New Driver

1 1 0
                                    

"Doc anong pong nangyari kay inay bakit bigla bigla nalang po siyang nahihimatay?"

"Iho may anime ang iyong ina ang  Anemia is a fatigue-inducing condition that can be caused by many things, including low levels of iron or the vitamin B12  pasalamat nalang tayo at nadala agad siya sa ospital dahil kung hindi ay mauuwi ito sa cancer. Sige iho mauna na ako madami pa akong pasyente."

"Inay diba kabilin bilinan ko na lagi mong ingatan sarili mo." pinagalitan ko nanaman ang aking ina dahil kahit anong sabihin mo dito,desisyon niya parin masusunod ang totoo niyan hindi ko naman talaga tunay na ina si nay maria sadyang ina na ang turing ko dito noong namatay ang aking mga magulang at si nay maria ang aming kasambahay na siyang nagpalaki saakin kaya labis na lamang ang pag alala ko dito dahil siya nalang ang mayroon ako kaya ayaw kung mawala pa siya sa buhay ko at isa pa wala na ding pamilya si nay maria dahil noong dalaga daw ito namatay ang buong pamilya niya dahil sa bagyo at siya lamang ang nakaligtas at dahil sa pangyayaring iyon natatakot na itong magkapamilya kaya naging matandang dalaga siya at ako lang ang mayroon siya at siya lang din ang mayroon ako.

"Pre pasensya kana ah kailangan ko lang talaga ng extra income alam mo naman sa jeep barya barya lang ang kinikita may kakilala ka ba diyan na pwede ko mapasokan?" kanina pa ako naghahanap ng pwedeng mapapasukan dahil nga kailangan kung makabili ng nga gamot para kay nay maria ang mamahal pa naman yung na yun at dapat hindi kulang ang mapainom sakanya. Kung kayat nandito ako naghahanap ng trabaho.

Tulong! Tulong! Tulong!

Dali dali kung hinabol ang isang lalaking kumuha ng wallet ng matanda at dahil sa mabilis akong tumakbo ayon nahuli ko at bigla naman nakawala ang lalaki pero nasaakin na ang wallet ng matanda kaya dali dali akong lumapit doon at sinauli ang wallet nito.

"Maraming salamat sayo iho isa kang napakabuting tao. Diba naghahanap ka ng trabaho?. Kahit bakas na bakas saakin ang pagtataka hinayaan ko nalang at kinausap din ito. "wala ano man po, pero mawalang galang na po paano niyo po nalaman?" nahihiyang saad ko pa.

"Narinig ko lang kanina iho habang kausap mo yung lalaki kanina."

"Ah ganun po ba, opo kailangan ko po talaga para mabili ko na ang mga gamot ng aking ina." pagpaaliwanag ko pa.

"Ah kung gayon sige pasok kana hito ang aking calling card at ito pasasalamat ko na din sayo tanggapin mo to para sa gamot ng iyong ina." 

"Sobra sobra naman na pong  tulong ito sir may trabaho na may pera pa,pero hindi ko na po ito tatanggihan dahil kailangan ko po talaga ito,maraming salamat po."

"Walang ano man ako dapat ang magpasalamat dahil tinulongan mo akong makuha ang wallet na ito." sabay pakita niya saakin at nagtaka naman ako kaya tinanong ko siya. "Sir ano po ba meron diyan sa wallet na yan."

"puro mga picture at mga bagay na nagpapaalala saaking asawa kahit siya ay namayaong na hindi hindi ko parin ito makakalimutan,kaya kahit saan ako mag punta dala dala ko pa ito."

"Ah ganun po ba,patawad po kung nagtanong pa ako,Sir mauna na po ako kailangan ko na po makabili ng gamot para makainom na ang aking ina."

"Sige iho at aalis na din ako baka naghihintay na ang aking anak."

"Sige sir ingat po kayo at salamat po talaga dito at sa trabaho."

"Walang ano man sige iho,kita nalang tayo bukas."

"Sige po sir. Paalam."

At dali dali na akong umalis para bumili sa butika ng mga gamot na kailangan ng akin ina.

Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa trabahong ipinag kaloob saakin ng taong iniligtas ko kahapon nakalimutan ko man lang magpakilala dito kaya umaga palang nagluto na ako at binilinan si nay maria na kumain at uminom ito sa tamang oras at heto ako ngayon nasa harapan ng kompanya ni bossing grabe ang yaman pala niya at habang naglalakad ako papasok sa loob may nasangga akong babaing naka formal dress at ang ganda niya pero parang kilala ko ito siya yung...

Babaeng feeling maganda hayyy....

"Ikaw nanaman!" bulaslas nito pero hinayaan ko lamang siya ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung maarti at higit sa lahat feeling maganda.

"Oh ms. Feeling maganda ikaw pala, ang liit nga naman ng mundo e no?" pang iinis ko sakanya at di nga ako nagkamali ayun pulang pula na ang kanyang mukha at halatang pikon na pikon na.

"Hoy kuyang pinaglihi sa kayabangan, huwag ka nga anong small world duhh nandito---- hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang dumating si bossing.

"Oh iho nandito kana pala hali ka saaking opisina." at sumunod nalang ako dito at hinayaan si Ms. Feeling maganda.

"WHAT DAD!? REALLY? Oh come on, akala  ko ba okay na sa inyo na wala akong driver tapos ngayon hindi na ako pwede mag drive? Dad naman" nandito kami ngayon sa office ng aking ama at akalain mo yun si kuya pogi este kuya mayabang ang magiging driver ko daw at pata lang naman daw ito sa safety ko really? Ano akala nitong ama ko na papabayaan ang sarili ko. Kainis.

"Iha para tanggapin mo na ang kaisang kahilingan ko alam mo naman ikaw nalang ang mayroon ako at ayaw ko na may mangyaring masama sayo." pagpapaliwanag ng aking ama at dahil sa masunurin akong anak sinunod ko nalang dahil kung ako masusunod duh ayaw ko makasama ang bwesit na mayabang na ito.

"Okay fine dad."

"Maraming salamat anak,o siya sige ay iho nakalimutan ko pala tanungin ang pangalan mo"  saad ng aking ama seriously dad tumatanggap ka ng taong hindi mo pa kilala kagigil naman.

"Alexander Villazuel o you can call me Alex po sir." pagpapakilala nito well bagay sakanya pangalan niya nakakadagdag pogi points charott.

"Ah alex kaano ano mo sila Mr. And Mrs. Tony Villazuel?" kaya naman pala familiar saakin ang villazuel dahil sila lang naman ang kasosyo dati ni daddy at may plano pa akong ipakasal sa anak nila pero salamat dahil namatay na ang mga iyon kaya pwede na ako magpakasal kay HUBBY KO.

"Mga magulang ko po." magalang na sagot pa nito. At doon lang nag sink in saakin na si Kuya pogi este si kuya mayabang ang lalaking dapat ipapakasal saakin noon. duh heck.

"Mga magulang mo sila iho o napakaliit ng mundo." magiliw na saad ng aking ama.

"Pero--- ring ring 

Hello.. Oh.. Sige sige.. Ngayon na?... Sige sige...bye..

"anak ikaw na bahala kay alex, alex ikaw na bahala sa future wife mo este sa anak ko sige alis na ako." nagmamadaling saad ng aking ama at ito kaming dalawa di parin maka get over dahil sa huling sinabi ng aking ama.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Hey guysss waaaaaa i love you all readers hart hart see you in the next chapter mwahhh..

In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon