Dalawang buwan ang nakalipas simula ng dumating sila Carlo at ang pamilya nya dito. Nagulat naman si Toni dahil ang laki ng pinagbago ni Carlo, lalo itong gumwapo at medyo lumaki ang katawan. Mas nagulat si Carlo dahil nalaman nyang may boyfriend si Toni, naalala nya pa daw na mas lalaki pa si Toni kaysa kay Carlo noon. Habang binabalikan namin yung mga bata pa kami, naaalala din ni Toni na nagkagusto pala ako kay Carlo noon, at nalaman yun ni Carlo. Sa sobrang hiya ko, nahampas ko tuloy si Toni.
Mula nang nalaman ni Carlo na naging crush ko sya noon, lagi na nya akong kinukulit. Lagi nya akong niyayaya lumabas, at kapag lumalabas kami mas lalaki pa ang mga suotan ko kaysa sa kanya. Katulad nalang ngayon, nakasuot ako ng jogger pants at kulay blue na polo with matching espadrile shoes. Samantalang sya, simpleng white t-shirt at short na hanggang ilalim ng tuhod at rubber shoes. Oh diba?
"Uhmm... Pau", tawag sakin ni Carlo habang nakaupo kami dito sa isang bench dito sa park.
"Bakit? May sasabihin ka ba?"
"Oo, kaso kinakabahan ako eh", sabi nya habang pinagpapawisan at medyo namumula.
"Bat ka naman kinakabahan? Hahaha! Matagal na tayong magkaibigan eh, ngayon ka pa kinakabahan. Ano yung sasabihin mo?"
"Hmm... Pwe-pwede b-b-bang m-m-manligaw?", napatingin naman ako sa kanya at nakatitig sya ng diretso sa mga mata ko. At sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Aaminin kong crush ko pa din si Carlo mula noon hanggang ngayon. Ang hirap kayang kalimutan ng first love. Pero sa ngayon, sa ilang buwan at araw na lumalabas kami ni Carlo, unti-unti na akong nahulog sa kanya. Sino ba namang di mahuhulog sa lalaking sobrang gwapo at sobrang maeffort diba? Tanga nalang siguro ang hindi mahuhulog sa kanya.
Dahil sa pareho kami nang nararamdaman ni Carlo, pumayag akong magpaligaw sa kanya. Umabot ng anim na buwan ang panliligaw ni Carlo sa akin. Sa loob ng anim na buwan, walang nagbago sa akin, kung pano nya ako nakilala noon, ganun pa din ako hanggang ngayon. Kahit magbihis lalaki pa ako, okay lang sa kanya at tanggap nya yung katangian ko na yun.
Sa katunayan, dun daw sya nahulog sa akin dahil ang angas daw ng dating ko sa kanya. Sobrang tapang sa labas at may pagkasoft sa loob. Sinagot ko sya saktong ika-anim na buwan mula nung umamin sya sa akin.
At dito ko napatunayan, love is all about love. Para mas maging pure ang love, kailangan mong tanggapin ang lahat ng flaws at shortcomings ng taong mahal mo.
Kahit anong kasarian mo, may karapatan kang magmahal at mahalin.