Chapter 2 (2nd day of 30 days)

58 8 0
                                    


Star's POV

Gising na walang jowa! Gising na!

Nagising akong bad mood dahil sa alarm clock na 'yan.

Medyo hang over padin ako sa kasiyahan kahapon at hindi makapaniwala na mag tra-trabaho na ako do'n.

Kumilos agad ako kahit medyo antok pa talaga.

Kumain.

Nag toothbrush.

Naligo.

At nagbibihis na. Suot ko lang ay ripped jeans at v-neck shirt at sandals.

Nag ayos nadin ng konti. Konti lang kasi maganda na naman ako kaya hindi na kailangan ng makapal na make up.

Tinignan ko ang oras at shit parang ma la-late pa talaga ako nito. Paniguradong lagot na naman ako kay demonyo.

Kaya dali-dali akong umalis at nag hanap ng jeep na masasakyan.

"Tara na po!" sabi ni manong conductor.

Ang dugyot naman tignan pero mala-late na talaga ako kaya sumakay na ako.

Tinignan ko ng masama si kuya na mukhang rapist. Ikaw ba naman parang walang balak umusog ng kunti.

"Hindi ka ba talaga uusog? O baka ako pa magpapausog sayo?!" masungit kong sabi sakanya.

"Bakit dito pa talaga eh may kakababa lang do'n oh." Turo niya sa dulo na bakante. Sa likuran pa talaga ni manong driver.

"Edi sorry! Hindi ko nakita eh!" sabi ko sakanya at umupo na don.

"Sa Constello Cooperation po," sabi ko naman kay manong driver at umandar na ito.

Nakaka badmood naman ng araw na 'to.

Mga ilang oras akong nag bya-byahe at ilang oras din kaming nag titigan ni manong rapist ng biglang huminto ang jeep ng sinasakyan ko.

Dahil sa mabilis na takbo at bigla na lang prumeno kaya nabagok ang ulo ko sa upuan ni manong driver.

"Putspa naman oh! Ang sakit!" galit kong sabi.

"Sorry na po miss pero dito ka lang bababa diba?" tanong niya.

Tinignan ko naman ang labas at sakto nga dito ako bababa.

"Dito nga pero diko sinabing ibagok mo ako!" mataray kong sabi.

"Sorry na nga miss eh!"

"Edi sorry din," giit ko at bumababa na.

"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw ni manong driver no'ng naka baba na ako.

"Edi papasok na sa building na 'yan! Kita mo naman diba?" Turo ko sa companya nila Van.

"Kita ko nga pero bayad muna," wika niya.

"Kita mo naman ang ginawa mo sakin ano?" Turo ko sa noo ko na nagka bukol.

"Oo," maikling sagot niya.

"Edi 'yan na bayad ko," sabi ko at tumakbo na papasok sa building.

"HOYYY!" dinig ko pang sigaw ni manong driver.

Pumasok ako na hingal na hingal. Bakit pa kasi ako naka heels eh.

"Ma'am okay ka lang po?" tanong naman ng janitor dito.

"Kita mo naman na hinihingal lang ako diba?" mataray kong tanong.

Tumango naman siya na parang natakot.

"Kita mo naman pala kaya wag mo na tanungin," pilosopong sabi ko at lumakad na papasok sa elavator.

"Teka!" Takbo ko patungo sa elavator.

Buti nakahabol pa. Nakakapagod pa naman mag hintay.

Nakikipag siksikan ako sa mga tao dito pero okay lang kisa mag hintay.

"Nakikipag siksikan pa talaga eh," dinig kong bulong ng isang maarteng babae.

"Ayaw mo pala edi sana lumabas ka kanina diba," maarteng sabi ko rin.

"Bakit ako lalabas eh ako naka una diba," palaban din niyang wika.

"Ano naman ngayon kung ikaw naka una kung maarte ka." Pilit kong hinarap ito.

Nagkatitigan lang kami ng nakakapatay na tingin. Gusto ko ng sakalin 'tong babaeng 'to. Kung wala lang sanang ibang tao dito baka kanina pa'to patay.

"Star," boses ni Van.

Van? Andito siya? Holly Star!

Dahan-dahan ko namang tinignan ang lalaking katabi no'ng babae.

"Hi Van," mahinang sabi ko. Basta talaga kay Van taob ako.

"Mag-usap tayo maya," malamig niyang saad.

"Pilitin mo muna ako," maarteng sabi ko.

Tinignan lang niya ako na parang nag babaga ang mata.

"Sabi ko nga mag-uusap tayo maya," sabi ko na lang. Mag papapilit pa sana ako eh.

Nahuli ko namang ngumiti ang bruhang katabi niya.

Bumukas ang elavator at lumabas na ang ibang tao kaya kami na lang dalawa ni Van ang natira.

"Bakit ganyan ang suot mo?" nakataas kilay niyang tanong sakin parang anyminute bubuga na siya ng apoy.

"Kasi ganito suot ko. Bakit? May mali ba sa suot ko?" takang tanong ko at itinaas din ang kilay.

"Secretary kita at napaka dugyot ng suot mo! Unang araw mo palang wala ka nang nagawang tama!" bugang apoy niya sakin ay este galit niyang sabi sakin.

"Eh? Maganda naman ah tsaka ang sexy ko sa suot ko." Hawak bewang sabi ko.

"Three warning para sayo kasi ayaw ko naman malungkot si Kerk na tinanggal ko agad girlfriend niya kaya tatlong babala lang and you're out," napaka demonyong sabi niya.

"At isa pa maghahanap na ako ng papalit kasi alam kong dika aabot ng isang buwan," pilyong sabi niya.

"Eh?" tanging na sabi ko. Kinakabahan ako sa sinasabi niya.

"Anong eh? May dalawa ka na lang na natitira."

Bumukas ang elavator at lumabas na ito. Sumunod naman agad ako kasi syempre mag paiwan ako do'n edi parang tanga lang.

Huminto ito kaya nabunggo na naman bukol ko sa likuran niya.

"Shet," mahinang mura ko pero parang narinig pa ata niya.

"Tawagan mo pala si Mr. Josh Viel, sabihin mo asan kami magkikita," sabi niya at inabot sakin ang isang cellphone.

"Okay?"

"Patanong ba 'yan?"

"May nakita ka bang question mark na lumabas?" pilosopo kong sabi. Sinusumpong na naman ako ng kamalditahan ko.

"Wala, pero parang patanong 'yon!" inis niyang sabi.

"Hindi kaya." Taas-kilay na sabi ko.

Kumunot naman noo niya na halatang naiinis na talaga.

"Okay! Ayusin mo 'yang pinapagawa ko!" sabi niya at umalis na.

Natawa naman ang kaloob-looban ko sa naging reaction niya.

"Josh? Sino kaya 'yon?"

"Matawagan na nga lang."

Niopen ko ang cellphone na binigay niya. Wow parang bago pa talaga 'tong cellphone na 'to ah.

Pumunta naman agad ako sa contacts at tumingin-tingin sa pwedeng majowa ay este 'yung josh.

"Josh Viel," basa ko sa isang josh sa contacts. Ang gwapo niya pala kahit sa picture pa.

Tinawagan ko naman agad kasi gusto ko marinig boses niya. "Omygash wag kang malandi Star kay Van ka lang pwede kaya nga andito ka nag tra-trabaho kasi siya ang dahilan," parang tangang sabi ko sa sarili.

Ringing na..... Tagal naman sagutin.

"Hi," mabait kong bungad sa tawag.

"Hello?" patanong niyang sabi. Nasabi ko lang panatong kasi pake niyo ba.

"Ikaw ba si Josh? Kahit halata naman," sabi ko naman dito.

"Hahahahah ako nga," natatawang sabi niya. Ginawa pa talaga akong clown.

"Tumawag ako kasi paguusapan natin asan kayo magkikita ni Van hindi 'yung gawin mo akong clown," inis kong sabi.

"Owww chill hahahahah saan nga ba," tumatawang sabi niya parin.

Isa na lang 'to baka masapak ko na 'to tru call.

"Sa Jollibee?" tanong ko sakanya.

"Hahahah sure? Jollibee talaga?" natatawang tanong niya.

Happy pill niya ba ako?

"Oo, 'yung malapit lang sa building nila Van," sabi ko dito.

"Sige hahhahaha bye," saad niya at pinatayan na ako ng tawag. Bastos na tao 'yon!

Naiinis naman akong pumunta sa office ni Van.

Pagkabukas ko palang ng pinto ay bumungad sakin ang galit na galit na mukha ni Van.

"I don't want to! Shit!" sigaw niya at itinapon ang cellphone niya kaya medyo natakot ako.

Tumingin naman siya sakin at halatang inis na inis kasi namumula na talaga mukha niya.

Kumaway naman ako kasi nakakailang na talaga tingin niya.

Pagkatapos kong kumaway ay lumapit siya sakin. 'Yung sobrang lapit na talaga.

Hinawakan niya kamay ko at tumitig sa mga mata ko.

"Tara na!" sabi niya sabay hila sakin.

Demonyo talaga!

Pero gusto ko din kahit medyo masakit pagkahawak niya kasi ngayon lang ulit niya nahawakan kamay ko.

Nang makapasok na kami sa elavator ay binitawan niya agad. Sayang!

Tumunog naman ang cellphone kaya tinignan ko ito.

"Andito na ako," basa ko sa text ni Josh.

"Anong andito na ako?" takang tanong naman ng katabi ko.

"Andon na daw si Josh," saad ko.

"Saan ba?" malumanay niyang sabi.

"Sa Jollibee malapit dito," nakangiting sabi ko sakanya.

Umubo naman siya sa narinig "Ano?!" gulat niyang sabi.

Bingi ba siya? Pa ulit-ulit!

"Sabi ko sa Jollibee malapit dito. Parang bingi naman!" inis kong sabi.

"Wtf!" dali-dali naman siyang lumabas ng bumukas ang elavator.

"Hoy! Hintay!" Habol ko dito.

Tumatakbo naman siya papunta sa Jollibee sa di kalayuan kaya hinihingal akong sumunod sakanya.

Ang bilis naman niyang tumakbo.

Nang makapasok na ako sa Jollibee ay nakaupo na siya at parang may pinaguusapan sila.

Lumapit naman ako at napansin naman ako ni Josh kaya kumaway ako.

Kumaway naman siya kaya napatingin nadin sakin si Van na ang sama ng tingin.

"Lika dito at umupo ka muna." Turo ni Josh sa bakanteng upuan.

Sumunod naman ako at umupo kasi sino naman ako para maging chossy pa noh!

"Josh." Abot niya sa kamay niya.

"Star." Hinawakan kamay niya at nakipag shake hands.

Ang gwapo niya pala sa malapitan.

"Nice to meet you, Star," nakangiting saad niya.

Ngumiti naman ako kasi feeling mabait lang talaga ako.

"Ehem!" tikhim ni Van kaya agad kong binawi kamay ko kay Josh kasi feeling ko nagseselos si Van.

Basta feelingera ako ngayon kasi minsan lang naman.

Napa kamot-batok naman si Josh "Ano Van? Deal na ba?" tanong ni Josh kay Van.

"Sure, deal is a deal pero may konting aayusin pa tayo," saad naman ni Van.

Nakikinig lang ako sa kanila kasi wala talaga akong ka alam-alam sa mga pinagsasabi nila.

"Sige Van," nakangiting wika ni Josh at tumingin sakin.

"Sige, mauna na kami at sorry ulit dito. Baguhan pa kasi 'tong secretarya ko," paumanhin ni Van at tumingin ng masama sakin.

"Okay lang naman Van tsaka nakakamiss din talaga dito. Naalala ko tuloy 'yung unang punta namin ni Mama dito," nakangiting sabi niya kaya mas lalong naging gwapo siya sa patingin ko kasi lagi siyang naka ngiti.

Kaya simula ngayon tatawagin ko na siyang smiling man.

"Sige, Mauna na kami." Hinawakan naman ni Van kamay ko at hinila na naman.

Bakit ba kasi ang hilig niyang manghila kaya tuloy hindi ako naka bye kay Van.

Hinihila lang ako ni Van papunta sa building tapos ang bilis pa mag lakad.

"Dahan-dahan naman Van kasi sumasakit na paa ko oh! Naka heels po ako hindi naka sapatos," naiinis kong sabi.

Nasa labas na kami ng building ng huminto siya.

Humarap siya sakin na galit na galit ang mukha.

"Wala ka na ba talagang tama na magagawa? For pete's sake kailangan ko ang offer na 'yon tapos sa Jollibee mo lang pinapunta ang tao! Hindi kaba nahiya?!" sigaw niya sakin kaya lahat ng tao nakatingin na samin.

"Sabi niya naman okay diba?" may takot kong wika.

"Umalis kayo!" sigaw niya sa mga taong nakatingin.

Umalis naman agad sila kasi sino naman ang hindi aalis kung mawawalan sila ng trabaho.

"Sinabi nga niyang okay pero nakakahiya 'yon!" tuon niya ulit sakin.

"S-sorry," nauutal ko ng sabi.

"Last one at wag kana magpapakita sakin! Bobo!" sabi niya at iniwan na ako dito.

Yumuko naman ako kasi nag babadyak na namang tumulo ang luha ko.

Pero nagulat ako ng may yumakap sakin.

"Umiyak ka lang," boses ng lalaki na pamilyar sakin.

"Kerk?" tanong ko dito.

"Oo at walang anuman." Mas hinigpitan pa niya ang pagkayakap.

Umiyak naman ako sa ginawa niya. Basta talaga kay Kerk feeling ko safe ako palagi at hindi ako nakakaramdam ng hiya.

Niyakap ko naman siya.

Kerk is my comfort zone now.



Kindly comment your feedback guys!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30 Days to Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon