Prologue

79 54 15
                                    


CLARA


Nang magising ako ay agad akong napatingin sa orasan. The clock says, It's already 6:01 in the morning. Bahagya akong napangiti nang mapagtantong maaga na naman akong nagising.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad kong pinatuyo ang aking Copper Red Hair, gamit ang aking hair blower at isinuklay ito. I put also some base foundation on my face. After that, naglagay rin ako ng Nude Blush on, na babagay sa buhok at sa mata kong hazel brown ang kulay. I put some nude lisptick on my lips. Black Mascara and Eyeliner to make my eyes more attractive. Hindi ko na ginalaw ang aking kilay, kasi i'm more comfortable without putting eyebrows. May kakapalan na rin naman ang aking kilay.

Pagkatapos kong magmake up ay kinuha ko ang aking uniporme, upang suotin ito. White long sleeve na may black ribbon sa may bandang leegan, paired with a black skirt and Black shoes with 2 inch heels.

Pag-labas ko ng kwarto ay nakita ko ang pamilya kong masayang naghahanda ng aming kakainin.

"Magandang Umaga!" masaya na bati ko habang naglalakad pababa ng hagdan. Napalingon si Mama sa dereksyon ko kaya ngumiti ako sakanya, ngunit hindi niya ako pinansin.

Maya maya ay bigla na lamang sumulpot si Papa sa harapan ko, dala dala ang kanyang matatamis na ngiti. "Kain na tayo, Nak." Ngumiti rin ako bilang tugon.

Habang kumakain kami ay napansin ko ang pananahimik ni Mama, "Ma? May problema ba? Bakit ang tahimik mo," Tanong ni Kuya Luke.

"Wala. Kumain ka na lang,"

Nang matapos na kami sa pagkain, muli akong napatingin kay mama na hindi man lang nagsalita o kumibo ni isa sa amin.

Napag-isip isipan kong kausapin muna si mama bago umalis, tutal maaga pa naman, at 8:00 am ang oras ng pagpasok namin. Kinuha ko ang aking bag sa aking kwarto, at dali daling bumaba ng hagdan upang kausapin si mama.

Inilibot ko ang aking paningin, at nahagip ng mata ko na may kausap si Mama sa kusina habang naghuhugas ng plato. Si Papa. Para silang nag-aaway, kaya dahan-dahan akong lumapit papalapit sakanila.

Bahagyang Kumunot ang noo ni papa, "ni salita man lang ay hindi mo nagawa kanina. Mahirap ba 'yon, Marian?" galit niyang sabi kay mama, ngunit halatang iniiwasan niyang Maka-sigaw.

Napayuko si Mama, at kita ko ang pagyukom ng kanyang kamao, "Paano ako makakapagsalita, Ronald?! Hindi nga ako makangiti ng maayos, kapag naaalala ko na ilang years na tayong nakikipaglokohan kay Clara!" galit na sigaw ni mama.

Teka, hindi ko maintindihan. Nakikipaglokohan? Bakit?

"Sabi ko naman sayo, Marian. Maghintay lang tayo ng tamang tyempo, at sasabihin naman natin sakanya ang totooㅡ" napatigil si papa sa kanyang pagsasalita nang ibagsak ni mama ang plato na nakapatong sa taas ng lababo ng kusina.

"Kailan pa? Kailan pa natin sasabihin sakanya, Ron?! Kung kailan siya mismo ang makatuklas na ampon lang natin siya? Na anak siya ng mamamatay tao, na di katanggap tanggap ang kasalanan? Na anak siya ng isang pokpok?!ㅡ"

"ㅡC-clara, anak." bumalik ako sa aking katinuan, nang banggitin ni papa ang aking pangalan. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata, at unti unti rin akong nakaramdam ng panginginig sa loob ng aking katawan.

Totoo ba ang narinig ko? Anak ako ng mamamatay tao? Anak ako ng isang pok pok?

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha, at hinayaan na lamang na pumatak mula sa aking mga mata.

REINCARNATION HIGH (ON-GOING)Where stories live. Discover now