CHAPTER 4

17 2 0
                                    

Natasha Alex Flourida Vennis P.O.V.

Matapos naming mag-usap ni Jaycell ay hindi na ako mapakali.Kahit si Richmon na pinagtanungan niya kanina ay biglang nanahimik nang mabanggit ni Jaycell ang tungkol sa araw ng Linggo.

Unang Linggo kada taon matapos magsimula ang klase ng Lunes hanggang Biyernes at araw naman ng pahinga sa araw ng Sabado ay nagkakaroon ng kasiyahan sa araw ng Linggo sa rooftop.Isang beses lang kada taon ito nagaganap.Isang masayang party ang ginaganap sa rooftop.Isang party kung saan libreng kainan at libreng inuming alak ang iyong madadatnan.Kahit sinong normal na mag-aaral ay labis na mag-eenjoy sa ganitong uri ng kasiyahan.

Pero matapos ang party ay magaganap nanaman ang pagdanak ng dugo.Isang buhay ang mawawala sa araw ng Linggo matapos ang party at yun ang tinatawag na.....First Blood.

Isang estudyante lang ang mamatay sa araw ng Linggo ngunit kinabukasan ay sunod-sunod na ang magaganap na pagpatay....

Sunod sunod nanaman ang pagdanak ng dugo sa Janyaeng University.

Lahat ng estudyante ng J.U. ay uma-attend sa kasiyahan dahil iniisip nila na baka iyon na ang huling kasiyahan na kanilang mararanasan.
Malawak ang rooftop.May swimming pool din dito kaya halos lahat ay sinusulit na ang kasiyahan dahil hindi na namin alam kung makakadalo pa ba kami sa susunod na taon.May ilang sinuswerte na nakaligtas tulad ko at may ilang ding minalas na hindi na makakadalo sa darating na selebrasyon ngayong Linggo.

Iisa ang killer pero madami na siyang napatay at madami pa siyang mapapatay.
Nagpapatayan na din ang mga estudyante ng J.U. dahil may ilang napag-utusan daw ng killer at ang iba naman ay napagbibintangang killer.Malupet ang killer.Wala kaming ka-ideya ideya kung sino siya.Kung babae ba siya o lalaki?Hindi rin namin alam kung isa na ba siya sa mga araw-araw naming nakakasalamuha.Maaaring kaklase?at maaari ding malapit na kaibigan.

Ito na ang ika-tatlonh taon ko sa J.U. dahil mula Grade 9 pa lang ay dito na ako nag-aral.Marami na akong kilala at marami na din akong kaibigan.Ngunit kahit isa sa kanila ay wala akong pinagkakatiwalaan.Gano'n din sila sa akin.Ganon kami sa lahat.Lahat kami ay nag-iingat.Dahil ayaw namin na magtiwala sa maling tao.

Si Richmon ang pinaka-close ko sa lahat.Siya lang ang napagkakatiwalaan ko sa lahat ng kaibigan ko dahil alam ko na hindi siya ang killer dahil palagi kaming magkasama sa tuwing may nagaganap na pagpatay kaya imposibleng siya ang killer.
May mga pagkakataon ding kami lang ang magkasama kaya kung siya ang killer ay madami siyang pagkakataong patayin ako.

30 kaming magkakaibigan noon 23 kaming magkakaklase at ang 7 naman ay ahead sa'min ng one year.

Kung noon ay 30 kami ngayon ay 19 na lamang kami dahil 11 ang namatay sa'min.

Ako,si Chai Chai Sumor Cliesa,Rubby Anne Wilson Xiang,Zandra Arden Villa,
Ashel Jade Viesca Samson,Mitch Angela Delapenia Auza,Sarrah Mae Wales Ceppillo,Jillian Corpuz Oquindo,Tiffany Albo Geron ang tanging natira sa aming mga babae.

Ang natira naman sa mga lalaki ay sina Carl Russell Dela Cruz,Jetro Casinoya,
Richmon Pacheco,Jayven Sandoval,Adrian Basila Nicor,
Zack Magmanlac,Kurt Parker Reyes,Karl Angelo Ramirez,
Christian Jake Qoulminar,at Romnique Hulium.

Masakit para sa amin ang naging pagkawala ng labing isa naming kaibigan.Madami ang nawala noong nakaraang taon nang magsimula ang pagpatay.Marami na ang sumubok na umalis sa paaralang ito ngunit walang nakakalabas ng buhay.
Maraming nagtangkang tumakas ngunit walang nagtagumpay.Lahat ng nagpaplanong umalis ay hindi na sinisikatan ng araw kinabukasan.Ngunit may isang sabi-sabi na may isang estudyateng nakatakas.
Walang nakakaalam kung sino siya.Kung babae o lalaki ba.May mga nagsasabi na hindi daw yun totoo at may ilan pa rin na naniniwala at umaasang babalik ang taong iyon at siya ang magliligtas sa aming lahat.Ngunit ilang taon na ang lumipas ay wala pa ring nagbabalik kaya ang ilan ay nawalan na ng pag-asa.

Nat Nat...

Hoy Nat Nat!

Nat Nat!!!

Ano ba!?ang ingay mo!inis na sigaw ko kay Richmon na kanina pa ako tinatawag.

Ikaw naman kasi ehh!Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka namamansin,nagmamaktol na wika niya.

Ano ba kasi yun!?inis na tanong ko.

Malapit na ang Linggo at hindi natin alam kung sino ang magiging First Blood ngayon,bulong niya sa'kin sa pinaka OA na tono.

Alam ko okay?!!Kaya nga ako nag-iisip!wika ko.

Ano ba kasing iniisip mo?pangungulit niya.

Wala!!!sigaw ko sa kanya.

Anong wala?!Ehh kasasabi mo lang kanina na nag-iisip ka tapos ngayon sasabihin mo na wala?!!!sigaw din niya pabalik.

Ang kulit rin talaga ng isang toh ehh...

Oo na!Si Jaycell ang iniisip ko.Okay na?sarkastiko kong tanong.

Sinong Jaycell?tanong niya.

Yung babaeng pinagtritripan mo kanina...wika ko.

Ahh Jaycell pala ang pangalan nun,wika niya habang tumatango-tango pa.

Teka.Wag mong sabihing natotomboy ka na sa babaeng yun???takang tanong niya.

Tanga ka rin talaga ehh noh??Kaibigan ko yun at nag-iisip ako ng paraan kung paano ko siya maililigtas.
Malapit na ang araw ng Linggo at nag-aalala ako para sa kanya,mahaba kung paliwanag.

Kailan mo ba nakilala ang babaeng yun?seryosong tanong niya.

Kakikilala ko lang sa kanya bago ako nagtransfer sa school na ito.Noong magsimula na akong mag-aral ng grade 9 dito ay sa phone na lang kami nag-uusap.Ilang beses kung sinabi sa kanya noon na hindi ito normal na paaralan pero wala siyang pakialam.
Gustong gusto niya talagang mag-aral dito.Ilang beses ko siyang sinubukang pigilan pero wala akong nagawa.Ang tanging magagawa ko na lamang ngayon ay ang protektahan siya,mahaba kong wika.

Noong taong nagtransfer ka dito ay isang taon na mula noong may isang estudyanteng nakatakas.
Kaklase namin siya.Grade 8 pa lang kami noon pero hindi kami sigurado kung nakatakas ba talaga siya o namatay.Walang ibang nakakaalam kung sino siya maliban sa aming mga grade 8 student.Pinoprotektahan namin ang pagkatao niya dahil kung sakaling nakatakas siya ay siguradong hahanapin siya ng killer,kwento niya.

Pero sino ba talaga siya?
Babae ba siya o lalaki?tanong ko.

Babae siya.Siya ang kapatid ni Jayven
(Jayven Sandoval).
Siya rin ang dating girlfriend ni Russell(Carl Russell Dela Cruz),wika niya.

Kapatid siya ni Jayven?
takang tanong ko.

Oo,kapatid siya ng boyfriend mo!!!sigaw niya sa akin.

Wag ka ngang maingay!
saway ko sa kanya.

Nauwi sa asaran ang seryosong usapan namin.
Inasar niya na ako ng inasar tungkol sa relasyon namin ni Jayven.Palibhasa wala siyang love life dahil hindi pa siya sinasagot ni Zandra.Kaya ayon...love life ko ang pinagtritripan niya.

------*
------*
A/N:

So ayon na nga..
Ilang araw na lang at magaganap na ang patayan.

Sino kaya ang magiging First Blood ngayon?

Baka ikaw na nagbabasa...

Okay...joke lang yun.
Joke na hindi nakakatawa.LOL.


-JAromaz

WATCH ME KILLWhere stories live. Discover now