CHAPTER 3

9 3 0
                                    

Jaycell Espinosa Zummer P.O.V.

Ito na ang ikatlong araw ko sa Janyaeng University.
Nagkaayos na din kami ni Nat Nat.Ipinagpipilitan pa din niya ang mga sinabi niya sa akin na may killer sa school na ito.At para magkaayos na kami ay hinayaan ko na lamang siya.
Alam kong alam niya na hindi ako naniniwala sa mga pinagsasasabi niya pero hindi na rin siya nangulit pa.

Ngayon ay araw ng Martes at nagreready na ako for school.Maaga pa naman pero ayokong ma-late dahil masyadong masungit ang lecturer namin ng first subject.Kung titingnan mo siya ay napakaamo ng kanyang mukha pero sobraaaang sungit,43 year's old na siya pero ang ganda at ang bata pa niyang tingnan yun nga lang...masungit.

Hi Jaycell,good morning!
bati sa'kin ni Zan matapos niyang lumabas ng banyo,at nakatapis lang siya ng tuwalya.

Good morning!bati ko rin sa kanya.

Ang aga mo yata?she asked.

Hmm yeah,ayoko ma-late ehh,i said.

Ahhh,wika niya habang tumatango-tango.
Masungit nga pala ang first lecturer natin kaya kailangan ko na ding magmadali hihihi,dagdag niya pa at nagsimula na ding kumilos.

Nagpaalam na ako na mauuna na ako sa kanya dahil sa cafeteria na'ko magbe-breakfast.

Habang naglalakad tungong cafeteria ay nakasalubong ko si Zack.Binati ko siya pero mukhang hindi niya ako narinig.He look pale.
Mukhang wala naman siyang sakit but there's something on him that i can't explain.
Parang hindi siya mapakali na kinakabahan.

Binalewala ko ba lamang yun at dumiretso na sa cafeteria.

Nagbubulungang mga estudyante ang bumungad sa akin sa cafeteria.Kakaiba ang atmosphere ngayong araw.
Um-order na'ko at nagsimulang kumain.Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapakinggan ang ang mga pag-uusap ng ilang estudyante sa aking likuran.

Malapit na...limang araw na lang.

Oo nga ehh kinakabahan na ako.

Isang linggo lang kasi at magsisimula na.

May program siguro sa Sunday kaya nagre-ready na sila.Kaya pala kakaiba ang atmosphere ngayong araw dahil halos lahat ay kinakabahan sa darating na program.

Matapos kumain ay dumiretso na'ko sa class room.Wala pa ang lecturer kaya naman pumunta muna ako sa kabilang classroom para magtanong kay Nat.

Nagtanong agad ako sa isang estudyanteng lumabas.

Hi,i greeted the guy.

Napatigil ito sa paglalakad at kunot noong tumingin sa akin.

Ako ba?tanong niya habang nakaturo sa kanyang sarili.

Ikaw nga.
Magtatanong lang sana ako kung nandito na si Nat,wika ko.

Sinong Nat?tanong niya.

Si Natasha,wika ko.

Sinong Natasha?tanong ulit niya.

Si Natasha Alex,wika ko.

Natasha Alex?tanong niya.

Oo yun nga,wika ko.

Sino yun?tanong niya nanaman.

Si Natasha Alex Flourida Vennis,wika ko.

Ayy!sino yun?tanong niya.

Nakakatanga ding kausap tong isang toh ehh...

Pinagtritripan mo ba ako?inis kong tanong sa lalaking kaharap ko.

Ayy si Miss galet agad?
Nagbibiro lang ako ehh...si Nat Nat nasa loob.

Ako nga pala si-

Hindi ako interesado sa pangalan mo,putol sa tangkang pagpapakilala niya at pinuntahan na si Nat Nat.
Baka mamaya ma-late pa ako sa pakikipag-usap sa walang kwentang kausap na taong ito.

Bakit nandito ka?tanong niya.

May program ba sa Sunday?tanong ko.

Wala,bakit?tanong niya.

Ehh kasi may narinig akong nag-uusap kanina,mukhang nagre-ready sila para sa Sunday kaya naisip ko na may program,paliwanag ko.

Natigilan siya nang marinig ang sinabi ko.Bahagya pa siyang namutla at hindi na nakapagsalita.Natigil rin sa pangungulit ang lalaking kanina pa nakasunod sa akin,
ang lalaking walang kwentang kausap.

Hoy,mahinang pagtawag ko kay Nat.

H-ha?tanong niya.

Ba't natameme ka?tanong ko.

Wag kang pupunta sa rooftop sa Linggo,
seryosong wika niya.

Ha?bakit?tanong ko.

Male-late ka na,wika niya.

Nang ma-realize ko ang sinabi niya ay nagtatakbo na ako pabalik sa class room at hindi ko na nagawang magpaalam pa.

Eksaktong pagdating ko ay siyang pagdating din ng aming lecturer.Laking pasasalamat ko dahil hindi ako na-late.Buti na lang at ipinaalala ni Nat kundi paniguradong late na ako.

Nagtataka man ako sa sinabi niya ay binalewala ko na lamang ito at nag-focus na lamang sa itinuturo ng lecturer.

Ano nga ba ang meron sa Sunday?

Anong meron sa rooftop?

-------*
-------*
A/N:

Maikli lang ang update ngayon dahil MEDYO tinatamad ako.

Medyo lang naman...

Ayoko pang simulan ang patayan dahil medyo tinatamad ako.

Medyo lang naman...

Basta don't forget to vote and comment.

-JAromaz

WATCH ME KILLWhere stories live. Discover now