Chapter 9 : Unanswered

18 0 0
                                    

Cleo

Nandito ako ngayon sa likod ng park ng school para mag isip isip narin. Napaka daming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Mga tanong na hindi ko masagot sagot. Why do I have this guilt feeling ? Na tinakiluran ko yung mga kaibigan ko eh samantalang nagpapayo lang naman sila ? It still hurt. Lalo na yung mga tagos sa puso nilang mga payo. I love them very much pero di ko pa sila kayang harapin. Lalo na ngayon na nag uunahang pumatak ang mga luha ko. Siguro pulang pula na yung mga mata at ilong ko. Ganun kasi ako pag umiiyak. Haaaaay kailangan ko talaga ilabas lahat ng toh. Mauubos din naman toh diba ? :|

Kaso antagal. Kanina ko pa toh inaantay eh.

Pero maya maya lang may lumapit saking isang lalaki naningkit ang mga mata ko malabo kasi ang paningin ko ngayon pero kahit anung titig ang gawin ko , di ko talaga sya kilala.

"Panyo oh. Wag ka ng tumanggi."sabi nung lalaki sabay abot sa akin ng panyong dala dala nya.

"Sino ka ba ?"

"Punasan mo muna yang luha mo bago kita sagutin."

Kaya naman agad agad kong pinunasan ang mga luha ko. Sino kaya toh ? Bagong mukha nanaman eh.

"Oh ayan ! Napunasan ko na. Sino ka ba talaga ?"

"Nick :)" sabi nya sabay lahad ng mga kamay nya.

"Cleo.thanks sa panyo. Ahm , pano ka nga pala napunta dito ? Di naman toh tambayan ah.At saka bago ka dito ? Ngayon lang kasi kita nakita eh."

"Grabe ka naman magtanong ! Sunud-sunod XD"

"Sagutin mo na lang -.-"

"Ok.ok. hahaha ! Kaya ako nandito ay tambayan ko toh.ikaw nga tumatambay ka dito eh hahaha !. Matagal na ko dito sa school. Engineering building ako. Ano bang course mo ?"

"Ah kaya pala ! Architecture ang tinetake ko eh. Hahaha ! Kaya pala di ka pamilyar masyado sa paningin ko XD

"Ahm btw , pwedeng umupo ?"

"Oo naman. Damo lang naman ang upuan dito noh. Saka di naman toh akin."

"Ah. Hahaha. Bat ka nga pala umiiyak kanina ? Heartbroken ?"

"Yeah. Maybe. Next topic XD hahaha."

" Ah. I see. So , can we be friends ? " sabi ni Nick ng may ngiti. Gwapo rin sya. Moreno na matangkad. Balingkinitan. Magaganda ang pilik mata . Pero di ko sya type. Taken na kasi ako eh. :(

"Oh sure . :)" sagot ko nalang at ginantihan sya ng ngiti.

"Ahm , nga pala ! May kailangan pa kong iresearch sa library. Mauna na ko sayo ha ? So just see you around maybe ?" Sabi nya sa akin.

"Ah sige ! Ingat :) see you around :)"

"Stop being a drama actress na ha ! Ge bye." Pahabol pa ni Nick. Hahaha. Ang cool nya. Ang bait nya. Nice. Feeling ko magiging close kami. :)))

"Baliw." XD at tuluyan na syang nawala.

At eto ako ngayon. Di malaman ang gagawin kung san pupunta. Kung babalik na ko sa mga kaibigan ko dahil sa totoo lang , nahihiya pa talaga akong humarap sa kanila.

Ilang minuto rin akong nag isip isip. Hanggang sa mapagpasyahan kong , pumasok na muna sa subject ko . Nakalimutan kong kailangan ko pa palang mag aral para tumaas ang grades ko -.- haaaay. Masyado lang yata talaga akong lulong sa pagiging one secret admirer ni baby Chad ko :(.

So ngayon , aral aral na muna ! :)

Natapos ang mga class ko na walang ibang gumugulo sa isip ko. At ngayon nga , eto na silang lahat bumabalik lahat sa akin. Ngayon , kailangan ko na ng desisyon.

The One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon