True story 11 : Record

26 2 0
                                        

Hi guys? Katatakutan readers
Tagal ko ring di nakapag update. So heto na enjoy reading.
Likas na sating mga Pilipino ang pagiging mahilig sa musika, mapa OPM man o banyaga. Minsan nirerecord pa natin ang sarili nating boses para marinig natin kung gano tayo kagaling. Pero minsan may mga elemento na nais ring sumama sa pag aaliw ng ating sarili.
Around 2005-2006 , since bata pa ako nun at wala pa akong hilig sa musika ang mga kapatid Kong babae ang lulong sa rerecord ng sarili nilang kanta. Usong uso pa noon ang recording sa cellphone kahit de-key-pad lang.
Habang ako ay nagdradrawing sa aming sala at ang kapatid ko namang babae ay nasa kanilang kwarto para mag record ng kanta. Nariring ko pa noon ang kanilang mga himig kasabay ang pagtugtog ng gitara. Hindi ko na lang sila pinasin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Mayamaya. Biglang tumigil at tumahimik sa loob ng kwarto. Pinapakinggan pala nila ang boses nila Pero laking Nagulat nila dahil may sumamang ibang boses na halos parang malapit lang din ito sa kanila, para bang may binubulong na akong ano sa habang kumakanta sila. Hindi nila maiintindihan. Kaya bigla silang natakot. Noong mga panahon na yun wala kaming ibang kasama dahil umalis sila nanay at tatay nun. Pag uwi nila. Ilang ulit naming pinakinggan at malinaw na malinaw na hindi samin ang boses sa cellphone, sa tingin ko lalaki ang sumasabay sa kanila na tanging sinasambit "wiri-wiri. "Pilit naming binubura Pero bumabalik pa rin sa dati.Hanggang sa biglang namatay yung cellphone at di na buhay pa.
     Akala ko mga kapatid ko lang ang makakaranas at makakaring ng kakapanindig balahibong boses. Pero kahit ako narinig ko rin sa mismo naming radio. Hindi sya katulad ng inimik nung narinig ng mga kapatid ko kundi isang boses ng parang isang kabayo na nagsasalita na di naman ko maintindihan. Naalala ko nun sa sobrang takot ko ikinuwento ko saking tatay at in I record naman nya sa cellphone para iparinig naman sa mga kapatid lo ang kwento ko. Kahit bata pa ako at hindi masyado kong naalala hanggang ngayon pag pinag uusapan namin ang bagay na yun matindi pa rin ang takot na nararamdaman namin.
Hindi ko rin alam kung related ba sya sa baleteng nasa harapan naming bahay katapat ng bintana ng kwarto na kung saan nagrecord ang mga kapatid ko..

Ps.May nais ba kayong ibahaging kwento mula sa sarili nyong karanasan?send your story and I will post it para mabasa rin ng ibang katatakutan readers. Sana patuloy pa rin kayong sumuporta sa aming page. Thank you.

KATATAKUTAN STORIES COMPILATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon