MNSB 06 - Project

137 8 2
                                    

It's been a week na since nung pag aaway nila Baek at Chan as usual away bati naman lagi ang dalawa. They are currently busy sa mga school works nila, Si Baek sa kanyang design while si Chan ay sa kanyang training.

*Baekhyun Class*

"Ok class listen! sorry kung natagalan but I will announce na kung sino ang mga models nyo, I was supposed to say this last week but nagkaroon ng konting problem sa pagpili ng mga models. Anyways! Are you guys ready?" Naghiyawan na ang buong class because finally malalaman na nila kung guy ba or girl ang gagawan nila ng design.

"Omg please lord bigay nyo na sakin 'to kahit ito lang pleasee " nakapikit at nakacross ang mga daliri ni Baek habang hinihintay na matawag ang pangalan.

"Ms. Yeri Chu, your partner will be Mr. Alex Reid from College of Business...

Mr. Minki Choi, yours will be Mr. Baekho from College of Eng...

And lastly..."

* omg Baek kalma ikaw na sunod, wala pang Chanyeol ang nababanggit!*

"Mr. Byun Baekhyun, your partner will be none other than Mr. Park Chan---"

"YES!! OMG I LOVE SO MUCH MAAM!" Napahiyaw ng malakas si Baek sa tuwa samantalang bakas naman sa mga mukha ng kaklase nya ang pag kadismaya dahil marami din sa kanila ang gustong makuha si Chanyeol. 

Natawa naman ang prof nya kaya naman binalaan nya ito...

"Wait lang, kilala ko kayong dalawa ah. Be nice to each other ayoko ng puro away, hindi magandang relationship yan between your client ok. Dito palang sa project na ito ay mapapractice na kung paano yung treatment nyo sa client nyo. So be careful, I'll monitor you."

"Yes Maam!" Said the whole class.

" You may now proceed to do your sketches. Remember our theme is Gothic so make sure you conceptualize muna."

Super busy na ngayon sa klase maliban sa isa na tulala pa ring nakangiti.

"Hoy anuna pinagpapantasyahan mo nanama si Chanyeol, grabe nakakatakot ka na" kalabit ni Kyungsoo kay Baek.

"Omg I already have the design that I want for Chanyeol in my head! Omg for the first time ko syang makikitang magdamit ng gawa ko!" At syempre kilig na kilig ang gaga.

"Para kang tanga dyan, nakakaawa ka talaga noh. Patay na patay ka sa kanya pero di mo manlang masabi sa kanaya yung true feelings mo. Pano ka naman sasaya ng genuine nyan eh ang daming humarang sa gusto mong mangy- AH ARAY NAMAN!" apaka ng bungaga talaga ni Chen. Hinamapas sya ng napakalakas sa braso ni Baek.

"Alam mo kung di ka lang magaling kumanta natanggalan na kita ng ngala ngala, apakasakit mo magsalita. Alam ko naman yon di mo na kailangan pang ulit ulit sa tuwing magkikita tayo. I don't even know why kita naging kaibigan, buti pa tong si Kyungsoo tahimik lang..."

"Tama naman si Chen mukha kang tanga sa kanya" banat ni Kyungsoo habang tahimik na nagiisketch.

"Opff! Gimme high five Kyungs!" Natawa naman ang dalawa at tuluyan ng nagpakabusy

*may friend pa ba akong supportive?!*

" What the- Aurghh! I hate you all!" and nawala nanaman sa mood si Baek.

*Chanyeol's class*

*Dad's calling*

"Wait lang guys lemme take this call for a sec" lumabas si Chanyeol ng classroom para tahimik na makausap ang kanyang Dad.

"Chan, I just want to say to you na Me and your Mom will be going on a business trip in New York. I think tonight yung scheduled flight namin"

"Oh really? Biglaan naman yata."

"Ah Oo, this business trip was actually scheduled next week pa but there is some adjustment sa sched so yah. You ok with that?"

"Oh ofcourse Dad, business naman yan. Just take care of yourselves."

"We will don't worry Son. You behave also, don't worry I already talked to Mrs. Byun if Baekhyun can stay sa house to accompany you and she's ok with it. You can ask  your friends din to come over basta no party inside the hou-"

"Dad, parang di mo naman ako kilala. I will take care of myself ok. You don't have to worry about me.. and the house"

"Hahaha If you say so then, see you maybe next week. We won't probably see each other paguwi mo that's why I called you. Love you Son."

"Bye Dad, love you too"

Business trip again, well wala ng bago doon sanay na si Chanyeol ever since bata palang sya. He doesnt have any hatred towards them dahil they binibigyan parin sya ng time ng parents kahit very busy sila sa business. He always felt loved and taken cared of by his parents hanggang sa paglaki nya, that is why he really treasured them a lot.

"Tito called? Lemme guess business no?" Ani ni Sehun when Chanyeol came inside the room.

"Yah, they will be away for a week. Business trip in New York."

"Woah so sa hou- este mansion nyo ulit tayo? This is gonna be exciting dude!" Sabat naman ni Kai na halatang may binabalak. He texted agad yung friends nila to come over sa house nila Chan tonight and as usual walang paki si Chan dahil he is playing games on his phone.

After 15mins in the game....

*Baekhyun's calling*

"WHAT THE F**K, I'M PLAYING!" Halos ihagis na ni Chanyeol ang phone nya sa inis dahil walang pwede mangbistorbo sa kanya kapag naglalaro sya sa phone. Gigil nyang tinake yung call without even knowing yung caller

"What do you want?!"

"You're raising your voice on me now?!"

*shit si Baek pala, aurgh calm down Yeol*

"Baek, Sorry ok naglalaro kasi ako then you..called.."

"I don't care, mas mahalaga ba yang game kesa sa bestfriend mo!"

*ikaw tuloy ang nasigawan Yeol*

"Anyway, I called you to let you know na ikaw ang naassign na model ko for my design so you make sure na pumunta ka dito sa room ko after ng class para masukatan kita. Goodbye!"

*damn my ears*

"ML pa more HAHAHA rinig ko yung sigaw ni Baek dito brad" Ani ni Kai at patuloy paring inaasar si Chan samantalang natawa nalang si Chan dahil sa mga kaibigan.

MAHAROT NA SI BAEKHYUN | Chanbaek filo au |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon