chapter 4 and chapter 5

2 0 0
                                    

Nakayuko akong Naglalakad papuntang sr kung saan naroon si boss. Iniisip ko kung pano ko kakausapin si Richard mamaya ngayong alam ko na ang tungkol sa pagkatao niya. Magpinsan sila ni Shane, ibig sabihin apo rin siya ng may-ari ng university na'to. Nahihiya akong kausapin sya, hindi lang sya mayaman sobrang yaman talaga.Patuloy akong naglalakad nang mapansin kong may taong nakaharang sa harap ko nakayuko at wala sa mundo akong naglakad papuntang kanan para malagpasan sya pero hinarangan niya parin ako. Itinaas ko ang mukha ko para makilala kung sino ang harang na tao. Laking gulat ko nang makilala kung sino. Nanlaki ang mga mata ko. Yumuko ako ulit at naglakad papuntang kaliwa para lagpasan sya pero hinarangan niya parin ako. Ano bang problema ng lalaking to? tsk.

"Christina." batid ng taong nasa harap ko.

"ahmm." diko maibuka ang mga bibig ko parang na mighty bond e.

"may problema ba? parang wala ka ata sa sarili mo, ni hndi mo manlang narinig ang pagtawag ko sayo. ok ka lang ba?"may halong pag-aalala sa boses nya.

"ah-eh- richard maiwan na muna kita ha may pupuntahan pa kasi ako e importante, cge alis nako." nalagpasan ko narin sya at tumungo nako papuntang sr. sigurado akong umuusok na ang ilong ni boss ngayon. eh anong sasabihin ko. aish!

pagkapasok na pagkapasok ko ng sr.

"bat ang tagal mo? alam mo bang 3 oras na kitang hinihintay? anong oras na? pasado alas 12 na. gusto mo bang mawala ang scholarship mo ha?"

yan agad ang salubong nya sakin. wala man lang bang goodmorning. aish!

"anong tinitingin tingin mo dyan?" tsk. teka parang may iba sa mukha niya parang OMG!

"bakit may sugat ang labi mo?" hinawakan naman nya agad ang labi nya

"tsk! napalakas ata yung suntok nya kanina."bulong nya pero rinig ko naman. sinuntok sya? nino?bakit nya naman gagawin yun?may kasalanan kaya si shane?

"sinong sumuntok sayo?" pagtatakang tanong ko.

"wala kang pakialam. tsk!" umupo sya sa sofa at nilingon ako

"ikuha moko ng lunch sa canteen at dalhin mo dito, bilisan mo kundi patay ka talaga sakin ." waaaah! w/ matching laki ng mata,sigaw at turo pa yan. nakakakot sya kaya agad akong lumabas at dun lang ako nakahinga. nagtungo ako papuntang canteen. Nakakatakot talaga ang itsura nya kanina. ano kayang nangyari sa labi nya? may sumuntok sa kanya? di kaya yun yung sinabi ni Nova na nagsuntokan sila ni Richard? meaning si Richard ang sumuntok sa kanya? sabi ni Nova away magpinsan daw yun ee. tsk! wag na nga lang mangialam sa kanila. Pagkarating ko sa canteen ay agad akong namili ng pagkain para kay Shane. Hindi ko alam kung ano ang gusto nya baka allergic sya sa kukunin kong pagkain. Ay alam ko na tatanungin ko nalang ang babae na nasa cashier area. ang talino ko talaga.

"ah miss" pasimula ko, medyo marami na kasing tao pero abala sa pagpili ng mga pagkain kaya wala pang tao sa cashier area.

"yes maam, how may I help you?" wow! english. e kung piktosan ko kaya to akala nya naman di ako marunong mag english. ang bad ko talaga :)

"magtatanong lang sana ako kung ano yung pagkain na kinukuha ni Shane dito?" akala nyo naman mag ienglish ako. Wag na uy mauubos lang isang sako kong english w/ mali mali pang grammar. nakakahiya kaya.

"ah yes, may hinanda na kami para sa kanya yung mga pagkaing gusto nyang kainin." alangan naman pagkaing gusto niyan inumin, kakainin talaga. :)

"PA nya kasi ako e, kukunin ko sana yung pagkain nya dadalhin ko lang sa sr." naka smile kong sagot sa kanya.

"ah okey po." po? parang mas matanda ka pa nga sakin ee pinopopo moko. popoin ko mukha mo e. hihe joke :) may tinawag syang babae para ipakuha ang pagkain ni Shane. Ilang sandali lang ay inabot na nya sakin ang tray na may lamang mga pagkain. Nagpasalamat ako at naglakad na palabas ng canteen. Napahinto ako dahil sa isang sigaw, sigaw kung saan matutunaw nako dahil lahat ng death glare ng mga babae ay nakatuon sakin.

Fairy Tales Do Come TrueWhere stories live. Discover now