IKALIMA
JONA'S POV
"Ma kailan ka po ba uuwi? Bakit kailan gabi tsaka kayo papapasukin?" Malungkot na tanong ko kay Mama. Pano ba naman kase, magtatrabaho pa s'ya sa baranggay upang makatulong daw eh nandon lang naman yung mga tanod na nagsisilakihan 'yung tyan!
"Hindi ko pa sigurado, Jona. Basta ang kailangan mong gawin ay ikandado mo lagi ang pintuan," nagmamadaling sagot n'ya.
"Pano po yun? Laging nakasarado 'yung pinto?"
"Oo kung ayun ang nararapat,"
Bigla n'ya akong binatukan dahilan ng pagkagulat ko. Kelangan ba talagang gawin 'yun?
"Jona, ayusin mo ah. Magingat ka," natatawang paalam n'ya.
"Ingat ka rin po. Salamat sa pagbatok," nakanguso sagot ko habang kumakamot pa sa ulo ko.
"Hoy may kuto ka ba?"
"Wala ma, kumati ulo ko dahil sa pagbatok mo kainis,"
"Aalis na nga ako."
Tumayo na ako para ihatid si mama at sumunod sa kanya sa pintuan. Muntik ko pang makalimutang suotin 'yung facemask ko. Mahirap na, ayaw ko magkaron ng covid, sayang yung beauty ko tse!
"Hatid na kita Ma," pagmamakaawa ko nang makarating kami sa kanto.
"Nako tumigil ka gabi na. Umuwi ka na sa bahay. Yung mga binilin ko sa iyo ha? Wag mong kakalimutan,"
"Ma, sama nalang kasi ako sa'yo hehe,"
"Manong para!" Senyas ni mama sa jeep. Sumakay na ito at kumaway sa 'kin kaya kinawayan ko nalang s'ya pabalik.
Umupo muna ako sa tricycle nila Kuya Bil at tumambay na muna ako saglit dahil nabuburyo na ako sa bahay! Nakakasawa na din magcellphone noh! Sumasakit na din mata ko. Pero dahil wala din naman akong pwedeng gawin dito, kinuha ko nalang yung phone sa bulsa ko.
Kakascroll ko palang saglit ay nakita kong nagchat sakin si Daisy.
Daisy:
Jona, pwede pumunta sa inyo?Jona:
Oo naman! Wala rin si Mama.Daisy:
Sige pupunta kami mamaya ni Shawn. Naboboring na rin kasi kamiJona:
Basta bilisan n'yo. Baka mahuli kayo ng tanod.Daisy:
Sus! Hindi 'yan! Wala nga akong nakikitang tanod na nagiikot eh! HAHAHAJona:
Oo na bilisan n'yo na!Pinatay ko na 'yung phone ko at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. Medyo madilim na rin at madami pang puno kaya binuksan ko na muna ang ilaw sa phone ko.
Sa isang taon na nakatira kami rito, ngayon ko lang nalaman na tatlo lang pala ang bahay dito sa'min! Yung kina Aling Beb's, sa'min, at 'yung kila Kuya Bil. Pero sa bandang kanto pa ang bahay nila Kuya Bil.
Nakaramdam ako ng takot nang humangin ng malakas at muntik pa akong hanginin dahil sa sobrang payat ko! Nagmadali na akong maglakad para mabawasan naman 'yung takot ko. Pero lintek! Namatay 'yung ilaw sa phone ko!
"T-tulong... Tu... Tulungan n'yo... a-ako..." boses ng kung sino.
Tumigil ako sa paglalakad at lumingon kung saan para makita kung sino ang humihingi ng tulong...
"Sino 'yan?" Pasigaw na tanong ko.
"T-tulong,"
"Sino ba kayo?"
BINABASA MO ANG
The Deathless Death
Misterio / Suspenso[C O M P L E T E D] "𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘭𝘱𝘩𝘢, 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘖𝘮𝘦𝘨𝘢." ~Nananahimik lang na gumagawa ng group reasearch ang tatlong Senior High Students na sina Jona, Daisy, at Shawn. Sa hindi malamang dahilan a...