6:36 am, Saturday
Ryujin's POV
Sobrang buryong na buryong na ko dito sa loob ng bahay, nasobrahan masyado yung pagkain ko nung Tuesday dahil sa pagd-drama ko kaya ang ending sumakit ng sumakit ang tyan ko kinabukasan kaya di ako nakapasok..
Sumakit din yung tagiliran ko kaya pinagpahinga muna ako ng tita ko dito sa bahay..
Ilang araw kong ininda 'tong pesteng sakit ng tagiliran ko kaya sobrang bored na bored na ko dito sa bahay.
Tamad ako mag-aral pero hindi ako tamad pumasok kasi.. may inspiration pa ko nUNG NAKARAAN.
Ngayon wala na hahahaha. pero gusto ko parin pumasok, balita ko kasi nung wednesday na pumasok yung Chaeryeong na transferee at.. girlfriend rin ni Beom.
Tatlong araw kong hindi binuksan ang phone ko dahil nagpapagaling nga ako. at ayoko rin munang buksan kasi baka ang usapan lang nila don about sa transferee.
Hanggang ngayong sabado hindi ko parin binubuksan phone ko. Nasa loob ng drawer ko 'yon at hindi ko rin naman makuha kasi masakit nga tagiliran ko.
Nung nagpacheck up kami sabi nung doctor UTI at Ulcer daw, pina-ihi pa nga ko sa isang lalagyan na maliit tas kinuhaan rin ng dugo.
Yun talaga ang pinakaayaw ko, ang turok taena. Gawin niyo na lahat wag lang turok huhu.
Ngayon, nakahiga lang ako dito sa kama ng kwarto ko. Lalabas lang ako pag kakain.
Niyakap ko ang teddy bear na human size na laging nandito sa tabi ko, kulay brown ito at may heart na kulay white sa gitna. Niregalo 'to sakin nila mama nung Grade 8 palang ako.
At pinangalanan ko na agad 'tong Beomie.. simula nung makilala at maging kaklase ko si Beomgyu nung Grade 8, nagustuhan ko na talaga siya.
Halos tatlong taon ko na siyang gusto at kinukulit para magustuhan niya din ako pero.. wala parin hahaha, nagkaron pa nga ng girlfriend ngayon eh hahahaha.
Ang sakit talaga.
Eto nanaman, naiiyak nanaman ako. napaka-iyakin ko talaga.
Hay, tama na 'to. hindi na 'to maganda. ang cute cute ko para lang umiyak ng umiyak dahil hindi ako gusto ng taong gusto ko.
Tumayo ako para kunin ang bag ko sa gilid ng cabinet at bumalik ulit sa kama at umupo 'don.
Kinuha ko ang mga libro ko, english, science, filipino, etc.
Magbabasa-basa ako para pag dating ko sa Monday, makakasagot na ko sa mga tanong ng mga teachers namin.
Aba, ipapakita ko kay Beomgyu na kaya kong magbago. Na kaya kong magsipag at maging matalino.
At sa pagpasok ko ulit sa Monday, ipapakita ko sakanyang hindi ako desperada at kaya ko ring hindi siya kulitin!
Gustong-gusto kita pero mapanaket ka talaga, magbabago ako tandaan mo lang talaga yan!
BINABASA MO ANG
𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐋𝐀𝐓𝐎𝐑 ↺. 𝚋𝚎𝚘𝚖𝚐𝚢𝚞 𝚡 𝚛𝚢𝚞𝚓𝚒𝚗 (completed)
Short StoryShin Ryujin chatted you, ❝hoy pres. patranslate nga sa english ng 'mahal kita'❞ In which a maharot girl chatted their president in classroom whom she likes the most. txt x itzy series #1 xx ➣ itzy ➣ tomorrow by together date started : 05'13'20...