Chapter 6

18 2 0
                                    

"She's dead."

Luminga linga si Rose bago umupo sa tabi ko. Tinignan ko ang mukha niya at sinuri ito kasi baka nang-gu-good time lang 'to. Ngunit wala kong natanggap na 'joke lang' sa kanya.

"Rose, masakit pa ulo ko. 'Wag mo kong inaano." Sabi ko sa kanya. Medyo kinabahan ako kasi mukha talagang 'di s'ya nagbibiro. Naiiyak s'ya at hinahabol ang hininga. She's having a hard time to speak.

Pumikit s'ya at pinakalma ang sarili. Huminga s'ya ng malalim. "I'm not joking." She whispered.

"K-kanina... Nagising ako kasi nangangalay na 'yung balikat ko sa pagkakadantay mo sa'kin. Lahat kayo tulog na. Tapos napansin ko kulang tayo. Wala si MJ." She added. Huminga muna s'ya ng malalim ulit para pigilan ang mga nagbabadyang luha sa mata niya.

Then, she continued, "Nung una 'di ko pinansin kasi baka bumalik lang sa room natin. Nag-CR muna ko saglit. Tapos pumunta ako sa room natin para i-check kung nando'n s'ya. Pumunta din ako sa room ng boys pero wala s'ya. Dapat 'di ko na s'ya hahanapin pero kinutuban ako ng masama."

"So, I tried to find her dito sa buong resort. Pero 'di ko s'ya makita. I was about to give up. Pabalik na dapat ako dito sa cottage pero nahagip ng mata ko yung medyo bukas na pintuan sa katabi nating kwarto. Inisip ko baka nagkamali ng pinasukang room si MJ. I tried to knock first pero wala namang nasagot. So, I opened the door widely and t-then... I s-saw her... Lois... I saw her... She was lying on the floor, Lois."

Hindi niya na napigilan ang mahinang pag-iyak. She tried her best to speak again. "L-Lois. Nakita ko s'ya. Madami s'yang sugat at hiwa sa katawan... Duguan s'ya at wala ng malay..."

Then, she cried. Tinakpan niya ang mga mata niya gamit ang dalawa niyang kamay. I immediately hug her. I don't know what to say. I know she is not lying kasi hindi naman s'ya iiyak ng gan'to. Pero ayaw kong maniwala sa kan'ya kahit may parte sa'kin na gustong maniwala.

Nilayo ko s'ya sa'kin para pagpantayin ang mukha namin.

"Baka guni-guni mo lang 'yon or imagination mo. Nakainom ka Rose, remember?" I asked in a calm voice.

"No! Lois, alam ko kung anong nakita ko." She immediately replied back to me at mukang nagpa-panic na s'ya.

"Okay. Calm down." Sambit ko.

Pero 'di s'ya kumalma. Ginising niya ang mga kaibigan namin. She tried her best to wake them up na hindi nag-iingay.

Unang nagising si Princess at nagkusot pa ng mata. Pero mukang pagod ang muka niya at inaantok pa. Nagsunuran na din ang iba at halata sa muka nila ang inis.

"Araw ko Rose, ha!" Maarteng bulyaw ni Lacy. S'ya ang pinakahuling nagising. "Ano bang trip mo sa buhay Rose at wala ka magawa. Kita mong inaantok pa, e. Sakit tuloy ng ulo ko."

"Oo nga, Rose. Alas tres pa lang ng madaling araw. Isang oras pa lang ata tulog ko." Sabi naman ni Mandy habang nakaakbay kay Lacy.

"Guys, si MJ!" Bulalas ni Rose at umiyak na naman. Hindi s'ya makapagsalita.

"Huy, okay ka lang? Ano meron kay MJ?" Tanong naman ni Gael.

Ang kaninang pagkairita nila kay Rose ay napalitan na ng pag-alala at pagtataka. Bago pa makapag-explain si Rose ay may babaeng lumapit sa'min. I can tell that she's a girl because of her long black hair. She's wearing a red t-shirt and black pants. She's also wearing a black mask. Hindi ko makita ang mata niya dahil natatakpan ng kulay itim niyang cap. Nakalagay ang kanang kamay niya sa likod at parang may tinatago. Tahimik lang kaming lahat habang nakatingin sa kanya.

Nagsalita si Aris na pinakamalapit sa kanya, "Miss? May kaila---ahhh!"

Napasinghap kami sa gulat. Habol ko ang hininga ko at hindi ako makagalaw. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano niya biglang sinaksak si Aris sa kaliwang balikat. Habang nakasaksak ang kutsilyo, pinaikot-ikot niya 'yon at mas binabaon. Sumigaw si Aris sa sakit. Halos maiyak s'ya.

ParaisoWhere stories live. Discover now