CHAPTER TWO
Tapos na ang unang klase nila sa Criminal law. Lunch Break at mamayang ala-una naman ay ang Constitution law naman. Inaya sya ni Annika na kumain sa tapat ng school. Yung bagong 'Korean Food Haus' doon. Nagcrave daw kasi ito ng Korean food.
Nang naroon na sila ay umorder sya ng Bibimbap at ito naman ay isang set ng Ramyeon at Gimbap. Habang hinihintay nila ang order ay nagkwekwento ito ng tungkol sa sarili nito. Madaldal ito kaya naman hindi na nila namalayan ang order nila na sinerve na sakanila.
"Nga pala, Val. Ilan na nahanap mong case sa CRIM 1?" tanong nito.
"Mga sampu palang. Bakit?" tanong nya habang hinahalo ang bibimbap na inorder.
"Kung gusto mo hatiin na lang natin yong case. Isama ka namin nila Gwen at Arjun sa group chat. Sayang din kasi yong oras kapag ikaw lahat maghahanap at magdadigest noh!. 200 cases pa naman binigay ni Sir" suggest nito.
"Sige. Mahirap talagang pagsabay-sabayin lahat ng subjects" saad nya rito.
"Sinabi mo pa. Hindi ko alam na ganito pala sa lawschool noh. Akala ko ang dali lang. hays!" saad nito saka sumubo ng gimbap na sinawsaw nito sa soy sauce.
"Gusto mo?" alok pa nito sakanya.
Umiling lang sya saka kinain na ang kanyang bibimbap.
Pagkalabas nila ng 'Korean Food Haus' ay agad na silang bumalik sa school. Umakyat pa sila ng 4th floor sa main building dahil naroon ang kanilang classroom at library. Tumuloy sila muna sa library. Naroon na rin ang ilan sa mga kaklase nila na nakiki-aircon dahil di pa bukas ang classroom nila.Nakiupo sila ni Annika kila Gwen. Kilala na nya ang mga iyon dahil minsan na rin nya iyong nakausap last week.
"Sinabi ko na kay Val yung sa CRIM 1. Isama natin sa GC ha" saad ni Annika sa mga ito.
"Sige ba para naman marami tayong maghahati. Para bawas stress na rin" sabi ni Gwen.
Napatingin sya sa lakas ng tawa ng secretary ni Dean. Kausap nito si Chad at mukhang masaya ang pinaguusapan ng mga ito dahil tawa ng tawa ang babaeng sekretarya ni Dean.
"Lahat kilala talaga ni Kuya Chad noh" biglang sabi ni Annika.
"Mukhang friendly type" sabi naman ni Gwen. "Kaibiganin ko kaya. Para naman may magtutor sakin sa PFR"
Natawa naman si Annika rito. "Sige nga try mo" hamon naman nito kay Gwen.
Natawa lang sya sa usapan ng mga ito. Ang kanyang mga mata ay nakatingin parin sa lalaking iyon. Nakasuot ito ng dark blue polo shirt at maong pants. Ang isang kamay nito ay may hawak na milktea na kapareha ng iniinom ng sekretarya ni Dean.
"Andyan na si Atty." Saad ng isa nilang lalaking kaklase kaya naman dali-dali na ang ilan na lumabas at pumasok sa kakabukas lamang nila na classroom na katapat ng library.
Inaya na sya ni Annika na lumabas at pumunta ng classroom.
Sa second row ulit sila naupo. At katulad ng dati ay asa harapan na naman nya si Chad.
Buti na lamang at mostly discussion ang ginawa nila sa Constitution 1. Diniscuss lang ni Attorney yung tungkol sa Elements of State at National Territory saka na ito nagbigay ng mga babasahing articles para sa next meeting. Medyo mahaba-haba ang listahan na binigay nya kaya naman nang maguwian ay parang stress na ang mga tao lalo na at isang araw lang ang pahinga nila bago mag-Monday ulit.
"Una na ako" saad nya kila Annika at Gwen ng makababa na sila sa 4th floor. Kumaway ang mga ito at saka sabay na lumabas ng main gate. Sya naman ay dumiretso sa paking area kung saan naroon ang kanyang sasakyan.