Chapter 11 : Gulat ka? Josh?

46 22 0
                                    

[A/N] :

Ang init na sa earth, keep hydrated guys, muah.



*****

Josh POV

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay biglang nawala si Amalia at nagulat ako dahil nasa baba na ako ng sahig. Ang huli ko lang na natatandaan ay tumalon siya at biglang lumiwanag ang paligid.

Umupo na ako at lumingon-lingon sa paligid habang kamot-kamot ang ulo ko. "Amalia? amalia?" paghahanap ko sa kanya pero walang sumasagot.

Saan kaya yun pumunta?

Tumayo na ako at hinanap siya sa banyo sa kwarto pero wala akong nakita. Bumalik na ako sa kama at nilapag ang gintong salamin. "Siguro umuwi na yun?" sabi ko.

"Anong umuwi? Hoy andito ako".

Biglang tumayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa narinig. Nung una hindi ko pinansin dahil baka nagmumuni-muni lang ako.

"Hoyyyyy Josh manyakis andito ako"

Narinig ko naman ang boses na iyon kaya nanlaki ang mga mata ko. Minumulto na ba ako? Lord please wag mo naman ako pabayaan.

"Wohhhhh, Jossssshuuuuuaaa naaaaassssaaan ka naaaaa" (Ghost Voice)

"Kung sino ka man hindi ako natatakot" sigaw ko. Kumuha ako ng isang bagay sa table at inilagay sa harapan ko kung sakaling may tao pwede ko itong ihampas sa ulo niya. Tumingin-tingin ako sa paligid kung may tao. "Lumabas kana!" nginig kong sabi.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tawa. "HAHAHAHAHA! GRABE GANYAN PALA MUKHA MO KAPAG TAKOT KA!" sinundan ko ang tinig na yun at nanggagaling iyon sa gintong salamin.

Dahan-dahan akong pumunta sa gintong salamin at nagulat ako sa nakita ko. "Amalia? Paano ka nakapunta jan?" tanong ko sa kanya na nasa loob ng salamin. Hindi ko na alam ang iisipin ko ngayon! Kung magsisisigaw ba ako dito at hihingi ng tulong o kukurutin ko ang sarili ko dahil baka panaginip lang ito. Anong nangyayari sa akin? Baliw na ba ako kaya nakakakita ako ng ganito? May drugs ba ang maming kinain namin kanina? Tama! Baka nilagyan ni Christine ng drugs.

"Hoyyy anong pinag-iisip mo jan?" Sabi niya. Shit. Naririnig ko pa rin. "Haysss kung iniisip mong nababaliw ka kagaya ng huling may nagmamay-ari ng salamin na ito. Pwes. You're wrong" dagdag niya.

Dahan-dahan kong sinundan ang boses. Nang Makita kung nasaan siya ay sinampal ko ang sarili ko nang malakas. AHH! Ang sakit. Ang sakit pala masampal? Bakit ko sinampal sarili ko jusko? Tinignan ko ulit pero andoon pa rin si Amalia sa loob ng salamin na nakapout at nakataas ang kilay. "Shit! Baliw na nga ako!" sabi ko.

Biglang may kumatok sa pintuan at napalingon ako. "Kuya Josh? Okay ka lang jan?" sabi ni alfred na nasa likod ng pintuan habang kinakatok niya pa rin ito. Nang unti-unti niya na itong buksan ay agad-agad kong tinakpan ang salamin.

"Teka anong gi-" naputol ang sasabihin ni amalia sa salamin dahil tuluyan ko ng tinakpan ito.

"O-okay ka lang? Kuya josh?" pag-alalang tanong ni alfred na ngayo'y nakatayo sa pintuang nakabukas.

Tumango ako sa kanya at ngumiti "uhm, okay lang ako, bakit mo pala nasabi?" pagtataas ko sa dalawa kong kilay na tanong sa kanya.

"Wala, narinig ko kasing sumigaw ka kanina" sabi niya at lumingon-lingon sa paligid. Tumutulo ang pawis ko ngayon dahil ayaw kong malaman niya na nasa salamin si Amalia. "Btw saan pala si ate Amalia?" tanong niya.

"Ahhh na...nasa....hmmm ahh nasa banyo" pagpapalusot ko at lalo kong naramdaman ang pawis na tumutulo sa ulo ko.

"Hmmm okay, bili lang ako ng dishwasher. Naubos na ee. Bye" pagpapaalam ni alfred bago niya sinarado ang pintuan. Phewww. Buti nalang hindi umatake ang curiousity ni alfred kundi makikita niya si amalia.

Humarap na ulit ako sa kama at sa pinagtakpan ko ng kumot. Tandaan mo ito! Josh! Kung makita mo man si amalia sa loob hindi ka baliw pero pag wala na roon, nagiimagination lang ako kanina. Okay, bubuksan ko na.

Nagbuntong hininga ako bago ko inalis ang kumot sa salamin. "Bulaga!" panggugulat sa akin ni Amalia dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Potaaaaa!" sigaw ko habang hawak hawak ang dibdib ko.

"Teka! Okay ka lang Josh" pag-alala ni Amalia.

"Oo. Ayos lang ako. Pero ang sakit".

***


"Kaya pala ganun ka nalang tumingin kay Christine kanina" sabi ko habang kausap ko si amalia sa salamin. Ikiniwento niya sa akin ang mga nangyari sa kanya noong past life niya at ang mga nagmamay-ari ng gintong salamin na sina Binibining Maria Clara, binatang Jose at ang huling taong nabaliw raw na si Eduard. Pero hindi na niya kiniwento yung tungkol sa lalaeng nabaliw dahil masyado raw complicated at ayaw na niyang alalahanin pa.

"Naniniwala talaga ako na si Christina si Christine, dahil hindi sa kamukhang-kamukha niya kundi dahil nararamdaman ko iyon" sabi niya. "Pero hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan?" tanong niya sa kanyang sarili.

"Hmmm okay!" tanging nasabi ko lang dahil wala naman akong pakialam sa kanya at may sarili naman akong problema.

"Grabe ka! Hindi mo manlang ako tutulungan!" pagsusungit ni Amalia sa akin. Abah! Ayaw ko nga!

"Wala naman akong mapapala kung tutulungan kita, kung problema mo, problema mo. Lalo na't kasalanan mo naman sa umpisa pa lang" sabi ko at inilapag ang gintong salamin sa kama.

Aalis na sana ako kaso tinigil ko nang marinig ko siyang magsalita "Tama ka! Una palang kasalanan ko na, Dapat dati palang humingi na ako ng tawad dahil kasalanan ko nga! Marami akong nasaktan na tao dahil sa ugali ko. Kaya deserve kong makulong habambuhay dito sa salamin. Pero hindi dahil marami akong pinag-uutangan ng loob ee masamang tao na talaga ako. Ginawa ko lang naman ang mga bagay na iyon dahil sinusubukan kong maging matapang dahil sa pagkawala ng aking ina. Pero sige, tanggap ko na. Ako na masama" malumanay niyang sabi sa akin.

Dahil sa mga narinig ko ay parang naiintindihan ko si amalia. Nagawa niya lang yun dahil sa pangungulila sa kanyang ina. Pero hindi dahil nangungulila siya ay dapat saktan niya na ang mga taong pumapaligid sa kanya. Tsssskk. Ano ba gagawin ko? Tutulungan ko ba siya? Nakokosensya ako sa kanya. Pero bagay lang talaga sa kanya ang makulong dahil masamang tao siya.

Parang ikaw.

Bigla ko namang narinig ang konsensya ko. Haysss. Tanggala. Hindi ito libre may bayad toh kapag tutulungan ko siya.

Lumingon ako sa salamin. "Oh siya sige, tutulungan na kita" sabi ko at nakita kong sumigla ang mukha ni amalia sa salamin. "Pero tandaan mo. Sa panahon namin ngayon walang libre" ngisi kong sabi sa kanya at tumango si amalia.

Inayos ko na ang sarili ko at ang kama dahil magulo ang pagkakaayos nito, ang mga unan naman ay nasa baba kaya dinampot ko ito at inilagay ulit sa kama. "Hmmn pero ang pina-" pinigilan ko at hindi ko na pinatapos si Amalia dahil ayoko ng makarinig ng mahihiwagang bagay ngayong gabi. Tama na sa akin ang mga narinig ko kanina.

"Matulog nalang tayo ngayon. At pag-usapan nalang natin ang kapalit ng pagtulong ko sa iyo bukas" sabi ko at humiga na sa kama.

Inilagay ko rin ang gintong salamin sa tabi ko dahil naaawa ako sa kanya balak ko pa naman ilagay siya sa drower para kapag lumabas siya, doon siya lalabas.

Pinatay ko na ang ilaw at ipinikit ang mga mata ko.

"Bangungutin ka sanang hayop ka".



*****



[A/N] :

Naantok na ako. Hahahaha meowwwww. Puro ako author's note wala naman akong sasabihin. Hahaha. Goodnight nalang! I love you readers kong sampu.

Salamat sa pagbabasa! Muah.

I'm Inside of the Mirror [Completed] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon