Ako si Paula Jane Espiritu, Pau for short. Isa akong tibo, o teka, Baka kung anong isipin nyo ah? Di ako tomboy, babae pa din ako na nagbibihis lalaki. Ewan ko kung bakit ako ganito. Eh sa dito ako mas komportable e, at dito ako masaya, alangan namang ipagkait ko sa sarili ko ang makapagpapasaya sakin. Kaya ganito ako magbihis.
"Pau, bilisan mo naman kumilos! Malalate na tayo sa liga sa barangay eh!", sigaw ng kaibigan kong si Toni, isa syang bisexual. Anyway, manonood kami ngayon ng liga dito sa barangay malapit sa amin, dahil ang boyfriend ni Toni na si Joseph ay isang basketball player.
Dali-dali kong sinuot ang jersey short at ang isang puting t-shirt na may printed na logo ni superman atsaka ako nagsuot ng sumbrero. "Oo na, eto na. Maghintay ka ngang bakla ka!", sigaw ko kay Toni. Actually, di mo naman mahahalatang bakla si Toni, dahil may angking kagwapuhan sya at lalaking-lalaki ang kanyang tindig. Kung totoong lalaki lang to, baka ako na nangligaw dito sa bestfriend ko na to! Chos!
Pagdating namin sa covered court ng barangay, saktong hindi pa nagsisimula ang laro, tamang-tama lang ang dating namin. Pumunta naman kami sa pwesto ng boyfriend ni Toni. Syempre, dahil kaibigan ko naman silang dalawa, support support ang peg ko.
"Toni, bibili lang ako ng pagkain sa may labasan ah, wala ka bang ipapabili?", tanong ko kay Toni, dahil gusto kong magpahangin saglit dahil sobrang init dito sa loob ng court.
"Wala naman, Pau. Madami namang tubig dito eh. Okay na siguro to."
"Okay, sige. Bibili lang ako."
Lumabas ako ng court atsaka bumili ng isang C2 at isang fudgee bar. At tumambay muna ako dito sa tindihan. Habang kinakain ko yung fudgee bar, may isang lalaki naman na parang pamilyar sa paningin ko ang bumili dito sa tindihan na kinatatayuan ko.
"Carlo?! Ikaw ba yan?", oo nga si Carlo nga! Si Carlo yung kababata namin ni Toni dito, sya yung kababata kong naging crush ko noon. Hihi.
"Yes, and you are?", nagtataka nyang tanong.
"Ako to, si Paula", atsaka ko tinanggal yung sumbrero kong suot at nilugay ko ang buhok ko para mas lalo nya akong makilala, "Ayan kilala mo na ako? Natatandaan mo na ba ako?"
"Paula Jane? Ikaw ba yan?! Whaaa! Ikaw nga!", bigla syang napayakap sa akin na sya namang kinagulat ko. Nang maramdaman nyang nagulat ako, agad naman syang umalis sa pagkakayakap sa akin.
"Uhmm... Sorry hehe", sabi nya habang namumula at napakamot naman sya sa ulo nya.
Nalaman kong kakauwi nya lang galing sa probinsya nila, kakagraduate nya lang at dito na ulit sila titira. Ohmy! Yung crush ko noon, dito na ulit sila titira! Mygadness!