Chapter 1: "Amber, Ayesha and A Stranger"

43 1 1
                                    

Amber's POV
"Love me like you do, lalalove me like you do (2x) Touch me like you do, tatatouch me like you do... What..."
"Ambeeeeerrrrrr!!! Kanina ka pa nagcoconcert dyan sa CR ang sakit sa tenga!!!!" Sigaw ni mama.
"Ay ano ba yan ma, nakalimutan ko tuloy yung lyrics ng kanta!" Inis kong sagot.
"Bilisan mo natatae na ako!" Pagmamadali sa akin ni mama.

Nakasimangot akong lumabas sa banyo at padabog na umakyat sa aking kwarto.

Hay nako naman talaga kung kailan feel na feel ko na yung kanta tsaka iniistorbo, kainis!

Ako ang ringtone mo, ako ang ringtone mo, bilisan mo na at sagutin ang telepono moooo (ringtone ni Amber)

Ano na naman kaya kailangan ng bestfriend ko???
"Hello Ayesha"
"Hiiiiii Ambeeeeeerrrrrrr!!!" Nakakabinging bati sa akin ni Ayesha
"Ayeeesssshhhhaaa! Anong meron at wagas kang makabati sa akin??!!"
"Tara punta tayo sa enchanted kingdom!" Excited na sabi sa akin ni Ayesha.
"At ano naman ang gagawin natin dun?"
"Maglalaro ng hide and seek tsaka habulan" sagot sa akin ni Ayesha.

Kahit kailan talaga napakapilosopo ng bestfriend kong luka-luka ang sarap kaltukan kung hindi ko lang talaga mahal itong babaitang ito malamang matagal ko na itong naupakan...
"Hay nako! Bahala kang gumala mag-isa!"
"Ito naman joke lang, sumama ka na pleeeaaassseee." Agad na sagot sa akin ni Ayesha.
"Asusss! Sige na nga, basta libre mo ako pagkain"
"Sige bestfriend kong maganda, the best ka talaga." Natatawang sabi sa akin ni Ayesha..

Nagmadali na akong nag-ayos para makapunta na sa bahay nila Ayesha, pero ng aktong aalis na ako ay...

"San ka na naman rarampa anak?" salubong sa akin ni mama.
"Ay grabe ka naman po mama, pupunta po kami ni Ayesha sa Enchanted Kingdom."
"Sige pero wag kayong magpagabi, pagbalik mo marami ka pang huhugasan na mga pinggan." Biro sa akin ni mama
"Si mama naman eh"
"Joke lang anak, sige na lumakad ka na, mag-ingat kayo at huwag pasaway ha!"
"Opo mama"

Ayesha's POV
I'm just waiting sa bestfriend kung luka luka dito sa bahay and super excited na ako sa gala namin today!

Beep beep (busina ng kotse ni Amber 😂)

"Besh, tara na!" sigaw ni Amber sa labas
"Ito na lalabas na! Wait lang!" sagot ko kay Amber

Nagmadali akong kinuha yung bag ko at lumabas na ng bahay

"Antagal mo!" reklamo ni Amber
"Sorry naman, besh! 😂" natatawa kong sabi kay Amber
"Kain muna tayo bago magpunta sa Enchanted Kingdom, kasi alam mo namang yung cute beshy ay nababaliw pag gutom" pacute na sabi sa akin ni Amber
"Sure! Alam ko namang lagi kang gutom eh" pang aasar ko kay Amber

So ayun na nga, nagpunta muna kami sa Jollibee para kumain. After namin kumain dumiretso na kami sa Enchanted Kingdom

[At the Enchanted Kingdom]

"Besh, tara sakay tayo sa Roller Coaster!" excited kong sabi kay Amber
"Arat na!" yaya sa akin ni Amber
"Bili na tayo ng ticket!" sabi ko kay Amber habang hinihila ko papuntang ticket booth
"Besh, di naman halatang excited ka" natatawang sabi sa akin ni Amber habang naglalakad

Habang nakapila kami papuntang ticket booth may isang matangkad na lalake na sumingit sa unahan namin

"Aba, mister! Ang alam ko kami yung nauna sayo sa pila ah" galit na sabi ni Amber dun sa lalake
"Sorry, miss! Pero kasi nagmamadali ako, nagagalit na kasi yung girlfriend ko eh!" walang modo na sabi ng lalaki kay Amber habang bumibili ng ticket
"Wala akong pake kung nagagalit yung girlfriend mo, basta kami yung nauna sa pila!" pagmamalditang sabi ni Amber sa lalaki
Jusko, pano ko ba aawatin si Amber? ayaw pa naman magapapatalo nito pagdating sa ganyan

Amber's POV
Ang sarap upakan ng bwisit na lalaking toh! Maayos kaming nakapila dito sa ticket booth tapos bigla nalang sisingit!

"Hayaan mo na sya, besh! Pagbigyan mo na, wag ka na makipag away" awat sa akin ni Ayesha
"Eh kasi naman eh! Nauna tayo sa pila eh!" naiinis na sabi ko kay Ayesha
"Thank you, miss! Pasensya na talaga!" mahinahon na sabi ng lalake sa amin
"Hmmmpphh!" pagsusungit na sabi ko sa lalake

Pero in fairness gwapo sya kahit bastos 😂 Ay ano ba yan?! Kung ano ano naiisip ko eh dapat nagagalit ako eh! 😑 Yayain ko na nga si Ayesha dun sa roller coaster ng lumamig yung ulit yung ulo ko

"Ayesha, tara na dun sa roller coaster!" nagmamadaling yaya ko kay Ayesha
"Gora na tayo besh, excited na ako!" masayang sabi ni Ayesha

Habang nasa roller coaster kami, ayun wala kaming ginawa kundi sumigaw at maghampasan ni Ayesha hanggang sa matapos. 😂

Tawa pa kami ng tawa ni Ayesha pagbaba ng roller kahit medyo nahihilo pa kami. Hanggang sa hindi ko inaasahan na masusuka ako at saktong sa sapatos ng isang lalake pa ako nasuka. Jusko nakakahiya, pwede na ba akong lamunin ng lupa?!

"Okay ka lang ba, miss?" nag aalalang tanong ng lalake
"Yes, okay lang ako and sorry about your shoes" nahihiya kong sabi sa lalake habang nakayuko
"It's okay!" nakangiting sabi ng lalake

Pero nung itinaas ko yung ulo ko para mag sorry ulit at makita kung sino sya.....

"Ikaw na naman?!"



* That's all for today guys! Hope you enjoy it! 😊 Feel free to comment for your suggestions and opinions 😊

It Starts With The Letter "L"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon