CHAPTER 2

6.3K 506 81
                                    

CHAPTER 2

KINABUKASAN maaga akong nagluto ng breakfast ayaw ko talagang makita sila parang sirang plaka yung utak ko pa balik balik yung mga narinig ko kanina lang. Di na ako nag abala sa pag aayus ng sarili ko simpleng t shirt at palda na hanggang tuhod ko, sino naman ang titingin sakin e para na ngang akong katulong sa bahay na ito.

Saktong pagkatapos ko sa mga niluto ko ay yung din ang pagkababa nila naririnig ko yung mga tawanan nila at sure ako na ito yung babaeng kasama niya kanina lang sa kwarto. Biglang nag replay nanaman sa isip ko yung mga narinig ko, gusto kong mag wala gusto kung manakit at gustong gusto ko ng tumigil tong pagtibok ng puso ko sa kanya , na sana si luke na lang ulit pero wala na akong magagawa puso ko to anong laban ko? Kahinaan ko siya.

"Babe, nagugutom na ako." Sabi nong babae. Nasa kwarto na ako nung pag pasok nila sa kitchen naririnig ko ang mga pinag usapan nila kasi malapit lang itong kwarto ko sa kitchen.

"Don't worry babe , may pagkain na jan." Sabi naman ni Czek.

"Pinag luto mo ako?" Tanong pa nito.

"Nope babe, ang katulong ko ang nag luto nito."sabi ni Czek.

Marinaw na marinaw kong narinig ang salitang katulong sa asawa ko. Gusto kung tawagan ang pamilya ko , gusto kung tawagan si luke pero kahit telephone dito ay wala .

"Akala ko babe ikaw lang mag isa dito." Sabi na panito.

"Sa tingin mo babe marunong akong magluto? Kaya nga may katulong ako diba." Sambit nito.

Parang di ako makahinga dahil sa paninikip ng dibdib ko.

"Tawagin muna lang siya babe, para sabay sabay na tayong kumain. " sabi nong babae.

"Na, wag na tsaka gusto kung masolo kita. " Anito.

"Sus... Ikaw talaga o sige kumain natayo. "Sa pananalita pa lang niya malalaman mo talagang malandi siya.

"Okey, para maihatid nadin kita sa inyo. "Anito.

Ilang sandali pa ay narinig kung tapos na silang kumain.

"Babe, wait here may kukunin lang ako." Anito.

"Okey babe. "Sagot naman nito kay czek.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa may kitchen ng may biglang nag salita galing sa likuran ko.

"So.. Ikaw ang katulong niya? "Tanong nito,  kaya humarap ako.

Di siya mahirap ma gustohan kasi ang ganda niya, ang kinis ng kutis, at subrang sexy kumpara sakin na para ng katulong dahil sa pananamit ko.

"A-ahm oo,  ako nga. "Nauutal kong sagot.

"Oh.. Okey. " sabi nito nakikita ko sa mga mata niya yung parang ang saya niya sa mga nangyayari, ilang sandali lang ay umalis na ito sa harapan ko.

Bakit parang masaya siya? Tanong ko sa isip ko.

Ang sunod naman pumasok sa kitchen ay si czek nakapag office attire na ito, mas lalo siyang guwapo sa suot niya.

"Mamaya mag luto ka at linisin mo itong bahay, at wag na wag kang mag tatangkang tumakas terry alam mo kung pano ako magalit. "Pagbabanta nito sakin.

Tango lang ang naisagot ko sa lahat ng mga sinabi niya.

Narinig ko nalang ang papalayung tunog ng sasakyan napabuntong hininga na lang ako at kumuha ng isang plato para kumain, pagkatapos ay hinugasan ko ito at nag simula ng nag linis ng bahay. Biglang may sumulpot sa harapan ko isang guard.

"Miss terry, ako pala si Lee. "Pagpapakilala nito.

"Hmm..  Anong kailangan mo? "Tanong ko dito.

"Ma'am isa po ako sa mga bodyguard ni ma'am erza. Nandito po ako para ibigay sayo tong cellphone nato.  Ma'am, may number na ho yan ni ma'am erza at tsaka ma'am nandiyan na rin po ang number ni sir luke. "Sabi nito.

Biglang nanglaki yung mata ko sa sinabi niya "P-pano nalaman ni erza to? "Tanong ko dito.

"Ma'am ang alam ko lang po ay pina imbistigahan ka niya. " anito.

"Sabihin mo kay erza na salamat huh. "Sabi ko.

"Opo ma'am. "Anito. Aalis na sana ito ng tinanong ko naman ito.

"Pano ka pala naka pasok dito? "

"Ma'am madali lang bilogin ang mga guardiya dito ma'am at tsaka ma'am wag kayung mag alala safe kayo hanggan nandito ako. At tsaka ma'am i noff ko po yung cctv para di tayo nakita. "Anito.

"Maraming salamat lee, utang na loob ko ito sayo. "Pagpapasalamat ko.

"Walang problema ma'am. "Anito at umalis na.

Kaya dali dali akong pumunta sa kwarto ko at inopen yung cellphone na binigay sakin ni erza.

Si erza ang matalik kung kaibigan simula nong bata pa kami, tanong nga nila na mag kakambal  ba raw kami kasi pare-pareho lahat ng ayos namin.

Tinawagan ko ito ilang sandali pa ay sinagot na nito.

"Terry!  Oh my god! Kumusta kana?  Miss na miss na kita. Huhu... " narinig ko sa kabila yung hikbi niya.

"Erza namiss din kita. " sagot ko dito.

"Huhu... Kung may kailangan ka huh tumawag ka kaagad sakin para matulungan kita tsaka nandiyan na rin ang number ni luke. " sambit nito.

Diko napigilang tumulo yung luha ko.

"Salamat talaga erza, maraming salamat babawi ako sayo okey di pa sa ngayun pero ako lang ang tatawag sayo huh,baka makita ni czek ang cellphone,  salamat sa lahat erza."sabi ko.

"Basta ipangako mo sakin na tatakas ka jan huh at sasabihin ko sayo kung pano ko nalaman ang lahat ng ito. "Aniya. 

"Oo tatakas ako erza, pangako yan, oo pag nagkita na tayo okey,  Sige i baba ko na ito bye erza mag ingat ka okey. "Sabi ko.

"Ikaw ang mag ingat jan terry iloveyou. "Aniya.

"I love you too erza. "Sabi ko at ibinaba ang cellphone.

Di ko mapigilang mapangiti kasi kahit ang layo ko sa kanya ay nakuha niya pa akong pina imbistiga, napaka swerte ko kasi may kaibigan akong kagaya niya.

Itinago ko yung cellphone ko sa lalagyan ko ng mga damit at lumabas sa kwarto na parang walang nanyari at pumunta sa cctv room at i-non ang mga camera nito at lumabas para taposin yung paglilinis.

Nilinis ko ang binilin sakin ni czek na dapat ko rawng linisin sa araw na ito, pagkatapos non ay bumaba at nag luto ng pangtanghali kong kakainin. Na hagip sa mata ko si lee, don pala siya banda sa gate napansin siguro niya akong nakatingin sa kanya kaya bumaling siya at nginitian ko kaya ginantihan ko naman siya.

Pagkatapos non ay pumunta ako sa kwarto para mag pahinga. Tinignan ko muna yung cellphone saka ibinalik don at humiga sa kama at natulog.

"Maraming salamat panginoon at pinakinggan mo ang lahat ng hiling ko. "

____________________________________________________

:)

His Secret Wife (COMPLETE)(UNEDITED)Where stories live. Discover now