Chapter 12 : Tawagin niyo akong Mahal na Prinsepe

53 24 0
                                    

[A/N] :

Super busy na ngayong week kaya madalang na ako magsulat. After this May nalang ako ulit magsusulat kasi nagaudition ako sa Viva. Sana maging artista na ako. Support niyo po ako. Follow me on Tiktok @itscalibabe then like my recent Video. Iuupload ko po yun sa may 29. Huhuhu sana mapili ako.

Btw pinalitan ko Cast ni Josh. Nasa taas po siya. Hehehe

*****

Josh POV

Nagising nalang ako sa pagkakatulog dahil naramdaman kong may pumatong sa akin sa bandang ibaba na malapit sa tumitigas kong ano. Umaga kasi kaya siguro tumigas, joke. Dahil sa pagkagulat kung sino ang pumatong agad ko namang tinapon ang paa niya.

Ano bang meron kay amalia? Bakit lagi nalang ako nagugulat? Tsssk. Nakakainis, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Aray ko naman!" galit na sabi ni amalia habang hinahawakan ang kanyang paa habang nakaupo sa kama. Tumayo na ako sa pagkakahiga dahil ayokong makita niya ang tumatayo kung batuta. "Kailangan ko nang umalis" sabi ko bago tumayo't tumalikod sa kanya.

"Fine, matutulog pa ako" sagot niya at humiga ulit siya. Pumunta na ako sa banyo para maghilamos. Habang naghihilamos ako ng mukha ko ay bigla ko namang naisip yung mga nangyari kagabi. Tsskk. Hindi pa rin ako makapaniwala na may ganun dito sa totoong mundo akala ko kasi sa tv lang makikita ang mga iyon. Pero nabanggit niya rin kahapon na anak siya ng mayaman, perahan ko kaya siya?. Yes, nice idea.

Nang matapos na ako sa paghihilamos ay pumunta na ako sa kusina para magluto't kumain.

Ako ang tagaluto dito sa bahay dahil hindi naman marunong magluto si alfred, pasalamat siya may silbi siya sa trabaho ko kung hindi matagal ko na siyang pinaalis dito. Pero si Amalia? Wala namang silbi yun dito! Hindi naman bahay ampunan tong bahay ko para patirahin pa siya lalo nang matagal. Pero pinangako ko rin sa kanya na tutulungan ko siya, I don't break promises. You know? Hmmm ahh basta! hindi libre ang pagtira niya dito.

Kumuha na ako ng itlog at bacon sa refrigerator pagkatapos ay niluto ko ito. Habang nakasalang ang itlog at bacon sa apoy ay inihanda ko na rin ang malamig na juice at ang mainit kong kape.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang dalawa. Wow. Sabay pa talaga silang dumating. Palibhasa naamoy nila ang masarap kong luto.

Inilapag ko na ang mga niluto ko sa harapan nila. "Wow, parang ang sarap nito" ngiting sabi ni amalia at inamoy ang mainit kong itlog, I mean luto kong itlog.

Sumandal ako sa kitchen counter at ininom ang kape habang pinapanood silang kumain. Sa totoo lang, nagugutom na talaga ako pero kailangan kapag nasa harapan kayo ng isang babae dapat mukha kayong hot tignan except kay Christine dahil kababata ko siya at alam niya na ang mga baho ko sa buhay.

"Hmmm ang sarap" sa bi ko habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko. Abah! Wag niyo akong husgahan. Gutom na ako kailangan maging prioridad pa rin ng isang tao ang pagkain. "Btw pag-usapan na natin kung anong kapalit ang pagtira mo dito at pagtulong ko sa iyo" seryosong sabi ko kay amalia dahilan para tumigil siya sa pag kain. Bigla siyang napaisip dahil sa sinabi ko at kitang-kita ko naman din sa kanya na umiisip siya ng isasagot sa akin. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sinasabi. "Wala ka bang sasabihin?" tanong ko sa kanya.

"Ummmm......wala akong maisip. Libre mo nalang kaya sa akin ahhh" sabi niya at biglang lumiwanag ang mukha niya pagtingin ko. Waiiiit? Saglit? Nagpapaganda ba siya sa akin? Biglang nagslow motion ang lahat-lahat. At tanging siya lang ang nakikita ko.

Tinignan ko ang mga labi niya. Parang ang sarap halikan. Ummm ahhh. Shit. Mali ito! Umiwas ako ng tingin pero bumalik ulit ang tingin ko sa mga mata niya. Parang sumasamo sa akin at gusto akong akitin. At ako naman ay parang nanigas sa kinauupuan ko ngayon. Sobrang ganda niya ngayon kahit bagong gising. Biglang bumalik ako sa katinuan dahil sa mga pinangsasabi ko sa isipan ko. "Ahhhh....kailangan ko munang pumunta sa banyo. Dapat pagbalik ko may sasabihin ka na amalia" seryoso kong sabi sa kanya habang papikit-pikit bago umalis papuntang banyo.

I'm Inside of the Mirror [Completed] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon