20-MINI PARTY

3.6K 250 89
                                    

Declan's POV

Napakagago ni Yosh.

Natatawa pa rin ako habang naglalakad ako papunta sa bahay ni Stacey. Sino ba ang mag-iisip na babae ang makakapagpapatiklop sa gagong iyon? I've seen his files. He was one of the top agents from Circuit. He works well alone, he kills mercilessly. Ang grupo nila JD Carbonel sa Circuit Agency ang isa sa mga matitinik na grupo na talagang ibinabala sa mga sensitive at high profile cases. Magagaling ang mga iyon. Pero kapag pagdating na sa babae ang usapan, mga nagiging tanga na.

Gago, ikaw din naman. Babae lang ang nagpatumba sa iyo.

Napailing ako sa naisip na iyon. Iba naman ang kaso ko. Mahal ko si Kleng kaya nawala ako sa focus noon. Pero ngayon, I am getting there. I need to let go of my feelings for Kleng.

Nang makarating ako sa harap ng bahay ni Stacey ay dinukot ko ang telepono sa bulsa. Muli kong binasa ang text niya. Ini-invite niya ako para sa housewarming daw ng bahay niya. Sumilip ako dahil parang wala namang tao sa loob. Hindi nga bukas ang mga ilaw. Mukhang walang kasiyahang nagaganap sa loob.

Nag-door bell na rin ako. Maya-maya ay nakita konng lumalabas si Stacey at kuntodo ang ngiti sa akin. In fairness to her, maganda talaga siya. Bukod sa maganda, sexy din. Naka-shorts lang siya at baby tee. Lalong nagmukhang bata ang hitsura. Hindi nga halata na twenty-five years old na siya.

"Hi, Arthur! Akala ko hindi ka na darating." Nakangiti agad ito sa akin habang binubuksan ang gate.

Napakamot ako ng ulo. "Medyo may inayos lang ako sa bahay."

"Tara. Pasok ka. Nasaan si Jose?" Tumanaw pa siya sa bahay namin.

"May inaayos din kasi siya. Baka sumunod na lang," tuluyan na akong pumasok sa loob. Nakita kong maayos na ang loob ng bahay ni Stacey. Nakaayos na ang mga sofa, appliances. Nagmukhang bahay na talaga dahil maganda rin ang color combination ng mga kurtina na naroon. May ilang mga kahon na lang na nakatambak sa isang gilid. Baka mga ibang gamit pa na hindi pa nailalabas.

"I thought you're having a housewarming? Nasaan ang mga bisita mo?" Taka ko. May nakita akong pagkain na nakahain sa mesa. May ilang bote rin ng beers.

"Oo. Housewarming pero ikaw lang ang bisita ko. Ikaw at si Jose lang naman ang kakilala ko dito. Hindi ko naman ma-invite 'yung kapitbahay kong babae. Mukhang nangangain ng buhay." Natawa pa siya sa nasabi.

"Ganoon lang 'yung si Sesi pero mabait iyon. Medyo may trust issues lang talaga sa mga tao. Kahit kami ni Jose, hindi namin siya agad naging ka-close. Medyo aloof din sa amin." Luminga-linga ako sa paligid ng bahay niya. "Your place is nice. Ang ganda ng pagkakaayos mo."

"Thank you. Tara. Kain tayo. I cooked that. Ikaw na ang humusga kung puwede na ba akong mag-asawa," humagikgik pa siya.

"Alright. Tingnan ko kung papasa sa boyfriend mo." Naupo ako sa harap ng mesa at naglagay ng plato sa harap ko si Stacey. Ganoon din ang ginawa niya tapos ay sinasalinan niya ng pagkain ang plato ko.

"Wala nga akong boyfriend. Naghahanap pa lang." Ngumiti sa kanya si Stacey.

Napangiti din ako at nagsimulang sumubo. Ang she was flirting. Cute pa rin siyang mag-flirt. Hindi nakakainis katulad ng ibang mga babaeng nakilala niya. Parang natural na sa babae ang pagiging bubbly at maharot.

"Are you married, Arthur?" This time ay beer na ang hawak namin ni Stacey. Masarap ang mga inihain niyang pagkain pero hindi naman ako kumain ng marami. Mas gusto ko ang uminom at magkaroon kami ng tama si Stacey. Proven ko na iyon. Mas nakikilala ko ang totoong pagkatao ng isang tao kapag nakainom. Mas nagiging natural sila. Katulad ni Yosh. Alam kong matinong tao si gago. Mayroon lang talagang pinagdadaanan kaya naging pasaway.

If I StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon