Chapter 2 [M I N E C R A F T]

6 2 0
                                    

My Point Of View
(Ay selfish) cHar

Nung natapos na yung time ni Ma'am nagsitayuan na agad yung mga kaklase ko at bumalik na sa dati nilang upuan. Gagaya narin dapat ako kaso, "Sinong nagsabing bumalik kayo?! Walang aalis diyan! Ako na magsasabi sa Adviser niyo." Ani ng teacher at lumabas. Nag make face naman ako dahil sa narinig.

Huwaat! Paano na? Anobayan paano na kami maguusap ni Step?! "Panget mo." Bulalas ng katabi ko. Napalingon naman ako sakanya. Pucha! Wala pa nga akong ginagawa—wait, ako ba yung sinasabihan niya?

"Ako? Panget?" Angas angasan na kunyaring tanong ko sakanya.

"Oo." Matigas na aniya at pinunasan yung tungki ng ilong niya. Wtf?

Napatingin naman ako sa mga daliri niya nang dahil 'don. Oh my gHorl!
B-Bakit a-ang haba? Na g-gm na tuloy ako! Waah! Shutaaang inernz.

"I-Ikaw!! Yung mas pangit. Tigas ng mukha mo." Napalingon naman na yung katabi niya samin.

"Huy bhe, inaaway mo 'yan?" Tanong ni Mela. "Nang aasar kasi! Bwisit!" Sinamaan ko pa ng tingin si Taurus.

Nanglalait pa akala mo naman inaano siya.

Bumalik nalang ako sa pagdo drawing sa likod ng notebook ko at nakita ko sa gilid ng mata ko na nilabas ni Taurus yung cellphone niyang samsung na maliit. Bigla nalang nawala yung pagkainis ko sakanya nung makita ko yung nilalaro niya.

"Hala, ako din palaro ng minecraft!" Mas dumikit na ako sakanya para lang makita yung nilalaro niya.

"Gumagawa ako ng kotse." Aniya at napatango naman ako.

"Ano yan? Slime block? Gulong?" Tanong ko at napatango naman siya. Napatingin naman ako sa mukha niya kasi sobrang lapit ko na.

Makapal pero magulong mga kilay, mahabang pilik mata, and you guessed it kulot yung buhok niya.

Hindi naman siya yung mga mahabang kulot, parang ulo lang ni doraemon yung buhok niya.

HAHAHAH

Napansin niya namang nakatitig ako sa mukha niya at Sinamaan niya ako ng tingin. Tss, Ang Taray niya.

Parang titingin lang sa mukha niya e. 👉👈 damot.

Tumingin nalang ulit ako sa nilalaro niya. Hindi na dumating yung teacher sa last period namin dahil ewan ko.

Mas mabilis pa sa alas quatro na pinagtatapon ni Taurus yung mga notebook niya sa loob ng bag niya.

"H-Huy! Bimpo mo, oh." Sabay abot sakanya yung bimpo niya naapak apakan sa lapag.

Ngumiti ako sakanya ng pilit at bumulong, "Dalhin mo ulit CP mo bukas, dadalhin ko din yung akin Minecraft tayo."

"Ge." Pagpayag niya at umalis na.

Kinabukasan...

Excited akong pumasok dahil dala ko yung cellphone ko. Nag pa SHAREit ako ng mga kanta sa mga kaklase ko at nag connect kami ni Step sa minecraft. Whoop! Whoo0p!

Nung mag recess na sabay kaming pumunta sa canteen si Step at bumili ng Cupnoodles. Bumalik na kami sa room at umupo na sa dati naming upuan.

Nakita ko namang nagtitiktok dance yung mga nasa harapan namin. "Ganto kasi yun bhe! Hindi ganyan."

"Eh? Ganto yung nakita ko."

"Bokols ka bhe. Mali nga!"

Nag nasty naman yung isa sa harapan ng blackboard. "Parang tanga." Sabi ko kay Step.

"HAHAHAH" tawa niya.

Nung matapos na kaming kumain nag adorablehome nalang kami at nung dumating na yung teacher sa English tinigil na namin at pumunta na ako sa likod na likod dahil 'don ako nilipat ni ma'am nung nakaraan.

Kaya dito na ako pag English period.

Nag arrange seat nanaman si ma'am at nilipat si louie sa likod. Whooop! Whooop! Pare ko 'to!

"Oi!" Bati ko sakanya, "Ey!" Balik niya sa'kin.

May bakante namang upuan sa tabi ko dahil gusto ni Step na umupo dun sa dati naming upuan dahil hindi siya makarecite. We cool man.

Nagratatatatata nanaman yung kilay kongkinulang nung ilipat ni ma'am si Taurus sa tabi ko. First Blood!

Napatingin nalang ako sa crush ko dahil wala akong magawa at hindi ko din alam kung anong isasagot ko.

Binalik ko yung tingin ko sa notebook ko nung lumingon siya sa'kin. OMG is this the sign?! Crush niya din ako?

Lihin na napangiti naman ako dahil sa naisip, "Mukha kang tanga." At sino pa ba si Taurus nanaman.

Gulat na nalatingin ako sakanya. Kilala na niya kung sino crush ko?
Shet! Sheteng ene!

"H-Ha? Luh! Ikaw yung mukhang tanga diyan nagsasalita nalang bigla." Sabi ko sakanya at sinamaan siya ng tingin.

Tumingin naman siya pabalik sa'kin at, "Ikaw talaga yung mukhang tanga ngingiti ngiti ka diyan ng mag-isa, baliw ka ba?" Nag comeback ng matinde.

Ratatatatatattaat!!!! Wala na akong mababalik sakanya!! Waaah!!!

Authors note!

!!!!! K.thx.4.rdng.bye. Vte.cmmnt.shr. PeriodT.

Haelymini!!!!!!!!!!!! 🙂

Fall For The GeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon