Antoinette | Philip
Si Antoinette ay isang matalino na babae kaya sa maagang edad palang ay naka hanap na siya ng trabaho pagkatapos niyang mag-graduate ng kolehiyo.
Naging isa siyang receptionist sa Lansford Hotel at lugod siyang masaya sa kanyang ginagawang trabaho dahil alam niyang makakatulong na siya sa kanyang pamilya sa mga gastusing bahay.
Isang araw may dumating sa Lansford Hotel which is si Philip Lansford, ang kilalang artista sa bansa na kina babaliwan ng lahat dahil sa kanyang kagwapuhan.
Agad na lumapit si Philip kay Antoinette habang naka tingin si Antoinette sa kompyuter na may ginagawa.
"Hello Miss? Can I check in?" bungad ni Philip.
Tumingin naman agad si Antoinette kay Philip pagkatapos niyang marinig na nag tanong ito. Ngunit noong nakita ni Antoinette si Philip siya ay nagulat dahil hindi niya akalain na ang isang guest na kanyang kaharap ay ang pinaka gwapong nilalang sa balat ng Pilipinas.
"OHH!! EMM!!! ......" hindi na natuloy ni Antoinette ang kanyang sasabihin dahil agad na ilinagay ni Philip ang kanyang hintuturo sa labi ni Antoinette para hindi siya maka likha ng ingay.
"Shhhh. Kalma okay? Gusto ko mag check in ng matiwasay at di pinag kakaguluhan." sabi ni Philip at agad naman niyang tinanggal ang kanyang daliri sa labi ni Antoinette.
"Okay sir." nakikilig na sagot ni Antoinette.
Agad naman kumilos si Antoinette, at sa ilang minuto ay agad na niyang nai check-in si Philip. At agad naman niyang ibinigay ang susi sa magiging room ni Philip.
"Enjoy your stay sir." nakangiting sabi ni Antoinette habang iniaabot ang susi. Ngunit sa di inaasahan hindi binibitawan ni Antoinette ang susi at patuloy pa rin ang kanyang pag titig kay Philip.
"Miss? Hey!...... MISS!!" hindi nakapigil si Philip na sumigaw. At dahilan to para magising si Antoinette sa kanyang pag papantasya.
"Sorry sir. Hihihi ang gwapo niyo po kasi. Pwede po pa picture?" tanong ni Antoinette.
"Pwede pag aalis nalang ako? Kasi I need to do something. I hope you can understand." magalang na sagot ni Philip.
"Sure sir." ani Antoinette.
Paalis na si Philip at nakatalikod na siya sa receptionist table ngunit bigla itong napa turo sa kanyang harapan at bumaling kay Antoinette. Tinignan niya ito ng bahagya na parang bang may hinahanap siya sa kanyang mukha.
"You look familiar." ani Philip habang tinuturo si Antoinette.
"Me?"
"Yes, ano pangalan mo?" tanong ni Philip.
"Antoinette po sir. Antoinette Reyes." magalang na sagot ni Antoinette at pinakita pa niya ang kanyang nameplate na naka sabit sa kanyang dibdib.
"Sh*t! I knew it! Ikaw nga!"
BINABASA MO ANG
Love Me Like I Do
RomanceIto ay isang entry sa pantimpalak ng #RomancePH para sa #SummerofHope "Love Me Like I Do" A Trilogy One Shot Story by Soil Vachitawin Ating tunghayan ang nag-iinit na pag-ibig ngayong Summer nina: Antoinette | Philip Nadia | Chase Fritz | Loyd | 051...