OH TEE -- 1----------
"This is insane!"
Napatingin ako kay Alec na halatang frustrated sa ginagawa niyang plate. Sino ba namang hindi manggigigil e pangalawang ulit na niya 'yun. 'Yung una, natapunan ng favorite niyang Starbucks. 'Yung ngayon, ewan ko. Pero paniguradong kamalasan na naman.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Tee, you will not believe this," sagot niya, bakas ang pagkainis sa tono ng boses niya. "I am being really careful in sketching this pero all this time mali pala 'yung perspective na nagawa ko!"
Napangiwi na lang ako. Wala akong magagawa sa frustration niya. Pasahan na mamaya ng plates namin sa major e. Sadyang itinadhana siguro si Alec na makakuha ng singko sa output na ito. Welp.
Pagtingin ko sa plate ko, okay naman na siya para sa akin. Solb ako. Hindi ganoong ka-standout unlike sa mga nakita kong gawa ng blockmates namin, pero paniguradong papasa naman. Average lang. Parang ako.
Iniayos ko na ang plate ko para masigurado ko na hindi na ko uulit pa. Niligpit ko na 'yung mga gamit ko at saka ko itinabi kay Alec. Busy pa siya sa pagbubura ng mga sa tingin niyang maisasalba pa sa plate niya para hindi na siya umulit pa fully. Kawawang bata. Hehe.
"Sige na Lec, tapusin mo 'yan. Bibili lang ako ng merienda natin," sabi ko sa kanya. Tinapik ko lang siya sa likod pero hindi siya umimik. Understood na 'yun, busy e.
3rd year Architecture students kami ni Alec dito sa isa sa pinakamalaking university sa Metro. Puno ng mayayamang estudyante rito, mostly mga anak ng mga businessman, lawyers, doktor, at mga senador at kongresista. Given naman dahil sa kilala ito maging sa global standards. Ako lang yata ang anak ng commoner dito.
Sa totoo lang, hanggang ngayon naaalala ko pa rin noong nalaman kong nakapasa ako sa scholarship dito. Noong una, kahit na masaya dahil nakapasa ako, agad din akong nalungkot kasi naisip ko na may poproblemahin pa akong ibang gastusin— 'yung ipapamasahe dahil isang oras ang biyahe mula sa bahay hanggang dito, 'yung pambaon, pati na rin 'yung mga kakailanganin kong gamit. Ang taas pa naman ng hangarin ko sa buhay: maging arkitekto.
Hindi ko agad sinabi kela Nanay na nakapasa ako kasi malamang ipipilit nilang pumasok ako. Ang inaalala ko kasi, wala naman kaming pantustos sa ibang mga kakailanganing gastusin. Kaso may pagkapakialamero 'tong isang pinsan ko. Ayun, sinabi at nalaman. Wala tuloy akong choice kundi mag-enroll kahit hindi sigurado kung pagkatapos ba ng enrollment, makakakain pa kami ng tatlong beses sa isang araw.
"Ate Loida, isa pong cheese bread, tapos isa pong tubig. Pakidalawa na po pala 'yung cheese bread," order ko sa tindera sa cafeteria. Nginitian lang ako ni Ate Loida habang inilalagay niya sa plastik ang binili ko.
Ito si Ate Loida 'yung isa sa mga naging kalapit ko rito sa university simula freshman palang ako. Taga-baranggay kasi namin 'to. Kakilala pa ni Nanay. Kaya minsan nakakasabay ko siya, saka kapag may natira sa cafeteria, pinauuwi sa akin. Hindi naman ako mahihiya, aba, pagkain din 'yon!
BINABASA MO ANG
oh Tee! | on-going
Teen Fictionoh tee! ---------- Tee knows the state of his family's living. That is why he works really hard to get his degree on Architecture with the help of his university scholarship. But things start to get messy when he gets warned because of his failing s...