Cleo
Ang saya! Hanggang ngayon, nasa loob na ko ng classroom eh. Yun pa rin ang nasa isip ko. Panong nangyari yun? Nananaginip ba ko? Sana naman hindi kasi kung panaginip toh? Ayoko ng magisingggggg. Ok lang na bangungutin ako XD Hahaha.
Pumasok na ang prof namin kaya kanya kanya kaming ayos ng upo. Kase naman napaka terror netong prof namin na to eh. Sabagay, mas nagiging disiplinado nga naman ang estudyante dahil sa mga gurong katulad nya.
Natapos ang lahat ng mga class ko at dumating na ang break time. Haaaay. Salamat. Nakakainis yung isang prof namin sa English -.- reporting nanaman ang gusto. Araw araw nalang. Wala na talaga syang balak magturo sa amin. Nakaka inisssss.
Sa sobrang pag iisip ko, di ko namalayan na lumagpas na pala ako ng canteen at papunta na ko sa may cr. Kaya naman medyo napatigil ako. .natawa nalang ako sa sarili ko at saka naglakad pabaliik.
Habang papunta ako sa canteen ay nakita ko si Sam na naglalakad ng nakatungo. Isa pa ito eh. Gaya gaya eh. Mukhang lumagpas na din kaya tinawag ko sya.
"Sam boyy !" tawag ko sa kanya pero di man lang sya natinag na ikinagulat ko. Sa sobrang lakas ng boses ko eh. Di nya talaga ako narinig. Anong nangyayari dito?
Sinundan ko sya at nilapitan saka ko hinawakan sa balikat.medyo nagulat pa sya sa ginawa ko pero agad din syang nakabawi.
"kanina ka pa tulala ah. Lalim ng iniisip. San ka ba papunta? Tinatawag kita nang iisnob ka naman." sabi ko sa kanya na tila nagtatampo
"ay pasensya ka na ah. Hahaha. Nawala lang ako sa sarili. May iniisip lang kasi ako eh. O sya tara canteen na tayoo :)"
At kahit nakangiti pa sya, halata mong may gumugulo sa kanya. Ano kayang nangyayari dito sa lalaking toh at nagkakaganyan sya. Grabe. Di ako sanaaaayyy nakakailang.
Kaya ayun nakarating na kami sa canteen at agad na umorder. Maya maya pa ay dumating na sila James at Neya.at umorder na rin sila kaya sabay sabay na kaming kumain. Pero si Sam, halatang walang gana. Bakit kaya nag kakaganito ito. Sobrang curious na curious na talaga ako kaya nagsalita ako.
"Alam mo Sam, kung may problema ka, pwede mo namang i-share sa amin yan eh. Di naman kami close minded para jan eh. Open it up. Para gumaan yang pakiramdam mo." di ko na kinayang manahimik kaya ayan na sabi ko na. Agad naman silang tatlong tumingin sa akin tapos sabay lipat ng tingin naman yung si Neya at James Kay Sam.
"Ha-a? Wala. Wala. Sige kain lang kayo. Wag mo na kong intindihin. Hihihi ^_^ "
Hmmmm. Di ako naniniwala.
"ok you can open it up anytime." tapos kumain na ko.
Tahimik lang kaming kumain saka naman agad na nagpaalam si Sam. Woah. Iniiwasan nya yata kami eh.
Nakaalis na si Sam. Ano kayang problema nun? Lalong nadagdagan pagiging wierdo nya. Tapos maya maya pa ay naalala ko nanaman si Chaaaaaaaddddd! Tapos napahampas pa ko sa table namin. Nagulat naman tong dalawa kong kasama at agad na napaface palm.
"Guyyyysssss!!!! I have a chikaness for youuu palaaa kyaaaaaa!!! Hihihi (*'▽'*)♪"
"at ano na naman yan haaaaa? " tanong ng excite na excite na si James.
"wag ka ngang cliff hanger jan! Dali ano ba yan? " tanong naman ni Neya. Grabe di talaga makapag intay.
"Alam nyo ba na nag usap na kami ng baby ko? Hihihi. My god. Siya pa ang lumapit sa akin nun ! Tapos sabay pa kaming kumain!!!!!! " kwento ko pa sa dalawa. Yung kiliggg ko ? Ayun gusto ng kumawala ang kaso, maraming tao eh. Kakahiya. Hahaha.
BINABASA MO ANG
The One Sided Love
RandomAko si Cleo Rizze Gonzales. isang simpleng babae. walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng plan. plan para mapansin nya ko. Tulungan nyo na man ako ! Tulungan nyo naman ako na mapansin ako ni baby ko na mahal na mahal ko ay mali ! Si mr. ultimate cru...