Kabanata 1

26 2 2
                                    

Maaga akong nagising mula sa masarap na pagkakatulog. Iyon na ata ang pinaka relaxing na tulog ko sa tanang buhay ko. Mabuti nalang ay walang lamok, hindi na siguro kinayang liparin ang taas ng kwarto. Bumangon ako sa kama hindi para gawin ang morning routine ko kundi para igala muli ang aking mata sa magandang tanawin na nasa aking harap.

Hindi sumagi man lamang sa isip ko na ganito pala kaganda ang lugar na pupuntahan ko, napilitan akong sumama kay lola dito dahil wala akong choice. Wala akong makakasama sa bahay namin sa maynila, si nanay Rosa ay hindi maaring mag-stay sa bahay namin dahil nag-karoon ng magandang trabaho ang kanyang anak, kaya siya ang magaalaga sa dalawang apo. Hindi ko na hinadlangan pa, I also push nanay her to be with them dahil alam kong masaya siya kapag kapiling ang mga ito. And that is the thing I can no longer have and experience. Every week nanay Rosa visits our house to clean. That's exactly what she wants, she says it's like her second home. Kung kaya ay hindi niya kayang pabayaan ito, lalo na habang nasa malayo ako. Though may iniwan kaming trusted security sa bahay para mag-bantay.

Natigil ako sa aking pagmumuni-muni dahil sa katok na nagmumula sa pintuan ng aking kwarto. It was my grandmother's helper. She opened the door when she heard my response.

"Ma'am Eleanor Kalila, pinapatawag po kayo ng lola nyo. Agahan na raw po." Banggit niya. Napatawa naman ako sa tawag niya sa akin.

"Okay po, susunod na po ako. Thankyou." Ngumiti siya at ang pagba-balak na ilapat ang pinto ay hindi natuloy nang magsalita ulit ako.

"Ah...ate Ising, tama po ba? Elka nalang po ang itawag niyo sa akin, masyado pong pormal kung may Ma'am at buong pangalan ko pa." Sambit ko sabay ngiti sa kanya, gumanti naman siya ng ngiti sabay tango.

Nang matapos ang aming agahan ay kinausap ako ni lola tungkol sa aking page-enroll ko rito sa Adriatico. Sinabi niya sa akin na hindi advanced katulad sa manila ang mga eskwelahan rito at sa isang agricultural school ako magaaral. Noong una ay hindi ako palagay sa eskwelahang iyon dahil wala akong alam sa agrikultura, ngunit nang makitang ganito kaganda ang lugar na ito'y nagustuhan ko na rin ang mag-aral rito, o kahit saan pa basta dito sa Adriatico. Wala pa akong isang linggo rito pero napamahal na ako, hindi ko na ata gugustuhing umalis pa.

"Apo sasamahan ka ni Rico sa eskwelahan mo. Kaya mag-madali ka at maya-maya'y narito na iyon." Pinaliwanag sa akin ni lola lahat ng aking gagawin, though I am not used to going to school for enrollment, ang enrollment namin sa dati kong school ay through online.

Nagpaalam akong magpapalit lamang ng formal na kasuotan para sa pagpunta sa school. Paglabas ko ay nakangiting mukha ni Lola ang nabungaran ko.

"La, sino po si Rico?" Tanong ko dahil hindi ko nga pala iyon kilala. Lumapit ito sa akin para igiya ako sa upuan sa salas. Hinaplos niya ang mukha ko at sinuklay-suklay ang aking buhok.

"Siya ay binatang kapatid ni Ising, paminsan ay narito iyon para tumulong sa gawaing bahay ngunit ngayon ay hindi muna dahil nais ko sana ay mag-enjoy siya sa sembreak nila. Pero pinakiusapan ko siyang baka maaring samahan ka niya sa pageenroll mo dahil sa iisang eskwelahan din naman kayo."

Tahimik akong nakikinig sa sinasabi ni lola nang narinig kong may dumating na sasakyan. Tumayo ito para puntahan ang dumating, tumayo na rin ako, kinuha ang gamit na aking kakailanganin. Hindi ko na hinintay na tawagin ako, kusa na akong bumaba kung nasaan sila. Pinakilala sa akin ni lola at ate Ising si Rico. Ngumiti ako sa kanya at pormal na nagpakilala. Mukha naman siyang mabait, may magaan ding ngiti sa kanyang labi.

"Tara na?" Anyaya nito na pinaunlakan ko. I can't help but feel excited about going out, I'm pretty sure there are more beautiful places around.

Natapos ang enrollment na hindi naman ako nahirapan dahil hindi karamihan ang estudyante sa araw na ito. May nakasalamuha akong ibang palakaibigang estudyante, kinausap nila ako at nang malamang may parehas kaming kurso ay sinabay na nila ako. Habang si Rico naman ay nasa may isang gilid na maaring tambayan, sabi niya ay doon na lamang niya ako hihintayin. Nakita ko ring may nakasama siyang mukhang mga kakilala o kaibigan niya.

Heap Of Fiery Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon