Kasalukuyan akong nag lalakad sa madilim na eskenita dito sa Santa Cruz Compound. Hawak hawak ang aking cellphone bilang flashlight, kasi nga madilim diba?
Anong oras na ba? Kanina kasi bumili ako ng pagkain dyan lang sa malapit na grocery. Hindi ko namalayan ang oras. Parang siya, 'di nya namalayan na nahuhulog na pala siya sa iba.
Alas otso na pala. Kalahating oras na pala ako naglalakad. Pero sa awa ng Diyos malapit na ako sa bahay, mga pitong minuto pa. Konti nalang makakabalik na ako sa bahay, hindi kagaya nya. Hindi na bumalik kasi may iba na.
Masaya akong naglalakad nang biglang may narinig akong kaluskos. Yawa ayaw ko pang ma dedo dito. Sana hindi rapist. At lalong sana hindi tanod!
Nag tago ako sa ewan ko ba basta nag tago ako para hindi ako makita. Lintek na yan, tanod pa nga. Pa'no na ako nito? Paano ako makakabalik kung pinapalayo at pinagtataguan ako ng taong mahal ko.
Sa hindi malamang dahilan at sa sobrang cliché ng ganitong scene may naapakan akong balat ng candy at umalingaw ngaw ang ingay nito.
'Shit, wala akong face mask' bulong ko sa aking sarili.
Nag simula na akong tumakbo paalis sa lugar na 'yon at syempre hinabol ako ni papa tanod. infairness ah, may itsura si papa tanod.
"Tigil! Huminto ka!" Sigaw ni Papa Tanod. Dzuh ano ako tanga? Kapag tumigil ako edi kukunin mo 'kong hayuf ka.
"Waahhh papa tanod wag mo na ‘kong habulin malapit na bahay ko ditoooo!"
Fuck! Fuck! Fuck! Malapit na ako sa bahay yeheyy! Konti pa, Astrid.
TAKBO pa Astriddddd!
Eto na hayuf na yan.
'Screeeccckkk'
"O-ouch, awit mashaket ah." Nadapa pa akong potangina ka. Lintik na bato. Sarap pitpitin at ipakain kay papa tanod. Speaking of that fucking tanod.
"Asan na 'yon? Luh magic?"
"Anong magic?"
"WAAHH POKI NG INA MO. Bat ka ba ng gugulat Papa Tanod."
Aatakihin ako sa puso nito nyeta. Teka? Pota? Pakeo? Gago? Tarantado? Tangina? Damn? Fuck?
Waaaaahhhh
"H-hi Papa T-tanod? Hehehe."
"Bakit ka ba tumakbo kanina ha?!"
Napatakip ako ng tenga sa sigaw ni Papa Tanod. Lalaki ba 'to? Grabe maka kuda ah dinaig pa akong babae.
"Chill lang Papa Tanod. Masyado kang high blood. Puso mo baka mahulog sa maling tao."
"Sumama ka sakin."
Hala eto na gagi ayokong makulong! Ayokong mag karoon ng record sa presinto. Ayaw ko!
"Ah-eh Papa Tanod alam mo ba na iyon na ang bahay ko oh." Tinuro ko ang kulay yellow na bahay na may kulay black na red.
"Baka pwedeng palampasin mo na ako? 17 palang ako eh." Tumayo ako sa pag kakaupo sa kalsada. At dahan dahang lumakad papunta sa bahay namin.
Nakita ko namang sumunod si Papa Tanod. Bakit siya sumusunod? Isusumbong nya ba ako kay mama? Ayaw ko tangina naman oh.
Hinarap ko ang batang tanod na may itsura at tinawag kong papa tanod. Hindi naman talaga siya Papa eh, sadyang endearment lang HAHAHA.
"Papa Tanod, don't follow follow me ha, kahit gwapo ka hindi kita type ano. Kay Nite lang ako, peryud."
Para naman siyang tuod na hindi manlang gumalaw at hindi man lang nag salita. Luh? Kuya? Pipe ka na ba? Speechless sa kagandahan ko? Sabagay I'm so fucking pretty kaya. Mas maganda pa ako sa pinalit ng jowa ko. Ako jowable siya mukhang tubol.