Chapter 50: Fragile

1.5K 69 31
                                    

"Don't cry, Destiny Amari. You don't deserve all
of this."

"Xavi," tawag ko dito at hindi na naman napigilan ang mga luha ko. Mabilis na hinawakan ni Xavi ang kanang kamay ko at hinila palayo sa kwarto ni Zsamira. At dahil sa panghihina ko, hindi na ako umangal pa dito.

Hindi pa kami nakakalayo ng tuluyan sa silid ni Zsamira ay natigilan ako sa paglalakad. Napaawang ang labi ko noong maramdaman ko ang mainit na kamay na humawak sa kaliwang kamay ko. Mabilis akong bumaling dito at namataan ang galit na itsura ni Von.

"Bitawan mo siya," mariing sambit ni Von sa pinsan at bahagyang hinila ako papalapit sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit nang pagkakahawak ni Xavi sa kamay ko kaya naman ay napatingin ako dito. At katulad ni Von Sirius, galit ang nakikita ko sa mga mata nito.

"I told you already before, Von. Once na pabayaan mo si Destiny, ako mismo ang kukuha sa kanya mula sa'yo."

"Stop talking bullshit, Xavi, and let go of my fiancee," seryosong sambit ni Von at mas hinila ako papalapit sa kanya. Napatingin muli ako dito at noong may napansin ako sa likuran ni Von, natigilan ako.

"Von."

Mabilis na bumaling si Von sa likuran nito noong may tumawag sa kanya. Ito iyong lalaki sa loob ng kuwarto ni Zsamira. Siya ang nagsara ng pinto kanina!

"My sister is looking for you," anito at binalingan ako. "Come on. We need to calm her down para mabigyan na ito ng gamot."

"Tell her I'll be back in a minute. Kailangan ko lang makausap ang fiancee ko," ani Von at humigpit ang pagkakahawak sa akin.

"Pero..."

"Please, Stefan! Ito lang ang hinihingi ko sa'yo! Go to your sister and tell her I'll be back in a minute!" bulalas ni Von na siyang ikinatigil ko.

Napaawang ang labi ko noong makita ang galit sa mga mata nito. Mabilis kong binalingan si Xavi at ako na mismo ang humila sa kamay ko mula sa pagkakahawak nito.

"Destiny," ani Xavi kaya naman ay inilingan ko ito. Tipid akong ngumiti dito at hinarap muli si Von.

Marahan kong hinila ang kamay ni Von kaya naman ay nabaling ito sa akin. Nginitian ko ito at hinawakan ang mukha nito.

"Calm down," sambit ko marahang hinaplos ang mukha nito. "You're scaring me, love," naiiyak na sambit ko dito.

"Destiny..."

"Go and talk to Zsamira. Iyon naman ang pinunta natin dito, hindi ba?"

"But... you cried," marahang sambit ni Von at hinaplos na rin ang mukha ko. Wala na ang mapanganib na awra nito kanina. He's calm now.

"I'll be fine," ani ko at binalingan ko si Xavi. "Magpapahatid na lang muna ako kay Xavi."

"No," mabilis na sambit nito at masamang binalingan ang pinsan. "Not him, love. Ako ang maghahatid sa'yo pauwi."

"But you can't leave this place right now. Ako na ang bahala sa sarili ko. Kausapin mo na si Zsamira. Don't forget the reason why we're here, love."

Kita kong bumuntong-hininga si Von at muling binalingan ang pinsan nito. Oo, kumalma kanina si Von ngunit noong tiningnan niya itong muli, hindi nagbago ang ekspresyon nito. Hindi pa rin mawala ang masamang tingin nito sa pinsan niya kaya naman ay napangiwi ako dito.

"Don't touch her," anito kay Von at muling tiningnan ako. "I'll call you when I'm done here."

Tumango ako dito at tiningnan ang kapatid ni Zsamira na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa silid ng kapatid.

In A HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon