Ang Simula"Double kill" dinig kong sabi ng kalaban namin na nakaupo lang sa likod namin ni ice
"ano ba sabi ko push na! sa top finifeed mo pa talaga kalaban pag yan tumaba babaliktad tayo niyan" nagiinit na talaga ang ulo ko dahil sa recruit naming kakampi ni ice ewan ko ba sakanya sobrang friendly. Nagfocus nalang ako ulit sa paglalaro
"easy-han mo lang ky hahahha hot ng ulo mo masyado eh, chill panalo to" nangaasar na sabi ni ice sapat na para marinig nung kalaban namin sa likod. Napangisi ako dahil alam kong nangaasar siya para masira ang laro ng kalaban namin, mahirap ng matalo pustahan pa naman to.
Napansin kong parami ng parami yung nanonood salikod namin, halos puro lalake din at ang mga babae naman ay nasa likod ni ice, natawa pa ko nung kinakalabit nung isang babae si ice sa balikat at parang baliw na kilig na kilig sa likod nito. Halatang naiirita na si ice dahil sa kulit nung mga babae.
Madalas kami ni ice sa computer shop kapag sabado dahil walang pasok at di masyado busy parang day off narin namin. Minsan nag babar hop narin kasama ang bestfriend naming si sari kapag wala sila mama sa bahay.
"Yes!" tuwang tuwang sabi ni ice ng mabaliktad namin yung game at manalo kami
"amin na 5k namin, konting jogging pa ha, tsaka na kayo maghamon pag malakas na kayo" mayabang na ngiting sabi ko sa mga kalaban nakatingin naman sila ng masama sakin habang inaabot yung pera.
"sa susunod ulit mga tol" nakangiting sabi ni ice bago kami umalis at dumeretso sa motorbike niya. grabe ginabi rin kami ng paglalaro ng Lol ah.
Naghatian na kami ni ice sa pera at napagdesisyunang umalis na dahil gumagabi narin nang biglang tumawag saken si sari
"oh baket?"
"Inom tayo ky" biglaan naman yata magyaya to
"kasama ko ngayon si ice isama ko na saten?"
"oo para may magdrive hahaha"
"san ba tayo?" tanong ko kasi baka umuwi muna kami para makapag palit ng damit. naka shorts lang kasi ako na pambahay at shirt na sobrang luwag tapos tsinelas , salabas lang naman kasi ng subdivision namin yung computer shop
"dating gawi parin syempre dun lang naman tayo pwede hintayin ko nalang kayo dun" sabay ibinaba ang tawag
Narinig naman ni ice yung pinagusapan namin kaya pinaandar niya na ang motor at dumeretso muna kami sa bahay ko para makapahpalit malapit lang din naman kasi yung bahay ni ice samin kaya madali nalang. Nakasuot ako ng denim pants at off shoulder habang si ice naman naka simpleng t-shirt na black tapos khaki shorts para makibagay narin sa bar na pupuntahan namin mayayaman kasi yung mga nandoon kaya dapat maging presentable naman kami kahit papano pagkatapos magbihis ay dumeretso na kami sa the freeB
Pagdating doon bumungad samin ang maingay na music at amoy ng sigarilyo. Hinanap ng mga mata ko si sari at nakita siyang nakaupo dun sa may pinaka likod kaya tinawag ko siya at agad naman siya lumingon at sumenyas samin
Lumapit ako at tumabi sakanya "sari bat nagsimula kana agad?" napansin kong medyo lasing na siya dahil mapungay na ang mata niya at halatang madami ng nainom
"bes! pa-hug naman ako namiss kita, oyy ice umorder kana ng drinks dun its on me!" tatawa tawang sabi niya sabay inom sa basong may lamang vodka, natawa naman ako dahil namumula na talaga siya, konti nalang bagsak na to. Sumunod naman din agad si ice at nagtanong kung anong gusto k, nag request lang ako ng margarita
nung nakita kong nagsasalin nanaman si sari ng vodka pilit ko yung kinuha at ako na ang uminom para mahimasmasan naman siya ng konti alam kong may nangyari pero hindi pa siya handang pagusapan kaya sasamahan nalang namin siya.
May lumapit saking lalaki at inalok ako ng drinks pero tumanggi agad ako dahil hindi na naman bago sakin ang mga gantong bagay. Nung una kasi naming tatlo na magbar napaaway kami dahil sinapak ko yung isang lalaking humawak sa pwet ko kaya simula non natuto na ko. Madalas kaming magkakasamang tatlo dahil lumaki kaming magkakalapit ang mga bahay at magkaklase na since grade six kami. Naging takbuhan na namin ang isa't isa since pare-prehong magulo yung mga buhay namin, nagkasundo rin siguro kami dahil doon
Naglalakad na patungo si ice samin na may kasamang babae habang hawak ang isang case ng black label sa kaliwang kamay niya
"Ang bilis talaga hahaha sa gwapo ka ba?" nangaasar na tanong ko sakanya. Ngumisi naman siya at itinaas ang middle finger niya saken
Aaminin kong gwapo talaga si ice at matinik sa babae, maraming nahuhulog sakanya dahil sa ngiti at maamo niyang muka pero badboy ang ugali. Hindi ko nga maintindihan bat ang daming pumapatol sakanya kahit alam ng lahat na playboy siya
Naupo siya sa katapat naming upuan at agad na kumandong ang babae sakanya na akala mo ay ahas kung makakapit
"no monkey business sa harap ko ice kadiri kayo" maagap na sabi ko ng makitang maghahalikan na sana sila sa harap namin
"come on ky, pano ako mageenjoy neto" nakasimangot na sabi niya
"edi dun kayo sa madilim basta wag lang dito ayoko naman makakita ng live na porn no"
"wag ka pumatol dyan kay ice dahil juts yan girl hahahah" sabi ni sari sa babaeng kandong ni ice. Tumingin naman ng masama samin si ice at bumulong dun sa babae. Malanding tumawa yung babae at bumulong din. Nagpaalam samin si ice na lalabas muna sila kaya hindi na namin pinigilan.
Nagshot na agad ako ng dalawa para makapagsimula na sa pagpaparty ng magpaalam si sari na mag c-cr siya kaya inalok ko na ring sasamahan ko pero tumanggi naman dahil kaya pa naman daw niya. Habang naglalakad si sari ay binabantayan ko naman siya dahil baka kung sinong mangbastos sakanya dun lasing na lasing na pa naman at pa gewang gewang na kung maglakad ng biglang may sumulpot na lalake sa harapan ko
"Uy ano ba umalis ka dyan may tinitingnan ako" pero di siya umalis at tumingin lang sakin
"Hi a-ano" nakahawak pa sa batok habang kinakamot ang ulo
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Singkit ang mga mata matangkad at patpatin nakasuot ng round glasses na kulay itim na akala mo galing sa library may mapula at manipis na labi. May kagwapuhan din naman kung titingnan mo siyang mabuti kaso parang babae kung magsalita kala mo palaging inaaway
Nakatingin siya saken na parang natatae na ewan. Ano bang problema neto
"may kailangan ka?" nakataas ang kilay na tanong ko habang may tipid na ngiti
"a-ah kasi tatanong ko sana kung pwede ko bang malaman yung p-pangalan mo" nakayuko pa ito at halatang hiyang hiya sa pinag gagawa niya mukang baguhan lang dito sa bar
"Kyra, ikaw?" inilahad ko yung kamay ko at nagaalangang tinanggap niya naman yun. Muka siyang tanga sa harap ko kaya medyo natawa ako. Tumingin naman siya saken at nagtaka kung bakit ako tumawa
"uhhm bakit ka tumatawa?"
"wala ang cute mo kasi bago ka lang dito no?"
"Ah oo n-nahila lang ako ng mga pinsan ko, C-carl nga pala ang pangalan ko"
"so Carl baket mo ko kinausap" deretsong tanong ko sakanya
Lumunok muna siya at ininom ang isang shot na hawak niya kanina pa nakita kong nakakuyom ang mga kamay niya tila naghahanap ng sasabihin sakin, hinawakan niya ang dibdib niya na akala mo mahihimatay at tsaka tumingin ng mabuti sakin bago nagsalita
"Type kasi kita, wag ka sanang magalit o mabastusan saken dare kasi to at kapag di ako sumunod maghuhubad ako ng pants dito kaya pasensya na talaga" dere-deretsong aniya habang pulang pula ang muka
Malakas akong tumawa dahilan para mas lalo siyang mahiya, yumuko siya at nagpaalam na aalis na agad ko naman siyang hinawakan sa braso para pigilan
"Saglit lang, akin na phone mo" nagtataka siya sa sinabe ko pero binuksan niya naman ito at binigay parin sakin, nang matapos ako sa ginawa binalik ko na yun sakanya
"Ano to" nagtatanong na aniya.
"Number ko"
"Anong namang gagawin ko dito"
"Type mo ko diba, edi ligawan mo ko" nakangising sabi ko habang nakatingin sakanya

YOU ARE READING
Deal With It
Teen FictionDealing with life is hard but dealing with yourself is much more harder and unpredictable