2

83 7 2
                                        

"Para ka namang nakakita ng multo." Masungit na sabi niya.

"Paano mo nalaman na nandito ako nag-tatrabaho?" Taka kong tanong.

Sa pagkakaalala ko, sila Eurika at Aneise lng ang may alam na umuwi ako at kung saan ako nga tatrabaho.

"Eurika, tinanong ko siya." Simpleng sagot niya.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?" tinignan ko ang wrist watch ko 9:23 a.m. na.

"Meron, I just came here for this," sabi niya at pinakita ang silver bracelet. "Na-iwan mo siguro 'to sa kotse ko." Dagdag, agad ko naman 'yun kinuha.

"Thank you." Pag-pasalamat ko. Siya pala ang nag-hatid sa akin.

"Sige." Tipid niyang sagot.

Long... awkward... silence...

"Uh, alis na ako." Sabi niya at tumalikod.

"Jake!" Tawag ko agad naman siyang lumingon.

"Hm?"

"Coffee?" Tanong ko.

"Sure."

---

"Long-time no see, by the way." Sabi niya.

"Long-time no see, long-time no talk." Sagot ko, dito lang kami sa hospital canteen nag-kape. Masyadong busy ako para lumabas.

"Yeah, long-time no talk." Ulit niya. Ang awkward talaga.

"Ang... awkward." Sabi ko, tumawa naman siya.

"Akala ko ako lang." Sagot niya.

"Let's have a normal, conversation then." Suggest ko, tumango naman siya.

"Okay. So, how are you after 10 years?" Pag-simula niya.

"I'm fine. I'm really fine. How about you?" Nakangiti kong tanong.

"Well, as you can see naka-survive af ganap ng engineer." Proud na sabi niya, ngumiti naman ako.

"Parang hindi siraulo noon." Sabi ko, tumawa naman siya.

"Hiya naman ako, parang hindi rin siraulo noon." Ganti niya.

"Hoy! Good student ako noon! Wag ka!" Sabi ko, tumawa naman siya.

"Sus, para hindi nagka-crush sa akin dati." Bulong niya pero rinig na rinig ko!

"Hoy! Dati 'yung, tangina! Past is past, dapat na 'yung kalimutan!" Depensa ko

"Defensive. Ba't palagi mo akong minu-mura?!" inis na tanong niya.

"Ngayon lang kita minura!" Sagot ko.

"Minura mo ako kagabi pag-hatid ko sa'yo." Sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko. Ano kaya ang ginawa kong kalokohan kagabi?

"H-hindi, ah! Baka iba lang ang narinig mo." Sabi ko at uminom nag kape. Hindi na talaga ako iinom ng marami.

"Sus, reasons. Kung ano nga ang pinag-sasabi mo kagabi." Sabi niya.

"So, kamusta trabaho mo?" pag-change ko ng topic.

"Okay lang naman, medyo busy. Pero masaya." Sagot niya, tumango naman ako.

"Oh! Muntik ko nang makalimutan. Kamusta kayo ni Angeline?" Tanong ko. Nag-iba naman ang reaction niya.

"Wala na kami, matagal na." Sagot niya. Oh...

Bago ako umalis papuntang Korea, ang saya pa nilang magkasama. Ano kaya ang nangyari?

"Sorry, hindi na kasi ako updated tungkol sa'yo." Biro ko.

"Okay lang, hindi na din naman ako updated tungkol sa'yo." Sagot niya.

Be with You Again (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon