Panganay

4 0 0
                                    

Panganay,

Kailangan maging bread winner ka sa pamilya. Ikaw ang unang inaasahan ng mga magulang mo para makatulong sa kanila. Nasa kamay mo ang responsibilidad na paangatin ang estado ng buhay nyo.

Bilang isang panganay kailangan mong maging matatag. Dapat positibo lagi ang pananaw sa buhay. 'Wag mong ipakita sa mga nakakababata mong kapatid na mahina ka o sumusuko ka na.

Kailangan maging inspirasyon ka nila sa lahat ng bagay. Ikaw ang mangunguna sa lahat. Mga magagandang asal, lahat ng iyon ay dapat taglay mo. Pagiging mabait at masunurin.

Dahil panganay ka, kailangan mong magsakripisyo sa buhay. Kailangang mas manaig ang pamilya kaysa sa pansariling kagustuhan.

Isipin mong isang pagsubok lang ang lahat. Na sa paggising mo kinabukasan ay magagawa mo na ang gusto mo. Laban lang!

Photo by: Wataboku

A collection: Poems ft. Digital ArtsWhere stories live. Discover now