CHAPTER 9

5.1K 310 79
                                    

CHAPTER 9

Buong biyahe ay subrang tahimik. Di ko alam kung bakit naiirita siya sakin e wala naman akong ginawang masama.

Binuksan ko yung salamin ng kotse.  Sarap talagang langhapin ng simoy ng hangin pag papunta kayo ng mga bukirin. Napaka fresh nito. Tinigtignan ko yung mga na dadaanan naming mga malalaking kahoy at mga maliliit na bahay, may nahagip sa mga mata ko. Isang mag asawa na nagyayakapan habang naghihintay ng masasakyan.

Mabuti pa sila. Mabuti pa siya,  kasi mahal siya ng asawa niya. E ako? Kahit ka titing di ko talaga naramdaman yun sa sarili kong asawa. Ang mas masakit pa ay kahit mag asawa na kami ay may iba pa siyang mahal, parang biro lang ito  sakanya.

May malaking gate na tumambad samin. Ipinarking nito ang sasakyan sa tapat ng gate, bumaba ito. Bubuksan sana niya yung pinto ng kotse ng maunahan ko siya at lumabas doon.

Ilang sandali pa ay may narinig akong sasakyan papalapit samin kaya don ko binaling yung atensyon ko, lumabas sa kotse ay si vynn.

Teka, kanina mas na una naman sila nanay pumunta dito pero bakit wala pa sila?

Naglakad ito papunta sa gawi namin.

"Bakit wala pa sila rito?  "Tanong ni czek.

"May binili siguro. "Sagot naman ni vynn dito, at na unang pumasok sa malaking gate na iyon, kaya sumunod na lang din kami. Nag tangka pang pinadausdos ni czek yung kamay niya sa bewang ko,  pero lumayo agad ako sakanya at na unang lumakad.

Muntik na akong madulas ng biglang nag salita itong si vynn, mabuti naman at walang naka pansin sakin.  "Ngayun ka lang ba nakapunta dito sa baguio? " tanong nito.

"A-ako ba tinatanong m-mo? "Tanong ko dito, marinap na baka si czek pala yung kinausap.

Bigla itong ngumisi at tumigin sakin, mas nauna kasi siyang nag lakad kaysa samin ni czek.

"Uh huh ikaw nga. "Anito at sumabay sakin.

"Di naman, noon naka punta ako but dalawang taon na ang nag daan. "Sagot ko dito.

Yeah napadpad ako dito noon bago ako ikinasal kay czek. Tinakasan ko sila mommy at daddy ikaw ba naman ipakasal sa di mo kilala di kaba tatakas?

"Ahh. "Sagot nito sakin.

Napadpad kami sa isang na pakalaking lupain at puno ng strawberry.

Omyghad! Ba't di nila sinabi na strawberry farm pala pupuntahan namin. Akala ko lupain na puno ng mga gulay yun pala strawberry farm.

"Oh god strawberry. "Sambit ko, nanubig kaagad yung bibig ko.

"So di mo alam na strawberry farm pala yung pupuntahan natin?" Tanong ni vynn sakin.

"Oo, akala ko farm na puno ng gulay. "Sagot ko naman habang nilibot yung paningin ko sa mga strawberry.

Nakangiti itong umiling.

Narinig kung tumikhim si czek sa likuran ko, pero di ko na ito tinapunan ng tingin.

Mahaba haba din yung nilakad namin hanggan sa di kalayuan ay may isang kubo.

His Secret Wife (COMPLETE)(UNEDITED)Where stories live. Discover now