooperation," paliwanag niya sakin.

Ngumiti naman ako sa narinig. Yesss! Salamat Lord at binigyan mo ako ng pag-asa.

"Bakit mo pala natanong?" tanong niya sakin.

"Pwede mo ba akong maipasok dito? Gusto kong mag trabaho dito. Please..." nagmamakaawang sabi ko.

Lumapit naman siya sakin. Yung tipong ang lapit na talaga namin.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Eh ang sungit mo nga sakin," bulong niya sa tenga ko.

"Sorry naman. Feeling close ka kasi masyado kanina kaya nasungitan kita kaya sorry na please." pacute kong sabi. Bahala na kung ano man iisipin niya pero kailangan kong makapasok dito.

Lumayo naman siya at tumawa ng malakas at napa hawak pa talaga sa tiyan.

Tuwang-tuwa sis? Kaya napataas kilay kung tinignan siya.

"Sige na nga. Pasalamat ka cute ka talaga kahit trying hard ka masyado," nakakainis niyang sabi.

"Talaga?! Makakapag trabaho na ako dito?" nakangiti kong tanong kahit napaka inutel ng sinabi niya.

"Syempre hindi pa. Sasabihin ko pa kay Van." Dahilan sa sinabi niya napawi ngiti ko.

"Oh huwag kang malungkot diyan. Paniguradong papayag 'yon." sabi niya naman.

"Sana."

"Halika na nga. Sa office ka muna mag hintay habang mag memeeting kami." Hinawakan niya naman kamay ko habang lumalakad papasok sa elavator.

Iisipin ko na sanang gusto niya talaga ako pero nagpapasalamat padin akong tinutulongan niya ako kaya hinayaan ko na lang.

Napapatingin naman 'yung mga taong nadadaan namin. May iba din na nagbubulungan. Pero who cares?

Nang makapasok na kami sa elevator ay pinindot niya yung 9th floor.

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Alam mo bang medyo natatawa ako kanina kasi tinititigan na naman nila kagwapohan ko," mahangin niyang sabi. Konti na lang liliparin na ako.

"Eh? Baka napatingin sila kasi sa panget mong yan may nahawakan kang isang maganda," sabi ko din pero hindi mahangin ah kasi totoo naman na maganda ako.

"Waw naman confident," natatawang sabi niya.

"Syempre naman."

Tumingin siya sakin ng seryoso at ngumiti. Ang weird niya pero joke lang talaga na panget siya kasi sa katunayan ang gwapo niya pero mas gwapo nga lang si Van.

Nagtitigan lang kami ng bumukas na ang elevator.

Umiwas naman agad ako ng tingin kaya hinila na niya ako palabas. Nakahawak padin pala siya sa kamay ko.

Pumasok kami sa malaking silid. Nilibot ko paningin ko. Ang ganda naman.

"Woahh ang ganda ng office mo. Parang bahay lang," manghang sabi ko.

Tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Dito ka muna ah? Babalik ako maya kasama si Van," sabi niya at nag wink sakin.

"Sige," nakangiting tugon ko naman. Ang bait niya talaga. Ganito kabait sakin si Van noon eh pero ibang-iba na niya talaga ngayon.

"At kung na bobored ka manood ka lang ng tv at may mga pagkain doon sa mini reef."

Natuwa naman ang kaluluwa ko ng narinig 'yon. Ayus gutom pa na naman ako.

"Bye," paalam niya.

Kumaway naman ako sakanya.

Nang makaalis na siya ay dali-dali kung tinungo ang mini reef. "Ahh ang sasarap naman ng mga chocolates na 'to."

Kukuhanin ko na sana lahat pero naisip ko na ang kapal ko naman kung ganun kaya nag tira na lang ako ng isa.

Bumalik ako sa sofa dala-dala yung mga chocolates. Binuksan ko ang isa ng bumakas din ang pinto.

"Naiwan ko pala yung file." Tumingin naman siya sakin "Gutom na gutom ah," natatawang sabi niya.

Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya.

"Ang sasarap kasi," masungit kong saad.

"Oo nga hahahha, sige enjoy ka lang," natatawang wika niya at tuluyan ng umalis.

Kaya pinagpatuloy ko na ang pagkain at nanood na din ng spongebob.

"Ang bobo mo naman spongebob. Bagay na bagay talaga kayo ni Dora."

"Ay oo nga ship ko kayo. Tanga lover  , sweet naman kung ganon," kinikilig kong sabi sa sarili.

Mga ilang minuto na ako dito at medyo inaantok nadin sa pagmumukha ni spongebob kaya naisipan ko na lang matulog muna.

•••

"Hey!" boses ng lalaki na pinipitik ilong ko.

"Hmm," tugon ko naman.

"Buti gising ka na. Ang kalat mo naman dito. Baboy ka ba ah?!" medyo may inis niyang sabi.

Hindi na ako nakipag away at inirapan lang siya.

"Aba! Ayusin mo na nga sarili mo at pupunta tayo sa office ni Van," panguutos niya sakin.

Kung wala lang sana akong kailangan sa lalaking ito baka matagal ko ng nasapak 'to. Makapag utos wagas.

"Oo na po mahal na hari," pilyong sabi ko.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pumasok na ako sa cr.

Umuhi muna ako kasi kanina pa ako naiihi kaso pinipigilan ko lang kasi antok pa talaga ako.

"Success," masayang sabi ko ng nailabas ko na lahat.

Tumingin naman ako sa salamin ng bumungad sakin ang maganda kong mukha na puno ng drawing.

"POTANGINAMO KERK!" naiinis kong sigaw pero alam ko namang hindi niya maririnig 'yon.

Naghihilamos ako na may dalang inis kaya medyo nasasaktan ko na mukha ko.

"Humanda ka sakin Kerk," sabi ko sa salamin.

Nang masigurado ko na wala ng kung anong drawing sa mukha ko ay lumabas na ako.

Sinalubong niya ako na nakangiting mukha kaya mas lalong naiinis ako.

Patakbo akong lumapit sakanya para sapakin ng magsalita siya.

"Opss! Wag mo ako sasapakin kasi kung gagawin mo 'yan hindi na kita tutulungan," wika niya.

"Buset ka! Tara na nga!" inis kong sabi.

Buset! Kapag wala na talaga akong kailangan sakanya sasapakin ko talaga agad siya.

Tumawa naman ang inutel na pang demonyo.

Hinawakan niya ulit kamay ko habang papunta kami sa office ni Van.

Pumipiglas ako pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak.

Nang makapasok na kami sa office ni Van ay binitawan na niya kamay ko at lumapit kay Van na naka upo sa swivel chair niya.

"Hi bes. I love you," sabi niya kay Van.

Pota? Bakla ba siya?

Tinaasan naman siya ng kilay ni Van at any minute mapapatay niya si Kerk kung makatitig.

"Mandire ka kupal," inis niyang sabi.

Tumawa naman si Kerk sa naging reaction ni Van.

Kaya mas lalong nainis si Van.

"Ano ba kailangan mo?!" masungit na sabi ni Van.

"Andito ako para papasukin girlfriend ko bilang secretary mo," sabi ni Kerk na ikinagulat ko pero nag wink lang siya sakin.

Tinignan naman ako ni Van at ni head to toe pa talaga ako.

"Jowa mo pala 'yan?" tanong niya kay Kerk.

Tumango naman si Kerk.

"Okay, pero may secretary na ako," malamig na sabi ni Van.

Medyo nalungkot naman ako sa narinig.

Mag sasalita pa sana ulit si Kerk ng bumakas ang pinto at pumasok ang babae kanina na sa tingin ko ay secretary ni Van.

Lumapit ito kay Van at inabot ang envelope.

Tinignan naman siya ni Van na napaka lamig.

"Sir masaya akong nag tra-trabaho dito pero aalis na po ako. Sa states na po kasi kami maninirahan ng asawa ko," sabi niya kay Van.

"Ayan!" masayang wika ni Kerk. Napaka demonyo talaga pero masaya din ako so demonyo kami dalawa.

"Pero alam mo naman na bawal ka umalis ng wala akong nahahanap na pang palit mo," wika ni Van.

"Yan lang ba problema mo Van? Si Star pwedeng-pwede," giit ni Kerk.

Tinignan naman ako ni Van.

"Okay," walang emosyong sabi niya.

"Pasok na siya Van?" tanong naman ni Kerk.

"Oo nga." masungit na sabi ni Van.

"Yes," masaya reaction ni Kerk.

Kahit sa kaloob-looban ko ay napa yes din ako. Laking pasalamat ko talaga kay Kerk.

Tumingin naman ako kay Kerk "Thank you," bulong ko.



Kindly comment your feedback guys!

30 Days to Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon