CHAPTER ONE
Napaaga si Valeria sa pagpunta ng Library. Alas-tres pa lang pero naroon na sya. Kelangan nyang manghiram ng libro sa Persons and Family Relations para mabasa na rin ang mga readings na binigay sa kanila ng kanilang prof na si Atty. De Leon kahapon. Kelangan nyang pang gumawa ng case digest sa Criminal law One para isumite sa huling araw ng klase. First week palang nya sa law school pero parang pinapatay na sya sa dami ng readings at cases na kelangan basahin at idigest. Isama pa ang nakakatakot na recitations tuwing klase.
Naupo sya sa dulong bahagi ng library kung saan wala masyadong tao. Occupied na kasi ang ilan ng mga higher years na di naman nya kilala. Wala parin syang kilala sa mga kaklase nya. Masyadong abala ang mga ito sa pag-aaral.
Busy na sya sa pagbabasa ng marinig nya ang mga higher years na naguusap. May kausap ang mga ito na lalaki na matangkad at naka-white polo shirt at pants. Hawak nito ang isang strap ng bagpack nito na nakasukbit lang sa isang balikat. Tumatawa ito habang kausap ang tatlong nasa higher years. Parang familiar sakanya ang lalaking yon pero di nya maalala kung sino.
Binalik nya ulit ang tingin sa binabasang libro ng may maglapag ng libro sa harap nya. Napatingin sya sa naglapag non. Sya yung lalaki kanina... saad ng kanyang isipan.
"Hi." Bati nito sakanya. Lumabas ang mapuputing ngipin nito ng ngumiti ito sakanya.
"Hello po" saad nya rito.
"First year ka diba?" tanong nito bago umupo sa katapat nyang upuan.
Tumango sya rito.
"Wala daw kayong klase sa Statutory construction ngayon" saad nito.
"Ha?" gulat na sabi nya.
"Wala ba kayong group chat? Walang naginform sa inyo?" sunod-sunod na tanong nito.
Umiling sya. Baka nga siguro may Group chat pero di naman sya nag-o-open ng facebook since nagstart sya sa law school.
Kinuha nya ang kanyang cellphone at nakita nya na may new text message iyon galing sa isang unknown number.
Binuksan nya iyon at binasa ang nakalagay. Walang Pasok pero may assignment na binigay for next meeting na kelangan nilang basahin.
"Nabasa ko na po. Thanks" saad nya rito.
Magsasalita sana ito ng may tumawag dito. "Chad" isang lalaking nasa higher years.
"Sige. Sunod ako" saad nito saka nauna ng umalis ang tumawag dito.
"Sige ah." Paalam nito sakanya na umalis at sumunod sa lalaki.
Agad syang napailing. Ang aga nyang pumasok pero wala naman palang pasok pero atleast diba makakapagbasa sya ng matagal habang nasa library.
Palapit na sya sa classroom nila sa PFR, nakikita nya mula sa hallway ang mga kaklaseng nasa labas at nagbabasa ng libro habang nakatayo. Ang ilan ay nakikipag-usap sa ibang kaklase nya. Agad syang pumasok sa loob. Tahimik lahat. Kabado sa magiging unang recitation nila ngayong araw. Sino namang di kakabahan lalo na kung ang daming binigay na articles na kelangang basahin at sinabay pa ang ilang kaso.
Agad syang naupo sa 2nd row. Ayun sa narinig nya mula sa higher years kelangan daw nasa harapan ka para marinig mo ang sinasabi ng professor sa PFR dahil matanda na raw ito. Kaya naman mostly sa mga kaklase nya ay inoccupy na ang 2nd at 3rd row na part. Halos walang gustong umupo sa 1st row. Sino ba naman ang may gusto?
Napatingin sya ng may bag na naglapag sa upuan na nasa harapan nya. Katapat nito ang mesa ng professor nila. Napatingin sya lalaking naglagay non. Walang iba kundi yung lalaking nakita nya sa library last week.
"Dito na tayo" narinig nyang sabi nito sa dalawang babae na kasama nito. Agad naupo naman ang dalawang iyon sa tabi nito. May isa pang seat na bakante sa tabi nya ng magsi-pasukan na ang mga kaklase nya. 5:30 na at anumang oras ay parating na rin ang kanilang professor sa PFR.
"Pwedeng makitabi" narinig nyang tanong sakanya ng isang babae.
Napatingin sya rito. "Sige lang" saad nya rito. Nilagay nito ang Sling bag na dala sa upuan saka naupo na roon. Nilabas nito ang makapal na libro ni Sta. Maria.
Agad na tumahimik ang classroom ng pumasok ang matandang professor nila. Nakasuot ito ng itim na blazer at saka itim din na slacks. Ang tanging hawak lamang nito ay notebook. Naupo ito sa upuan saka nilabas mula sa hawak na notebook ang class cards na sinubmit nila noong first day sa secretary nito.
Walang sabi-sabi na nagtawag agad ito ng pangalan. Halos kabado na ang lahat. Walang humihinga. Ultimo yata mga butiki ay di maririnig sa sobrang tahimik.
"Mr. Lopez" tawag ng matandang professor.
Agad na tumayo ang lalaking nasa kanyang harapan. Ang tangkad nito kaya di nya tuloy makita ang hitsura ng kanyang professor habang tinatanong ito. Gusto nyang malaman kung ano bang hitsura nito kapag nagtatanong. Galit kaya ito? O di kaya ay nakangisi kagaya ng ibang professor kapag sila ay nagtatanong sa mga estudyante.
"When shall laws take effect?" malumanay na tanong ng professor dito.
"The law shall take effect after fifteen days following the completion of the publication in the Official gazette unless otherwise provided."
In toto. Yan ang masasabi nya sa sagot nito. Hindi pa ito pinapaupo dahil may pangalawa pa itong tanong na kelangang sagutin.
"Is publication indispensable?"
"Yes. Publication is indispensable in every case. In the case of Taňada vs. Tuvera 'Publication is indispensable in every case, but the legislature may in its discretion provide that the usual fifteen day period shall be shortened or extended. The term "laws" should refer to all laws and not only to those of general application, for strictly speaking all laws related to the people in general albeit there are some that do not apply to them directly'."
Hindi lang sya kundi iba pa nilang kaklase ay namangha sa sagot nito lalo na ng ma-very good ito ni Attorney at pinaupo na.
Ang daming natawag pero hindi sya natawag sa araw na iyon. Marami ang di nakasagot ng tama kaya naman nanlulumong lumabas mga iyon sa classroom. Sya naman ay abala sa paglalagay ng kanyang libro sa kanyang bagpack.
"Ang galing ni Kuya Chad noh" saad ng babaeng nakatabi nya kanina na nagpakilalang Annika.
"Kilala mo?" tanong nya rito.
Tumango ito. "Kaklase ng pinsan ko nong undergrad. Ang alam ko ahead sya satin eh. Mga major subjects lang ang subject nya ngayong sem." Sagot nito.
Kaya pala saad nya sa kanyang isipan. Kaya naman pala kilala nito ang ilan sa mga higher years. Di naman pala ito originally freshmen.