--
"Hoy ano kaba? may plano kabang mag madre?"
"Pwede din! I'll consider that Thaine. Paniguradong pasok naman ako, dahil mabait naman ako at berhin na berhin. edi pak! Go!" sagot ko sa kaibigan ko habang tumatawa.
kinindatan ko si Thaine bago ininom ang Stallion beer. Beer² muna, alaw pa erap ngayon. Alawng benta ehh.
"Ang kapal talaga nag pagmumukha mo sis no? San banda ang virgin sayo? yang pwet mo?"mas lalo akong natawa sa sinabi niya. HAHAHA ewan ko nalang talaga.
"Hindi ata pagmamadre ang trip ni Reign, sis. Baka Yotomb's to at kapwa bingka ang bet niya." Napangiwi ako sa sinabi ni Ari.
"Hoy girl! Mandiri ka nga! Ako tomboy? Sa ganda kong ito? "
tumaas lahat balahibo ko sa sinabi niya. Me? Tomboy? Sira ata mata nito.
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Tss napaka ingay, mausok, maraming naglalampungan, in short Nakakatanggal ng stress.
"Teka nga, where's Gyldel? kanina pa siya hindi bumabalik ahh??"
sabay naman silang nagsilingunan sa mga kalapit table namin at pati na din sa dancefloor.
Pag yun talaga nawala pareho kaming malalagot sa Daddy niya. Tumayo si Thaine at Ari para hanapin si Gyldel, at naiwan ako sa table namin para magbantay sa mga inumin namin.
Busy ako sa pag'inom ng may nahagilap ang mata ko.
Kay tagal na nung huli ko siyang nakita ahh? hmmm almost 5 years na ata, nung pagkatapos kong gumadruate ng college.
Pinasadahan ko siya ng tingin habang nakikipag'usap siya sa mga kasama niya, ng bigla siyang lumingon sa gawi ko.
Literal na nagulat ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Di ko parin inalis ang tingin sa kanya, dahil pag inalis ko means talo ako. No, yoko ng ganun. hahaha Kahit kailan walang nakakatalo ng staring contest sa akin.
Almost 20mins na ata akong nakatitig sa kanya at ganun din siya. Kinakausap siya ng mga kasama niya at biglang napapatingin ang kasama niya sa akin at napapatawa.
Aba, ang tibay talaga ng mata nitong Andre nato. Ang sarap'sarap tusukin.
Humarap siya sa akin at tinukod niya sa counter ang isang braso niya, habang ang isang kamay ay nakahawak sa inumin niya.
Mas tinitigan ko pa siya dahil kita ko na lahat ang mukha niya, nakatagilid kasi siya kanina.
walang nagbago sa mukha niya, except sa nagiging manly halos lahat ng features niya. His blue eyes were more captivating, his luscious lips were more kissable this time. And his body, Damn!! He grew to a fine delicious man sa lahat ng mga mata ng kababaihan.
Napangiti ako sa pumasok sa isipan ko. I bet, to all the girls whos staring at him ay gusto siyang matikman. HAHA sorry bitches, Second hand na yan, kung sa lalaki pa "Nilaspag ko na yan" ay ganyan ang sasabihin ko. Napatawa ako, ang bastos talaga ng utak mo Reign.
I saw him furrowed his brows dahil nakangiti ako habang nakatitig sa kanya. I wink at him at tumayo na ako para tumulong sa paghanap kay Glydel.
---
"okay lang ba na umuwi tayo na di kasama si Glydel?" nag'aalalang tanong ni Thaine.
San ba kasi nagsusuot yung babaeng yun? Biglang nawala nalang. Pati ako ay nag'aalala narin sa kanya, kahit kailan hindi siya umalis ng hindi nagsasabi sa isa sa amin. That bitch! I have never been this so worried.
"Let her be, baka may rason siya. Maybe she just want to clear her head."Kibit balikat na sabi ni Ari.
Napatitig ako sa kanya, kasi minsan alam nito lahat ehh. Parang nakikita niya ang lahat ng laman ng utak namin.
"Reign, I know I'm pretty but stop staring at me like that. Di ako pumapatol ng yotomb." She cooly said habang nagmamaneho. Pauwi na kami dahil past 2am na at may mga trabaho pa kami bukas.
"You know where she is, right?" Tanong ko sa kanya. She just smiled, I knew it.
I heave a sigh dahil alam niya naman pala kung nasan si Glydel.
"Is she okay, Ari?" Thaine asked
"Hmm, She will be. Lets just give her time."
"Is it about her brother again?" I asked, but she didn't answer me. And I already knew, nagiging ganyan lang si Glydel pag yung kuya niya ang issue ehh. Bilib din ako sa puking yun, napakamatibay.
"Where I should drop you, Reign? Your Condo or to your family house?"
"Sa condo ko nalang. Ayoko munang umuwi sa bahay, kakadating lang ng mga impakta. Ayokong masira ang tahimik kung buhay."
"Gaga, eh sirang'sira na kaya ang buhay mo"
irita kung nilingon si Thaine sa backseat na nag cecelphone lang.
"Yang bibig mo pakisarado baka sabuyan ko ng muriatic acid yan."
tumawa lang sila sa sinabi ko.
--
"Goodnight girls. See you tomorrow at lunch!"
then I kiss them in their cheeks at pumasok na ako sa Condo ko.
Agad akong napabagsak sa kama. Gosh!nakakapagod!! Kakauwi ko lang from France sa isang business trip at dumiritso na ako sa Tune'Up club na pag mamay'ari ni Ari para makipag inuman sa kanila dahil nag'aya si Glydel pero siya rin naman pala ang nang'iiwan.
I took a quick shower, at dahil pagod at inaantok na talaga ako ay nakatulog ako agad.
----
Ang ganda ng babaeng nasa harapan ko, napakakinis ng mata, mapupulang mga labi, mapupungay na mga mata.
"Hi, Who are you? why are you here?" Tanong ko sa kanya.
nasa bakuran namin siya, nakaupo siya sa duyan na ginawa ko sa ilalim ng Tree house ko. Tinanong ko pa siya ulit bago siya tumingin sa akin.
"Until when are you going to act like this? " Naguluhan ako sa tanong niya.
"What do you mean? teka, kilala mo ako?"
I got tensed when she started crying. Pukingina! wala akong alam magpatahan ng bata.
"teka lang. Stop crying kid. hey!"
hinawakan ko siya, pero agad akong napahinto ng may nahawakan akong malagkit sa kanya.
Tiningnan ko ang kamay ko at biglang nanlamig
ako.
D-dugo. May dugo sa damit niya. And then I realize na puno siya ng dugo. May dugo din ang noo niya.
Nanginginig ang mga kamay ko, gusto kong tumakbo, sumigaw ng tulong. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
juskoooo poooo... Hindi ako pinanganak na may Third eye pero pinanganak lang akong maganda.
Umangat ang kamay niya at inabot niya ang pisngi ko. Hindi ko alam, pero pinahid niya ang mga luha ko.
"please let me go...."
the last words she said bago nagdilim ang lahat.