REMEMBER ME, ALY (The Last)
“Ito apo, ang diary ng lola mo. Iyan ang simula ng pagbabawi ng kalungkutan”
Binuklat ko ang ordinaryong notebook at binasa ang unang pahina nito. Hindi kasi siya mukhang diary. Mukha lang talaga siyang simpleng notebook.
Dear Diary,
Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Natatakot ako. Tanging ang kwadernong ito lamang na nakita ko sa kwartong ito ang masasabihan ko ng aking saloobin. Dinukot ako ng isang lalaking hindi ko kilala. Gumawa na ako ng paraan para tumakas pero hindi ako makatakas. Hindi niya ako sinasaktan. Pinapakain niya ako at ibinibigay niya sa akin ang aking mga kinakailangan. Pero hindi dapat ako magtiwala. Alam kong may masama siyang balak sa akin.Dinukot si lola? Inilipat ko ang mga pahina at wala ng ibang nakalagay kundi itong nabasa ko.
“Hala Lolo, dinukot po si Lola?”
“Hindi apo”
“Eh ano po?”
Naluluhang ipinagpatuloy ni Lolo ang kwento.
***
Pagdating ng ikatlong anibersaryo namin ay may mga pagbabago akong napansin sa kanya. Una dinala ko siya sa disco-han kung saan ko siya niligawan kasi gusto ko lang na magbalik sa nakaraan. Tinanong ko siya at sabi niya ay hindi niya alam, hindi niya maalala. Pangalawa, hirap siyang makapag concentrate, pangatlo ‘yong pagkalito niya sa mga bagay bagay ay parang lumalala 'di gaya ng dati. Tapos ‘yong pagda-drawing niya, parang mistulan na nawalan siya ng kakayahan sa talento at hilig niya.
Ika-anim na anibersaryo na namin. Ngayon ko binabalak na mag propose sa kanya. Sigurado akong siya na. Para sa unang sorpresa, ay ang pinagawa kong bahay namin, ang magiging tirahan naming dalawa.
Mula sa kabilang kalye ay nakita ko na siya. Papunta ako sa gawi niya nang parang nawawalan siya ng balanse hanggang sa natumba siya.
Dali dali akong lumapit sa kanya. Wala siyang malay. Dinala ko siya sa hospital at ang sabi ng Doctor ay masyado lang daw napagod ang utak niya sa kakaiisip ng kung anu-anong bagay. Sinabihan ako ng doctor na kailangan naming bumalik sa susunod na linggo para sa mga pagsusuring gagawin. Maayos na raw ang lagay ni Aly at kailangan lang ng pahinga. Dinala ko siya sa isosorpresa kong bahay sa kanya para kahit papaano kung stress ‘man siya ay mahimasmasan siya.
Inihiga ko siya sa kama. Mukha siyang pagod na pagod at napakahimbing ng kanyang tulog. Lumabas muna ako sa kwarto para ipaghanda siya ng pagkain.
Mula rito sa kusina ay nagulat ako sa malakas na kalabog na sinundan pa ng mga malalakas na kalabog. Nagmumula iyon sa kwarto kung saan nagpapahinga si Aly at dali dali akong pumunta roon.
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nagwawala at umiiyak.
“P-pakiusap! nagmamakaawa ako sa’yo. pakawalan mo ako”
“Ano bang sinasabi mo mahal?”
“Hindi nga kita kilala tapos tatawagin mo akong mahal? Pakawalan mo ako!”
Nagulat ako sa inakto niyang iyon. Kakaiba na kasi at parang mamamatay na ako sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa mahal ko. Pinakonsulta ko siya sa doctor.
Nalaman ko na lang sa doctor na may dementia siya. Parang Alzheimer's. ‘Yong mga napapansin kong pagbabago niya ay isa na pala iyong mga sintomas.
Nanlumo ako. Dumating ang mga araw na nasasaktan ako sa tuwing nagmamakaawa siya sa akin na palayain siya. Madalas nagkakaroon siya ng panic attacks kaya naman sinisiguro kong hindi siya makakalabas. Mas ligtas siya kung mananatili siyang nandito sa loob. Kung nakalimutan niya ako, malamang nakalimutan niya na rin ang iba. Baka manganib lang siya kung nasa labas siya at hindi ko hahayaang mangyari iyon.
Araw-araw umaasa akong babalik ang mga alaala niya kasama ako.
“Hindi ko alam kung kilala kita pero kilala ka ng puso ko. Hindi nga lang matukoy ng utak ko kung sino ka ba talaga”
Nabuhayan ako sa sinabi niya. Medyo kumportable na siya sa akin hindi kagaya ng dati na takot na takot siya.
Bumuo kami ng panibagong alaala pero parang hindi matibay ang pundasyon ng alaalang binubuo namin. Nakakalimutan niya ako. But I know her heart still recognize me. Kaya ang bawat alaala na nililikha namin ay palagi na lang bago.
Hanggang sa kinabukasan, nadatnan ko siyang natutulog at may ngiti sa labi. Nakita ko ang isang pirasong papel na nakatiklop na nakalapag sa nightstand. Binuksaan ko ito.
I remember you now. It’s you my love, Dellen.
Niyakap ko siya. At napansin kong hindi siya gumagalaw. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pinakiramdaman ko ang pulso niya. Hindi na siya humihinga. Until her last breath she managed to remember me before she leaves me.
***
“L-lo ang sakit po ‘non” naiiyak na sabi ko.
“You can lose someone’s presence but not the memories. Para sa akin pala ang katagang iyan. Hindi lang alaala ang nawala, pati siya” nasasaktang sabi ni lolo.
Niyakap ko si lolo para damayan siya sa kalungkutan at sakit na nararamdaman niya.
-----
Mabilis kong natapos ang kwento. Ramdam ko ‘yong sakit habang ginagawa ko ‘yong kwento tungkol sa kanila. Pumayag si lolo na ibahagi ko ang kwento nila ni Lola Aly para kahit daw na mawala na siya sa mundo, mananatiling buhay ang mga alaala nilang dalawa.
Nakabalik na ako sa amin at ngayong araw ay mami-meet ko ang bago kong editor.
Kasalukuyan akong nasa coffee shop at hinihintay siya.
“Miss sorry for the long wait—oh it’s you. Nice”
Napabaling ako sa editor ko. Nanlaki ang aking mga mata. “ Ikaw?!” gulat na tanong ko.
“Yes and we meet again”
