One

21 1 0
                                    

"Hey man! May four tickets na ako sa basketball finals, ano? G?" Kevin asked na kakarating lang dito sa KFC infront of UST Hospital.

"Sino ba kalaban natin?" Tanong ko habang nag mML.

Tumawa naman si Kevin with my other friends, Sebastian and Niko.

"Ano ba naman yan, kaka aral mo di ka na updated sa school activities natin." Tumatawang sabi ni Niko

"Ateneo, Engr. Lim" Kevin said.

Oh, Ateneo vs UST huh.

"Gago, sobrang talino mo na yata. Nerd ka na girl? HAHAHAHA" Sebastian said na nakipag apir pa kay Kevin.

"Ulol, kelan ba yan?" tanong ko.

"Shit! Ang bobo mo Seb!" Gago matatalo pa yata kami. "Sa saturday na bro."

Tumango nalang ako dahil nag lalaro ako.

They are my friends since high school we're classmates nagka hiwalay lang nung mag College na kami. Kevin and I were taking the same Field, Electrical nga lang siya and dito din sa UST siya nag aaral. While si Niko, FEU he is taking BS in Tourism Management and si Seb sa Ateneo an Architect student.

"Yes!!!!" Napaka ingay talaga nitong Kevin na to. "Panalo, bro. Ano? Libri ni Seb G tayo mamaya inuman lang PWAHAHAHAHAHA"

"Okay, but Im going home first meet nalang tayo sa place, ano? España or BGC?" I asked habang inaayos na gamit ko.

"España nalang." Sagot ni Seb.

Sabay sabay kaming tumayo para pumunta sa Parking Lot 4pm pa lang kasi masyado pang maaga para mag Bar.

Pag karating namin sa Parking lot nag kanya kanya na kami ng pasok sa cars namin, bumusina muna ako bago ako umalis.

Uuwi lang muna ako sa condo ko malapit lang naman dito.

Pag dating ko sa building ay tuloy tuloy na ako sa elevator. And when I entered my Unit agad akong umupo sa sofa. My unit is not too big, may isang cr and room lang ako lang naman naka tira dito and minsan nandito yung friends ko.

Papasok na sana ako sa room nang biglang may kumatok sa door kaya lumakad ako palapit sa door not giving a peek on the peephole. And when I opened the door

"WHAT THE FUCK?!" The three eggs just laugh

"Bro, dito nalang muna kami para sabay sabay na tayo pumunta mamaya sa bar" Niko said and  tuloy tuloy ng pumasok.

"Tangina talaga kayo. Sige na bahala na muna kayo dyan, may aayusin lang muna akong isang project para wala na akong gawin sa sunday madali lang to." I said at muling naglakad papunta sa room ko.

"Okay baby engr PWAHAHAHAHA!!" Nag fck you sign lang ako kay Kevin bago pumasok sa kwarto.

So here we are lumalandi na naman tong dalawang kaibigan ko —Kevin and Seb
We decided na dito nalang sa Lakay Billiards mag inuman, wala para chill lang.

"Bro, look at those girls, ang chill nila mag inom" turo ni Niko sa isang table na hindi malayo saamin. There I saw three girls and one boy. They are beautiful and I think mag jowa yung boy and yung naka skirt na black. But the one who's wearing a fitted maroon backless dress got my attention, shit, she's so hot and chill, Ang simple niya uminom yung friends niya lagok lang ng lagok ng alak pero siya, shit. Iba.

"Hoy! Anong tinitignan mo dyan?!" nabalik lang ako sa tamang pag iisip nang batukan ako ni Kevin na tapos na palang makipag landian

"Aray ko naman! Ugok ka!" Reklamo ko sakanya.

"Hoy, kita ko yon! titig na titig ka don sa kabilang table ah!" Tinignan ko lang ng masama si Seb

"Bro, I think he likes that girl oh" Saad naman ni Niko sabay lagok ng alak.

Sabay naman napatingin tong dalawa sa tinuro ni Niko.

"Ay putainaaa! you like that ceu girl?!" sigaw ni Seb

"Gago hindi, napatingin lang, like na agad?" Depensa ko naman sa sarili ko.

Nagkatinginan naman silang tatlo at tumawa

"Don't worry, Man, we got you." sabi ni Kevin saakin

"Shet, finally ang ating engr magka ka jowa na!! AAAAAAAAHHHHHH MAMA!!!!!" Putangina talaga tong Sebastian na to napaka bungagero

Tumingin ako kay Niko sabay sabing, "Oh? Ikaw? Wala kang sasabihin?" Umiling lang ito habang naka ngisi.

"I don't like her, napatingin lang ako sakanya. Ulol ka, Sebastian baka ikaw may gusto Stalker." Agad naman tumawa si Seb sa sinabi ko

"Ha? Gago HAHAHAHAHAHAHA I don't like her, well, she's my type but I don't like her. Alam ko lang na CEU siya lagi ko silang nakikita ng friends niya nakita ko lang sa uniform niya. I like her for you Ha Ha bimbyyyy" napaka gagong kausap nitong Sebastian na to.

"Gago kayo, uwi na ako." Sabay tayo ko. Tumayo naman din silang tatlo "Sabay sabay na tayo Paps." Kevin said, tumango lang ako.

Nang naglalakad na kami palabas ay nag mML kami, lahat naka yuko wapakels sa mga nakakasalubong namin.

We're heading to parking lot na, may kanyan kanyang sasakyan naman kaming dala.

"Bobo Seb, dito ka!" Sigaw ni Kevin agad naman siyang binack up-an ni Seb.

"Hoy bobo! Putangina niyo pag ako namatay dito sasapakin ko kayo!"

"Ay puta! Minsan na lang magsalita tong si Niko, may mura pa! PWAHAHAHAHAHAHA" Tumatawang sabi ni Kevin habang patuloy kaming nag lalaro.

Oh sht "Hoy gago tank!!" Sigaw ko naman

"Oh tank mo ul—oh shit men!" napatigil naman ako agad at napa angat ng tingin

There, I saw the lady na naka fitted na dress na malapit ng mag landing sa sahig dahil nabunggo ko siya. Agad ko naman siyang hinila para hindi lumagapak sa sahig.

Nang maayos na ang tayo niya ay tinignan niya ako.

"Sorry Miss, are you okay?" I asked her baka kasi nasaktan ko na siya.

Bago siya nakasagot ay biglang sumigaw tong tatlo

"HAY, TADHANA NGA NAMAN MS CEU CRUSH KA NIYAN!!!" Sabay takbo nila sa mga sasakyan nila

Shit nakakahiya. Dahan dahan ko naman tinignan si Ms CEU kahit na sobrang nahihiya na ako.

"Hey, yes Im okay." She said at nag smile pa, shet mamaaaa ang ganda!!!

"Sorry sa friends ko hehe. Can you drive yourself? baka tipsy ka na?" I asked cause I cant see her friends with her

"Yes I can drive. Im not tipsy, konti lang naman nainom ko anyways, thank you. Ingat ka pauwi." What an Angel.

"Okay, ingat ka din. Sorry ulit."
Tumango naman siya at nag lakad na paalis.

Agad na rin akong pumasok sa sasakyan ko at don ko naalala na hindi ko pala natanong ang name niya hay.

Hinintay ko munang may umalis na sasakyan bago ko instart ang kotse ko.

Pag uwi ko ay minessage ko agad yung tatlo.

"Putangina niyo masasakal ko kayo pag mag kita tayo mga bobo natalo tayo sa game."

Mabilis naman nag seen si Seb at nag reply.

"Okay lang matalo sa ML, panalo naman ang puso. Chill ka lang paps ah, baka bukas tatay ka na PWAHAHAHAHAHAHA GOOD NIGHT LABYU!"

Gago.

🌙

Loving YouWhere stories live. Discover now