The days passed by quickly at simula na nga ng klase. I'm a bit excited and nervous because I'll be dealing with new environment. Hindi ko alam kung makaka-adjust ba ako agad at makakahanap ng mga kaibigan. Mahiyain din kasi ako kaya medyo nahihirapan ako makipag-kaibigan, kung hindi mo ako kakausapin ay mas lalong hindi rin kita kakausapin.
"Enjoy on your first day" as he stood there looking so damn manly in his civilian attire. Since kakasimula palang naman nang klase ay may isang linggo ang mga dating estudyante na mag civilian habang kaming mga transfer students ay isang buwan.
Tumango naman ako dito at kumaway na dahil hindi na ako nagpahatid sa kanya sa classroom kasi baka mahuli din sya sa klase nya. Habang naglalakad hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil ang mga classroom nila ay hindi katulad sa dati kong school na kita ang bawat estudyante sa loob ng room. Ang mga bintana nila ay salamin na hindi nabubuksan at nasa pinakataas pa yun ng pader na parang sinadya para hindi maistorbo kapag may dumaan.
Nakita ko na ang room ko at pumasok na, nanlaki agad ang mata ko at napangiti kasi yung style ng loob ng classroom nila ay kagaya ng mga napapanuod ko palabas. Ang upuan ay pataas at mahabang magkakadugtong bawat row. Ang harap naman ay may maliit na stage kung saan tutung-tong ang propesor. At ang nakatuwa pa ay air-condition ang kwarto may bonus pang electric fan. Ibang-iba sa dati kong school na tagaktak na ang pawis mo kapasok mo palang at habang nagsusulat ka naman ay nababasa ang papel dahil sa pamamasa ng kamay.
Sa pangatlong row ko napiling umupo dahil sakto lamang iyon para sakin hindi masaydong malayo at hindi rin masyadong malapit. Konti pa lang ang nandon at may kanya-kanyang kausap. Nalungkot naman ako at naisip ang mga dati kong kaklase hindi ko man sila ganun ka close atleast kahit papano ay nakakausap ko sila.
Inililibot ko ang paningin ko ng biglang may tumayo sa harap ko. Nakangiti na nilahad nito ang kamay nya sa akin.
"Yoona Santiago, you are?" tinanggap ko naman ang kamay nito "Natalie Alain Castañieda, nice meeting you" and plastered a smile.
"same here, you're bago here?" sabay upo sa tabi ko, muntik pa akong mapaubo ng marinig ko syang magsalita. Nakalimutan kong halos lahat pala ng estudyante dito ay ganun magsalita.
I gave her a nod "since bago ka were friends na ha" she cheerfully said that. Napangiti naman ako sa sinabi nito. I guess I found a new friend.
Lunch came and magkasama parin kami ni Yoona dito sa canteen. Pinakita din nya sakin ang schedule nya, luckily magkaklase kami sa lahat ng subject. After lunch ay may bakante pa kaming 1 hour kaya naman nag stay muna kami sa library.
Pagpasok namin sa library ay naghanap kaagad kami ng magandang pwesto. Kaso dahil medyo puno na ay nakapwesto kami banda kung saan makikita mo ang mga lumalabas at pumapasok.
Free wifi din sila dito kaya nag earphones nalang muna ako at nakinig sa music pampalipas oras. Si Yoona naman sa tabi ay inaaral ang susunod na subject. Dahilan nya ay mas maganda ng advance.
Pumikit ako saglit habang nakikinig ng music at dahil inaantok din ako. Nagulat ako ng biglang may pumitik sa noo ko pagkatingin ko ay halos matigilan ako dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Sky at bahagyang nakangisi.
"I told you to enjoy not to sleep" sabi nya at inayos ang pagkakaupo sa tabi ko. Nakalapit ng kaunti ang upuan nito at naka tanday ang kanang kamay sa likuran ng upuan ko at ang isa naman ay nakatukod sa lamesa habang ang kamay ay nakahawak sa ilalim ng labi. Nahiya naman ako dahil nakita nya ako.
"Sorry.. di kasi ako gaanong nakatulog dahil excited ako" nakayukong sagot ko.
Narinig ko naman na mahina syang tumawa. Ginulo nito ang buhok ko at napanguso naman akong tumingin habang iniaalis ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
Arrange with the stranger (On-going)
Teen FictionA Date Started : May 10, 2020 Date Ended :