Kabanata 3

9 0 0
                                    

Payapa at sariwang hangin ang bumabalot sa buo kong katawan habang narito ako at nakamasid sa nakabi-bighaning tanawin sa aking harapan. Hawak ang hamba ng kahoy na nagsisilbing harang upang hindi mahulog ang kung sino man mula rito sa bakuran ni lola patungo sa lupaing pagaari ng pamilyang Adtriaco, ito na ang dalampasigan.

Panay ang haplos ko sa hamba at iniisip na ito ay ang pinong buhangin ng dalampasigan, sabik na sabik akong mahawakan iyon, and also the sparkling seawater seems to pull me to swim. Kaya naman grabeng pagpipigil ang ginawa ko sa sarili para hindi bumaba roon, dahil baka pa makasuhan ako nang wala sa oras. Ngunit sa kasamaang palad ay nahulog ang aking pulseras, lintek naman!

Naiiyak kong pinagmamasdan kung paano ito bumagsak sa bungahinan. That bracelet is important to me, regalo pa iyon sa akin ng parents ko noong 18th birthday ko! Mabilis akong kumilos para alamin kung may possible bang daan para makapunta ako sa parteng iyon at hindi naman ako nabigo dahil sa may dulong bahagi ng bakuran ay may isang hagdang kahoy na kung titingnan mo'y mahuna na.

Bahala na. Isang hakbang ko pa lamang ay sumalakay na ang kaba sa dibdib ko. What if someone sees me here? Will they sue me for trespassing? Fuck this day! Ang malas naman.

Matiwasay naman akong nakababa at madaling tinakbo ang parteng pinag landingan ng pulseras ko, may saya sa aking puso nang sa wakas ay makakaakyat na ako ng hagdan pataas na walang nakakakita sa akin. Ngunit para akong pinag bagsakan nang langit at lupa dahil sa narinig mula sa aking likuran.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Miss?" Nanlalaki ang mata at butas ng ilong ko at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa narinig. Hindi ko malaman kung paano lilingunin ang taong nagsalita mula sa aking likuran.

Para akong tinakasan ng bait nang maramdaman ang paghawak ng dalawang tao sa magkabila kong balikat. Fuck it! Bakit sa lahat ng pagkakataon ngayon pa ako kinapitan ng matinding malas?!

Lulunok-lunok akong tumingin sa dalawang lalaking nakahawak sa akin, sa uri ng tingin nila ay mukhang mahihirapan akong mapakiusapan at nananakit na ang braso ko sa hawak nila. What the hell? These two mama are holding as if I am a fucking thief! Eh kinuha ko lang naman ang bracelet ko!

"Alam mo bang sa ginagawa mo'y mapapahamak ka, iha?" Malumanay na boses ang aking narinig mula sa aking harap. Pagilid akong sumulyap sa nagsalita.

Hindi ko napansing kanina pa pala ako nakatungo, sa pagtunghay ko ay may isa pa pala silang kasama, isang babaeng may katandaan na maamong nakatingin sa akin. Nagmamakaawa akong tumingin rito ngunit walang lakas niya akong inilingan. Isang buntong hininga na lamang ang aking pinakawalan at pinilit ang sariling magsalita.

"P-pasensya na po p-pero wala po akong balak na masama, I am just in need to get my bracelet na nahulog po mula roon sa itaas." Tinuro ko pa ang bakuran ni lola at pinakita ang pulseras na sinundan naman nila ng tingin.

"Kailangan mong sumama sa amin, kung gayong wala ka namang ginawang masama ay maiintindihan ka naman ng amo namin basta magpaliwanag ka ng maayos sa kanila." Pahayag ng isang lalaki sa akin. Oh my God! Maayos naman ang sinabi niya, but why do his words make me feel that I am a criminal? I. AM. NOT!

Tutal ay wala naman na akong takas ngayon, bukal sa loob akong sumama sa mga ito. Magpapaliwanag na lamang ako ng maayos, madali lang ito. Malakas ang loob na pagaalo ko sa sarili.

Ang buhangin ng dalampasigan ay nagtapos at isang malaking hardin naman ang bumungad sa aking harapan na may nag-gagandahan pang bulaklak at pananim. Mangha kong nililibot ang aking mata sa tanawing sumalubong sa akin, pero mas lalo akong namangha sa isang bahay na nasa aming harap, mali ako, this is not just a house, it is a frigging mansion. Malaki ang bahay namin sa manila pero tiyak na mas malaki ito.

My eyes are twinkling as it marveled at every detail of the mansion in front of me. Its cream color shines through the rays of the sunset, which adds elegance to its appearance. A breathtaking view!

Ilang hakbang pa upang makarating sa patio ng mansion ay napangiti ako dahil unti-unti kong naramdaman ang patak ng ulan. Hindi ko dapat maramdaman ito lalo na sa sitwasyon ko ngayon pero nagagalak ako. Huli ko nang napansin na wala na sa aking tabi ang tatlong nakahuli sa akin kanina.

Isang lalaki ang nakatayo sa isang bahagi ng patio, sa tindig at suot pa lamang nito'y nagsusumigaw na ng karangyaan. Sa kanyang pagharap ay nanindig ang balahibo ko, kusang napaatras ang mga paa ko. Ang sayang nadarama ay nalusaw bigla at napalitan ng kaba, ang paraan nang pagtingin nito ay nakakapaso na parang gusto ko na lamang tumakbo ngunit hindi ko magawa, para akong napako sa kinatatayuan ko. 

"What do you think you're doing? It's raining." Kung ang tingin niya ay nakakapaso, ang boses naman niya ay nakakakilabot.

Napakurap-kurap ako, hindi alam ang gagawin. Ilang minuto kaming nagtitigan, hindi ko rin mahagilap ang boses ko, pero pilit kong ginagagap.

"S-sorry. Please l-let me go. I didn't mean to trespass, I...ah...I just h-had to get m-my bracelet. I'm sorry. Please." Nanginginig ang labi at buong katawan ko habang nagsasalita. Magkadaop pa ang aking mga palad, ramdam ko ang paglandas ng aking luha. Shit!

Nanatili akong nakatungo, ano bang gagawin ko? Nanginginig na ako hindi sa lamig buhat ng ulan kundi sa takot na labis kong nararamdaman. Patuloy rin ang paglandas ng aking luha. Sa huli ay pinilipit kong sulyapan ang taong nasa harap ko, nakatitig ito sa akin gamit ang kanyang mabagsik na mata.

"Leave." Malamig nitong banggit, iyon lamang ang hinihintay ko. Hindi ko na magawang sumulyap dito at magpasalamat bagkus ay nagkukumahog akong tumakbo.

Nagmistula akong ignorante sa lagay na iyon, hindi mahanap ng paningin ang lintek na gate ng mansiyon. Nasaan na ba iyon? Palinga-linga ang paningin ko, pinagdaop na rin ang mga kamay nagdarasal na sana ay magpakita na ito. Sa huli ay laking pasasalamat at nagpasalamat nang mahagip ang isang magarbo, malaki at mukhang matibay na tarangkahan.

Pagkarating sa bahay ay naabutan ko sa may pintuan ang nagaalalang mukha ni lola at ate Ising. Agad nila akong dinaluhan, si lola na nilagyan ako ng alcohol sa bunbunan at si ate Ising naman na binalot ang aking katawan ng isang makapal na tuwalya.

"Dios ko! Saan ka ba nanggaling na bata ka, ha? Nagalala kami ng lubos sa iyo!" Paimpit na tanong ni lola na nagbigay sa akin ng ginhawa. Akala ko ay alam nila ang nangyari, balak ko itong ilihim na lamang dahil ayoko na magalala pa sila.

"Ang huling kita ko sa'yo Elka ay nasa bakuran ka lamang. Kaya naman nagalala kami dahil wala ka roon at isang oras kang hindi makita." Litanya naman ni ate Ising.

Nahihiya at parang tanga akong ngumiti na lamang sa kanila at sinabing namasyal lamang ako sa labas. Sa huli naman ay hinayaan na nila ako at pinagpahinga sa silid.

Tulala ako habang inisiip ang mga nangyari kanina lamang. I was so scared, akala ko ay may gagawin na sila sa aking masama. Especially that guy, nagkabuhol-buhol ang nararamdaman ko nang magkaharap kami. Hindi na ako nagkaroon ng oras na pagmasdan ang mukha niya dahil naagaw na ng mata nito ang atensyon ko.

His mysterious brown eyes are captivatingly beautiful. It's as deep as an ocean, para kang nilalamon sa uri ng pagtingin nito. So cold.

-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heap Of Fiery Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon