Chapter 17 - Defensive

32 14 17
                                    

Dylan

"Gracie maiwan muna kita ha?" Tatayo na sana ko pero pinigilan ako ni Gracia.

"Huh? Asan ka naman pupunta?" takang tanong niya sa akin at piningkitan ng mata.

"Wala ka na dun."

"Ehhh. Alam ko na naman eh. Pupuntahan mo si Orange 'no? Masakit ba?" Sinusundot pa niya ako sa tagiliran ko.

"Pinagsasabi mo diyan." Hinampas ko naman kamay niya pero ngumisi lang siya. Baliw na ata 'to.

"Duhh. Alam mo Dylan, nahahalataan na kita eh. Gusto mo ba si Orange?" This time seryoso na si Gracie.

"Si Y-ysabelle? H-hindi n-no. Alam mo 'yong si Ysabelle, napakabrutal ng babaeng iyon pero maganda, ang cute. Kung hindi mo siya kilala, akalain mong napakasungit niya pero sa totoo lang ang bait niya talaga. Napakastraightforward niya pero gusto ko yun kasi hindi niya pinepeke ang sarili niya." Napangiti na lang ako sa sinasabi ko.

"Kung hindi mo siya kilala, akala mo napakabato ng puso pero napakasoft-hearted niyan. Minsan nakita ko nga siya noon na tinutulungan ang isang mag-ina. Napakaconcern niyan. Lahat ng mahal niya sa buhay, pinahahalagahan niya. Napakatapang niya rin, kasi akalain mo, kahit na may pinagdaanan siya sa buhay ay nanatili pa rin siyang matatag ---"

Naputol ako sa pagsasalita nang biglang tumawa si Gracia.

"Wahahaha. Hindi raw gusto pero wagas makacompliment. Sabihin mo na kasi sa akin, gusto mo ba siya?" pangungulit niya. Napabuntong-hininga na lang ako. I was caught na. No need to deny. Mas lalo lang akong aasarin nito.

"Oo gusto ko na siya. Masaya ka na?" pag-amin ko pa sa kanya at inirapan siya. Tsk. Para akong babae rito.

"Kyaahhh!!! OWEMGEE!!!" paulit-ulit na sigaw niya at hinahampas ako... Napatingin na ang mga estudyante dito sa gawi namin na parang rinding-rindi sa boses ng katabi ko. Tsk. Mababasag ata ear drums ko...

"Tumigil ka nga." Saway ko sa kanya at sinamaan ng tingin pero patuloy pa rin siya sa paghahampas sa akin pero ni lip sync niya lang ang sigaw niya.

"Does she knows about your feelings? Mutual ba? Do you confess to her na?" sunud-sunod niyang tanong.

"Hinay hinay lang. Mahina kalaban at oo alam na niya at nag confess na ako pero rejected. Happy?"

"Ayts, ang sad. Hahahah." Sad raw pero tumawa? Tsk.

"Bahala ka nga diyan." Tumayo na ako at iniwan siya doon. Pupuntahan ko lang si Orange baka anong mangyari sa kanila ni Ale. Aso't pusa pa naman iyon sila...

Nakita ko si Ale na dahan-dahang dinampian ang pasa ni Kahil. Naghintay muna ako ng ilang minuto at pinagmasdan sila. Tinignan ko si Kahil at nakita ko sa mga mata niya na sobrang mahal niya ang kaibigan ko. Si Ale naman kahit dinedeny niya ang feelings ni Kahil ay hindi maipagkaila na mahal niya rin si Kahil. Ano bang kaartehan ang pinapairal mo Ale? Ano bang rason mo?

Gusto kong umalis na lang dahil nasasaktan na ako pero parang may sariling pag-iisip ang paa ko at napako na ito sa kinatatayuan ko.

Wala na talaga akong pag-asa sa iyo, Kahil. Simula ngayon, pipigilan ko na ang feelings ko sa'yo hangga't hindi pa ito malalim kasi alam kong sa huli masasaktan rin ako.

"Sige. Hindi na masyadong namaga. Okay na ito. Sa susunod na saktan ulit ka niya. Karatehin mo na." Inilapag ni Ale ang bimpong may yelo sa lamesa.

"Hmmmph. Bad influence.", sabi naman ni Kahil sa kanya kaya napatawa si Ale. I can really feel happiness on Ale's laugh. I wish ako na lang ang nasa kinanatatayuan ni Ale.

I'm Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon